Nasabi ko na bang ang laki ng boses niya? Yung tipong papang papa ang dating? Gumalaw pa nga ang Adam's apple niya eh. Ewan ko ba pero ang hot hot tingnan no'n.

Hindi ako pamilyar sa kanya. Never ko pa siyang nakita sa tv o sa magazines. Hindi siya mukhang artista, at imposible namang hindi siya model kung hindi niya ako kilala?

"Girls like me? What do you mean by that?" Nagtatakang tanong ko.

"Nah, I don't have time for you. Mag hanap ka nalang ng ibang malalandi." Masungit niyang sabi.

Ouch ha! Ang tingin niya pala sakin ay malandi? Bakit? Mukha ba akong malandi? Parang nakikipag kaibigan lang naman eh.

"I'm mot flirting with you. I just wanna be friends, you know." Medyo lumapit ako sa tenga niya para marinig niya ako. Umiwas din naman siya kaagad.

Narinig ko siyang nag smirk at umiling. Pagkatapos ay inisang lagok ang natitirang alak at tumayo.

"H-hey! Wait! I'm still talking to you!" Lumundag ako pababa ng high stool para habulin siya.

What are you doing, Tosca? Siya lang ba ang lalaki dito sa club at siya ang napag diskitahan mo?

Kahit na medyo mabagal ang pag lalakad ko ay naabutan ko siya sa parking lot ng club. Mukhang papunta na siya sa kotse niya kaya mas binilisan ko pa ang lakad.

"Hey!" I shouted.

Binuksan na niya ang pinto ng sasakyan niyang itim na kotse pero sinara niya rin kaagad at nilingon ako. Tiningnan niya ako ng seryoso habang palapit ako sa kanya.

"Bakit mo ako sinundan?" Iritable ang tono ng boses niya.

"Wala! Gusto ko lang malaman kung anong problema mo. I was trying to be friendly lang naman pero ang rude mo!" Naghihimutok na ako.

Hindi matanggap ng ego ko na tinanggihan niya ang pakikipag shake hands ko at wi-nalk out-an pa ako! Natawa siya sa sinabi ko. Yung inis na tawa.

"Rude? I said, I don't like girls like you." Muli niya nanamang sinuyod katawan ko.

Bakit ba kanina niya pa ako tinitingnan? Wala namang masama sa suot kong fitted black tube dress at isang pulang stiletto!

"Why? What's wrong with me?" Nag pamewang ako at malakas na nag exhale.

"You. You're like a buffet. Available sa lahat. Just look at the way you dress. Ang laswa."

What? Available sa lahat? Bumukas ang bibig ko pero walang lumabas na salita sa akin. Grabe, natameme ako dun ah!

"What? Hindi naman ah!" Ganti ko nalang.

"Whatever. Stop following me." Tipid niyang sabi at tumalikod na.

Wait! Hindi ko matanggap! Bakit niya ako sasabihan na available ako sa lahat at ang laswa ng suot ko? Ang ganda ganda kaya! Hindi ko matanggap na sasabihan ako ng ganoon ng lalaki.

Pero gosh! Ewan ko kung bakit sobrang attractive ako sa kasungitan niya! Tingnan lang nating kung aayaw pa siya sa akin sa gagawin ko.

"Wait!" Lumingon siya at inis na bumuntong hininga.

"What now?" Sumandal siya sa sasakyan niya at humalukipkip.

Lumapit ako sa kanya. Nanginginig ang kalamnan ko sa pinagsasabi niya. Gusto kong tumili sa sobrang inis! Pero sige, since malakas siyang mamintas gagantihan ko siya.

Tinaasan niya ako nang kilay nang mag face to face kaming dalawa.

Agad ko siyang kinabig sa batok at hinalikan ng malalim sa labi. Sa una ay hindi siya tumugon, mga tatlong segundo. Napangisi ako kaagad nang maramdamang tumutugon siya. Pinasok ko sa bibig niya ang dila lo at ginalugad 'yon. Lasang alak siya! Ang lambot ng labi niya! Kinagat kagat ko pa tuloy!

Teka bakit ako nag e enjoy! Nang maalala ko ang agenda ko ay agad ko siyang tinulak at lumayo sa kanya. Pinunasan ko pa ang gilid ng labi ko dahil medyo basa pa nang dahil sa halik.

"Oh, akala ko ba you don't like me? Why did you kiss me back?" Nang aasar na tanong ko.

Habang siya ay seryoso ang ekspresyon at naestatwa lang doon. Pero teka, may iba akong napansin sa kanya. Nag aapoy ang mga mata niya. Sabi ko na nga ba pakipot lang 'to eh. Hindi pa rin talaga kumukupas ang beauty ko.

Hindi ko na siya hinintay na makapag react. Tumalikod na ako kaagad at naglakad pabalik ng club.

Akala niya ah! Ang dami pang sinabi. Hahalikan din naman pala ako.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now