I was on my way papunta sa bahay ng kaibigan ko, birthday niya kaya kailangan kong i surprise siya. Dala ko ay isang cake at isang giant teddy bear para din naman kahit papaano may matawag namang "effort". Bihira lang to, siya kasi ilang beses na nag eeffort na kulang nalang bilhan ako ng kotse. Haha
"Hello?" someone called me.
"Oh diane? Napatawag ka?" tanong ko sakanya.
"Aba'y nakalimutan mo na ba birthday ko ha?" natatawa pa niyang sagot.
"Kailan ba?" pag papanggap ko na kunwari diko alam.
"Bad mo naman, ngayon beh. Punta ka dito sa house." diane.
"Ay beh, parang di ako makakapunta. May lakad din kasi ako mamaya."
"Mamayang gabi nalang, bad mo talaga."
"Sige tignan ko. Haha" galing ko talaga mag acting eh.
"Sige, wait may bisita ako. Ingat beh." sabi niya sabay baba ng telepono.
Mabilis ang takbo ng sasakyan ko, okay lang wala namang medyong sasakyan na dumadaan dito eh, kaya go with the flow mga bebe.
Tahimik lang akong nagmamaneho, medyo malayo layo din kasi bahay nila diane.
Habang naghahanap ng music na pwede kong itugtug sa playlist ko ay diko namalayan ang pusang tumatawid sa daan. Tapak ako ng tapak sa break eh ayaw naman tumigil ng sasakyan ko, wtf! Malapit ko nang mabangga ang pusa, no choice. Nilokoo ko ang sasakyan ko at sa hindi inaasahan ay nabangga ang ito sa isang malaking bato--
------
*AMBULANCE*
"Dennie!"
"Anak! Dyos ko po anong nangyari sa anak koo?!"
"DEEEENNN!"
"please lumaban ka, kaya mo to. Diba? Diba matapang ka?"
"Kailangan pa kita, so please stay! Please!"
Pilit kong dinidilat mga mata ko at wala akong ibang makita kundi isang anino na siyang nakahawak sakin. Hindi ko makita ng maayos dahil dumidilim na mga paningin ko, pero ramdam ko. Ramdam kong si....
