HSH (1)

126 4 0
                                    

Unang Parte

Mahal mo. Mahal ka ba? Mga salitang talagang lubusan magbibigay sayo ng kasakitan. Salitang iyong dadamdamin nang sukdulan. Ano nga ba ako sayo? Ano nga ba tayo? Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Pero hindi kita kayang layuan. Hindi ko kayang mapalayo sayo. Hindi ka mapalitan dito sa puso ko. Ganoon kita kamahal. Kahit na ang gago mo.



Ito lamang ang ilan sa mga salitang binitawan ni Gaile.


Si Gaile ay isa lamang sa mga babaeng nasasanay na makuha ang lahat ng kanyang gusto ngunit bigla itong nagbago dahil sa di inaasahang pagkakataon. Bakit nga ba? Sapagkat sya ay nagmahal. Sya ay nahulog sa isang lalaking kahit kailan ay hindi sya makakayang mahalin pero kanya paring pinagpapatuloy ang pag-ibig dito. Dahil umaasa syang balang araw ay susuklian na nito ang pagmamahal na kanyang binibigay at ipinararamdam. At baka nga daw matulad pa sya sa mga storyang kanya lamang nababasa.

Hanggang sa Huli Where stories live. Discover now