“Partners?”

“Yes. ‘Di ba iyon ang dahilan kung bakit tayo kumuha ng mga bagong writers? Kasi kailangan mo nga kasama sa pag-gawa ng article sa mga photographs mo.”

Tumingin sa akin si Aaliyah sandali at muling ibinaling ang tingin kay Ate Camille. Tumango lang siya as a response na tila ba inaalala ang tungkol sa sinabi ni Ate Camille.

“So, we’ll be working together?”

“I believe yes.”

Hindi rin ako makapaniwala sa sinabi ni Ate Camille. Pumunta ako dito ngayon para maging isa sa mga writers nila dahil alam kong sa ganitong paraan, mas mababantayan ko si Aaliyah at mas malalaman ko ang mga ginagawa niya. Pero hindi ko inaasahan na magiging ka-trabaho ko siya. Partners? So, we will be spending a lot of time together.

“I see,” saad ni Aaliyah habang tumatangu-tango pa.

Naramdaman ko ang pag-form ng ngiti ng mga labi ko. Pilit ko iyong pinigilan dahil ayaw kong mahalata niya iyon o kahit ni Ate Camille pa.

“Justine! Justine, wait!” habol sa akin ni Aaliyah noong palabas na ako sa office ng HA. Tumigil naman ako sa pagbubukas ng pinto at hinintay siyang makarating sa harap ko. “Ang bilis mo namang mag-lakad.”

“Bakit?”

“Sungit.”

“H-ha?”

Ano daw ang sabi niya?

“Wala. Sabi ko, kung pwede ko bang makuha ‘yong mga free time mo para alam ko kung may schedule ba tayong tugma.”

Imbis na mag-salita ay itinuro ko ang table ni Ate Camille. Sinundan naman niya ng tingin ang tinuturo ko.

“Ano’ng meron sa table ni Ate Camille?”

“Nando’n ‘yong schedule ko.”

Hindi ko na siya hinintay na muli pang mag-salita at sa halip ay tuluyan na lang akong lumabas sa HA Office.

Oh, God. Kakayanin ko bang maging ganito for the rest of the year? Kakayanin ko ba siyang tiisin? Tama ba ‘tong ginagawa ko? Tama ba na sumali ako sa HA?

~*~

Uwian ko na noon ng makatanggap ako ng message mula kay Demi. Pinapupunta niya ako sa library dahil may importante daw siyang sasabihin sa akin. Agad naman akong dumiretso doon dahil nagtataka ako kung ano ba ‘yong ‘importante’ niyang sasabihin.

Agad kong nakita si Demi sa isa sa mga tables na malapit sa entrance ng library. Nang malapit na ako ay nakita niya ako at sinenyasan na huwag munang lumapit. Itinuro niya ‘yong mga tables sa dulo ng library.

‘Do’n ka muna,’ she mouthed.

Nagtataka man ay sumunod na lang ako. Nang makarating ako doon ay sakto namang pumasok ng library si Aaliyah. Agad siyang lumapit kay Demi at naupo sa harap nito.

Nag-uusap sila hanggang sa may iabot sa kanya si Demi. Parang isang maliit na envelope. Binasa iyon ni Aaliyah at saka ngumiti at tumingin kay Demi. May sinabi pa silang dalawa sa isa’t-isa bago nag-paalam si Aaliyah. Noong tuluyan nang makalabas ito ng library ay sinenyasan na ako ni Demi na lumapit sa kanya.

“What was that about?” tanong ko habang inilalapag ang bag ko sa upuan sa tabi ko.

Sa halip na sumagot ay ginawaran lang niya ako ng ngiti at saka may kinuha sa loob ng bag niya. Iniabot niya sa akin ang isang papel na katulad ng inabot niya kay Aaliyah.

“Ano ‘to?”

“Invitation. Duh?!”

“Tss.”

Binuksan ko ang invitation at binasa ang nakasulat sa loob. Invitation iyon para sa reunion ng Ashford na magaganap sa August.

“I told you I won’t come,” saad ko habang binabalik ang invitation sa kanya.

Her brows raised. Hindi niya kinuha ang invitation na nasa harapan niya. Tinitigan lang niya ako bago magsalita. “Kailan mo siya balak kausapin?”

I shrugged.

“It’s been more than a year, Paul. Wala pa rin siyang naaalala hanggang sa ngayon. Wala ring nagawa ‘yang pag-layo mo.”

“I know.”

“Then you should do something.”

Nanatili lang akong tahimik at piniling huwag nang mag-salita. Hindi ko pwedeng ipaalam sa kanila na kilala na ako ni Aaliyah bilang Justine. Hindi pa nila pwedeng malaman na nilalapitan ko na siya at gumagawa na ako ng paraan para muli siyang bumalik sa akin without considering the fact na hindi pa rin siya nakakaalala.

“Aaliyah’s going. Kung ayaw mong tuluyan na siyang maagaw sa’yo ni Aaron, pupunta ka. Unless you have made up your mind na i-let go siya at hayaan nang si Aaron ang makasama niyang alalahanin ang lahat.”

“Let him do what he wants,” seryosong pahayag ko.

“Are you sure?”

I nodded

“Will you still decline to go if I tell you that Aaliyah told me she’s starting to develop a feeling for Aaron?”

Nag-stiff ang buo kong katawan nang marinig ko ang mga iyon mula kay Demi. Hindi ko nagawang ibuka ang bibig ko para magsalita. Mukha namang napansin iyon ni Demi dahil ngumiti siya sa naging reaction ko.

“See? Alam kong ayaw mong matuluyang ma-develop si Ali kay Aaron.”

“Wala akong magagawa kung magustuhan niya si Aaron.”

“Really, Paul? Really?” sarkastikong saad niya na animo’y nanghahamon pa na patunayan ko ang sinabi ko. Tumingin siya sa relo niya at saka nag-simulang mag-ayos ng gamit. Tumayo siya at isinuot ang bag niya. “I better go. I still have a night class.”

Iniwan niya ang invitation sa table at alam kong sinadya niya iyon. Kahit na nagkaroon kami ng alitan ni Demi noon dahil sa mga ginawa kong ka-gag*han kay Aaliyah, nagawa pa rin niya akong kaibiganin.

Sa lahat ng tao sa mundo, si Demi ang lubos na nakakaintindi sa mga pinagdadaanan ko ngayon. Kahit na hindi ako nag-kukwento sa kanya, alam niya kung ano ang nararamdaman ko.

And I salute her for that.

I know deep inside me that I don’t want Aaliyah to learn to like Aaron again. Mahirap kalabanin si Aaron dahil alam kong hindi lang ako ang nagkaroon ng space sa puso ni Aaliyah noon. Hindi ako magtataka kung mangyari ulit na magustuhan siya ni Aaliyah ngayon dahil sila ang palaging magkasama. Hindi siya iniwan ni Aaron sa mga panahong kailangan niya ng kaibigan. Hindi siya iniwan nito at hinayaang harapin mag-isa ang panibagong buhay na hinaharap niya. Hindi siya iniwan nito katulad ng ginawa ko. He’s now miles ahead of me. At hindi ko hahayaang madagdagan pa iyon.

Bago umalis ay kinuha ko ang invitation at inilagay sa loob ng bag ko. “You’re right, Demi. Kailangan kong um-attend sa reunion.”

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Where stories live. Discover now