"Audrianna, partner tayo ha?" Sigaw nung kaklase kong GGSS na si Sebby.

Siniko naman ako ni Rea and parang kinikilig pa ang loka. I just rolled my eyes. As if naman may gusto pa akong ibag maka-partner.

Di ko pinansin si Sebby at sinabihan ko si Rea, "Alam mo naman na isa lang gusto kong maka-partner sa event na to diba?" Tapos siya naman yung napa-roll ng eyes niya.

"Si Anton. Ano pa nga bang bago?" She replied.

Naramdaman kong uminit yung magkabila kong mga pisngi. Mention palang ng pangalan niya kinikilig na ako. There you have it. Anton Perez. Yung iisang guy na di ako pinapansin pero shocks! Sobrang crush na crush ko talaga siya simula noong pa grade 8 kami. Always nga ako sinasabihan nina Rea na ang panget daw ng taste ko and that I could have every guy na gugustuhin ko pero dun pa ako nagkagusto sa iisang taong di man lang ako pinapansin. And NERD na WEIRDO pa raw! Ha! Minsan di ko rin maintindihan kung bakit nagging friends kami. Haha. Pasalamat siya love ko siya eh. Well, para sakin sobrang cute ni Anton kahit ano pang sabihin nila. Siya lang talaga yung crush ko for almost 4 years. Grade 12 na kasi ako ngayon. Haha. Kung nagtataka kayo bakit si Anton yung crush ko, ganito kasi yun:

Math subject namin ngayon and I feel very sleepy. Nagpuyat kasi ako kagabi para tapusin yung Chemistry project ko at yung essay namin sa English. Pinipilit kong ibukas yung mga mata ko pero di talaga yata kaya. Lagot ako neto pag nahuli ako netong kalbong teacher ko. Terror pa naman to tsaka mukhang badtrip siya masyado ngayon. Siguro, binasted nanaman nung nililigawan niyang baguhang teacher. Kinurot kurot ko na rin yung mga pisngi ko, wala pa rin. Sinubukan ko nan gang kagatin yung pisngi ko pero wa-epek. Ano ba kasi yan Audrianna, ba't kasi nag-cramming ka nanaman?

Nararamdaman ko nang bumabagsak na yung mga mata ko at napapatango tango na yung ulo ko na para bang yung asong display sa kotse. Ugh! Gising Audie, gising!!

Siniko ako ng mahina ng katabi kong alam pala ang existence ko. Palibhasa kasi hindi siya nagsasalita tsaka parating subsob yung mukha niya sa libro. Tinanguan ko lang siya pero siniko niya ako ulit kaya napatingin ako sakanya ng para bang nagtatanong. Iginawi niya ang mata niya sa direksyon ng teacher naming kalbo tapos pabalik sakin.

"Ha?" Paantok na bulong ko.

"Umayos ka ng upo mo. Baka mahalata ka ni Sir." Sabi niya habang naka-iwas yung mata niya sakin.

"Ah. Oosigesalamat" Mabilis kong sabi hanggang tuluyan nang bumagsak yung ulo ko at ayun nauntog ako sa arm chair ko.

LECHE! ANG SAKIT! NAGISING ATA LAHAT NG CELLS SA KATAWAN KO.

Mangiyak ngiyak kong hinaplos yung noo ko. Panigurado bubukol to. Napatingin ako sa katabi ko at binilugan niya ako ng mata. Hanggang sa bigla nalang may malakas na kumalabog sa armchair ko. Napatingin ako sa pinanggalingan ng ingay at bumilog rin yung mga mata ko.

"SLEEPING IN MY CLASS, MS. REED? NOW, ANSWER THE CHALLENGE PROBLEM IN THE BOARD!" Pasigaw ng teacher kong tila ay may usok nang lumalabas sa tenga at ilong. Grabe ngayon ko lang naimagine ang itsura ni Mr. Clean pag nagging ka-tropa niya ang Thomas and friends. Pero ang kinakatakutan ko talaga ay yung mga huling sinabi niya: CHALLENGE PROBLEM CHALLENGE PROBLEM CHALLENGE PROBLEM!! Patay! Eh medyo matalino naman ako sa lahat ng subjects pwera sa Math.

"I've already answered the problem on the board, Sir. Can I try? And besides, let's spare Audrianna with this problem for she will be answering the next one. I bet that's harder?" Sabi ng katabi ko. Pinandilatan ko siya. Yung mas madali nga di ko masagutan pano nalang yung mas mahirap?!! He threw me a sideways glance tapos offered a small smile.

Napaisip naman yung teacher ko sabay, "Very well, Mr. Perez. Show us your solution. And as for you, Ms. Reed, prepare your solution for the next problem on the board." 

"O-okay po sir." I stuttered. Grabe tiningnan ko yung problem sa board pero parang nagging chinese characters ata sila at di ko naintindihan!

Siniko ako ulit ng katabi ko sabay abot ng kapirasong papel. Bago ko pa mabuksan kung ano yun ay dumiretso na siya sa board. Pag bukas ko ng papel ay WOW HALLELUJIAH! THANK YOU PO LORD! THE BEST KA TALAGA! Ang bulong ko dahil ayun na yung sagot sa susunod na problem. Napatingin ako sa lalaking nagsusulat ngayon sa board – yung katabi ko. Napangiti ako at sinabi ko sa sarili kong nahanap ko na yata ang prince charming ko. Kaya naman tinanong ko yung isa ko pang katabi, "Uy ano nga yung pangalan nun? Perez last name nun diba?" Sabay turo sa kinaroroonan ng prince charming, super hero, knight in shining armor ko. "Ah yun? Ano nga ba yun? Allen? Alex? Andrew...? Ah! Anton! Anton ang pangalan niya."

Bumalik ang tingin ko sakanya at napangiti. Ha! You're mine, Anton Perez. Mine.

Habang nagdday dream ako kay Anton at salita naman ng salita yung bestfriend kong si Rea, biglang may sentence na sinabi yung teacher kong nagpabuhay sakin.

"You can choose your own date. So guys, eto na yung chance niyo."

Pagkasabi nun ng teacher ko ay isa lang ang pumasok sa isip ko: ANTON ANTON ANTON ANTON ANTON ANTON ANTON ANTON ANTON ANTON ANTON ANTON ANTON ANTON ANTON

ETO NA YUNG CHANCE KO!

Npalingon ako kay Rea at napangiti. Tiningnan niya ako na para bang sobrang weird kong tao.

"Rea, this is it! I have a plan."

Messing with the GeekWhere stories live. Discover now