Chapter Three

12 0 0
                                    

Nasa school na ako ngayon nakaupo sa room namin habang nakikinig ng music galing sa iPhone ko. Haaay napaaga atah pag pasok ko ngayong araw nato ako pa lang kasi nag iisang nasa room namin.

Naman napakahirap talaga ng buhay minsan parang life hehe. Oo na alam ko nasa mga utak niyo na baliw ako dahil kinakausap ko ang sarili ko.

tok tok tok..

Napaangat ang ulo ko sa pintuan ng may kumatok. Isang lalaki ang sumilip sa siwang ng pinto.

"Ahm hello may tao ba dito?" sabi nito.

Siguro kaya hindi niya ko nakita nasa pinaka last seat kasi ako sa gilid.

"Bakit?" sabi ko sa kanya na nakataas ang kilay sino na kaya ito? Ngayon ko pa lang siya nakita dito. Pero kung sa bagay baka naman sa kabilang building siya.

"Ahm.. dito ba iyong Class A?"

sabi niya.

"Oo dito nga. Bakit?"

"Hay salamat kanina pa ko palakad lakad ang laki naman pala ng school nato! Ako pala si Nick.. Nick Cortez. Transfery ako galing sa Feusten High. Anong pangalan mo?" sabi niya sabay lahat ng kamay niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Napaka friendly niya naman atah.

"Mayla." sabi ko lang at tumingin sa labas ng bintana, hindi ko pinansin ang pakikipagkamay niya.

Nakita ko sa peripheral vision ko napahawak nalang siya sa batok niya at umupo sa kabilang silya ko.

Ayaw ko talaga sa mga taong feeling close at mabait naiirita at napaplastikan kasi ako sa kanila.

Dumaan ang ilang minuto at dumating na din ang ibang mga classmates namin at teacher's.

Ilang oras pa ang dumaan nag break na.

"Hi pwede bang sumabay sayo mag lunch? Bago lang kasi ako dit.."

"Hindi." hindi ko na siya pinatapos at naglakad na ako papuntang cafeteria.

"Oie sige na promise di ako mag-iingay at mangungu.."

"Ano bang hindi mo naiintindihan sa Hindi?" hinarap ko siya at tinitigan ng masama.

Ngimiti lang siya at sinabing..

"Maganda ka sana eh, kaso bakit ba ang sungit mo May?" tumalikod ako dahil alam kong namumula ang pisngi ko.

Shet nakakainis ang lalaking toh napakakulit.

"Hmf!" inirapan ko lang siya at lumakad na paalis.

Nasa Cafeteria na ako kumakain ng lunch ng may biglang umupo sa harap ng lamesa ko.

"Hi pa share ah." sabi ng nasa harap ko. Teka kilala ko tong boses na toh ah!

Grrr sabi ko na nga ba!

"Do I have a choice?" =_=

"Yes its either you choose yes or yes."

"Wow ah! Napakagandang pagpipilian!" -_-

Nag smirk lang siya at kumain.

"Alam mo gusto ko sanang sumali sa isang club dito eh, kaso hindi pa ako nakakapili kung ano sasalihan ko." sabi niya sakin habang kumakain.

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pagkain.

Nakakairita siya bakit ba kasi dami namang tao ako pa kinukulit niya. Bibilisan ko nalang pagkain para makaalis agad ako dito.

"Alam mo gusto ko sana sumali sa Music Club dito. Mahilig kasi akong kumanta marunong din naman akong sumayaw so parang mas bagay ako dun. Ano sa tingin mo?" biglang napaangat ang ulo ko dahil sa sinabi niya.

No No No .. hindi pwede toh! Hindi siya pwedeng sumali doon! Nasa Music Club din kasi ako kaya hindi malabong magkikita kami palagi. Grrr!

"Hoy kausapin mo naman ako.."

"Heeeey..." sabi niya pa habang kinukudlit ang braso ko.

"Ano ba! pwede bang tumingil ka na! Bahala ka sa buhay mo! Wala akong pakealam kung saang Club ka sasali okay?!" sigaw ko sa kanya sabay tayo.

grrrrrrrr..

When Love Takes OverWhere stories live. Discover now