Episode 13: Revelation (Part 1)

3K 49 3
                                    

"Apo!"

Kaagad na nahimasmasan si Xander nang makita kung sino ang pumasok sa pintuan: si Madam Ramona pala ito na kararating lang galing sa saglit nitong pagpasyal sa Indonesia.

"Lola..." bati niya rito sabay mano sa matanda.

Hinigit naman siya nito't hinalikan sa pisngi saka niyakap.

"It's so good to see you again! And I don't mean because I left for a few days. Hindi na kita nakikita sa bahay because of work. Ikaw bata ka, I told you not to overwork yourself!"

Ngumiti lang siya ng matamlay at hinagod ang kanyang batok.

"It's good to see you too, 'La."

"Where's Cathy?" Tanong naman agad ng ginang.

"She's in the room," matipid niyang sagot dito.

"Parang namumutla ka yata, may sakit ka ba?"

Umiling naman siya ng kaunti pero hindi parin nagpapigil ang lola sa paghipo sa kanyang noo at leeg.

"It's nothing, Lola. How was your Bali trip?" Aniya habang pinabababa ang kamay nito.

"Muy bien. I didn't get to bring home everything I wanted kaya ipina-ship ko nalang dito yung ibang art pieces. Grayson's taking care of it."

Napairap agad siya sa pagkakarinig sa pangalang iyon. Si Grayson na naman. Lagi nalang si Grayson. Nakita naman ito ng ginang kaya't nasermonan tuloy siya nito sa tingin.

"Is Zion doing well? May appointment si Cathy kay Dr. Davide today, how was it?"

"Uh... it's..."

Natameme siya. Hindi niya inaasahang itatanong ito ni Madam Ramona. Sa katunayan nga ay hindi pa niya ito inaasahang uuwi ngayon kaya't wala siyang maisip na sabihin para pagtakpan ang hindi nila pagsipot sa clinic.

Bigla namang tumunog ulit ang doorbell. Tahimik niya iyong ipinagpasalamat dahil sa pakiwari niya'y nakatulong ito sa paglihis ng isip ng matanda.

"Pacita, paki-check kung sino. Are we expecting anybody today?"

Sisimple na sana siya pabalik sa itaas nang hindi nagtagal ay bumulaga sa living room ang kararating lang na babae. Nanlaki agad ang kanyang mga mata at naalala ang sinabi ni Paolo na nawala ng panandalian sa kanyang isipan.

"Babe! I heard you were sick and—"

Tila natigilan rin ito nang masilayan ang ginang na kanyang katabi. Maging ang lola ay napatitig ng may gulat. Mukhang pare-parehas silang nagulantang sa nangyaring pagkikita-kita.

"Ariana?" Kunot-noong salita ni Madam.

"Lola Ramona..." pigil-hininga nitong usal.

* * *

* * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Fated to Love You: BOOK 1  || Social SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon