lugar ng kahapon

66 0 0
                                    

Heto na naman ako
Pabalik-balik sa lugar kung saan una tayong pinagtagpo
Sariwa sa ala-alang pusoy di pa nagdurugo
Unang pag-ibig nga naman, pinapangiti tayo ng malago

Nakatayo ako..
oo nakatayo ulit ako sa gilid ng paaralan kung saan dati tayong naglalaro
Habulan, patentero na para bang tayo lang ang tao sa mundo
Sing tatag tayo ng bato, di masisira, di magugulo

Ito mahal natatandaan ko pa, sa klasrum madalas mo akong kulitin
Kunwari nagagalit, pero sa loob gusto koy iyong ulit-ulitin
Pinapakilig mo ako lagi, di ka nambibitin

Totoo palang nakakatawa ka, larawan koy tinago mo pala
Nahuling hinahalikan gabi man o umaga
Bugso ng iyong damdamin di na maitatago pa

Lumipas na nga ang ilang taon
Ang lugar na ito ay binago na ng panahon
Pero sakin ganun parin hanggang ngayon
Sariwa parin ang pag-ibig ng kahapon



Tula Where stories live. Discover now