"Pahinga Muna"

22 1 0
                                    

Pahinga muna ang mga paa
Sa paglakad at pagtakbo
Upang mapalapit sa 'yo
Kahit pilit ka nang lumalayo.

Pahinga muna ang mga kamay
Sa paghawak sa iyong mga pangako
At sa mahigpit na pagkapit sa 'yo
Dahil alam kong gusto mo nang sumuko.

Pahinga muna ang bibig
Sa pagsambit nang MAHAL KITA
At sa salitang MAHALAGA KA
Dahil nakakasawa din ang paulit-ulit na MABALEWALA.

Pahinga muna ang mga tenga
Sa pakikinig ng mabulaklak mong salita,
At sa mga pangako mo na -
Napako dahil kulang ka sa gawa.

Pahinga muna ang mga mata
Sa walang sawang pagtitig sa 'yo,
At sa walang humpay na pagtangis ko
Dahil ni minsan hindi ko nakita ang halaga ko sa 'yo.

Pahinga muna ang isip
Sa pag-alala nang masaya nating nakaraan,
Na ngayon ay wala ng katuturan,
Dahil nahanap mo na sa iba ang kaligayahan.

Pahinga muna ang puso
Sa kirot at pagkabigo,
At sa pagmamahal ng maling tao
Na walang ibang ginawa kung 'di saktan ako.

P A H I N G A M U N A

Pahinga muna
Sa galit,
Pait,
At sakit.

Pahinga muna
Sa pag-asa,
Pagtitiwala,
At sa pagpapakatanga.

PAHINGA MUNA...

Ako'y magpapahinga muna
Dahil sa oras na ito'y napagtanto ko na -
Na mas masarap palang mahalin ang sarili,
Kaysa magmahal ng taong makasarili.

Patawad! Nagmahal Lang Ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon