''joke lang'' ngumiti ako sa kaniya.

''hindi kaba magpapalit ng damit?'' may pag-aalala sa tuno niya kaya tumingin ako sa damit ko

''Nagpalit na ako kanina kaya ok na ito Robinson lang naman yan'' nagkibit balikat lang siya.

Nakatanaw lang ako sa labas habang pinag mamasdan ang mga naglalakihang bahay ang problema lang namam ay mausok at halatang sakit ang makukuha dito sa manila kong hindi mag-iingat

Ang gaganda!

''Tsk. What a ugly maid'' rinig kong sabi ni Master kaya pasimple akong tumingin sa harapan at inambaan siya ng suntok

''I can see you stupid.'' Dali akong umayos at hindi nalang siya pinansin, napapabusangot nalang ako tuwing makikita ko siyang nakataas ang kilay na parang sinisita ako

Walang kasiyahan sa katawan ang taong ito tsk.

Nangungunang bumaba si master habang ako ay nagmadaling humabol, dahil sa matangkad siya sakin ay mahaba rin amg bawat hakbang ng paa niya

Ang bilis mag lakad!

Nasa parking lot kami nitong Robinson at sa kaliwa ay may dalawang daan papaloob kong saan sa kaliwa ay 'ENTER' sa kanan naman ay walang nakasulat ngunit batid kong doon lalabas.

''Ugly maid. dalian mo tss'' taranta akong pumantay sa paglalakad kay master na nagsusungit na naman

''Goodmorning sir.'' Bati kay master ng isang babaeng Guard. Tumango lang si master at naglakad papuntang loob, susunod na sana ako ng bigla akong harangin ng babaeng Guardiya

''Ba-bakit po?'' nagtatakang tanong ko.

''Bawal ang polubi dito ineng. Mabuti pang diyan kanalang sa labas'' napangiwi ako sa sinabi ng guardiyang ito. Sa itchura palang nito ay halatang isang Ina na pero kong umasta ay parang teenager

''Hindi naman ako polubi, kasama ko siya'' turo ko kay master na kasalukuyang nakatalikod sa gawi namin. Lumingon naman kay master at natatawang tumingin sakin

''Miss, wag kang mag assume na ang katulad mo ay makakasama ang pamangkin ng may-ari nitong Robinson'' napabuga ako ng hangin at napapikit ng mariin.

''katulong niya ako manang! Kahit tanungin niyo siya'' inis na sabi ko.

Bwesit rin! Polubi ba naman ako? porket naka tsinelas tsk.

''Anong nangyayari dito?'' isang lalake ang biglang sumulpot sa likod ko at pumagitna samin nitong guardiya

''Good morning Sir! Sinabihan ko po kasing bawal pumasok ang polubi dito pero matigas ang ulo niya at nagpupumilit. Kasama daw niya si Sir Montero.'' Nagkiskisan ang ngipin ko dahil sa iretasyon na nararamdaman.

''Are you with my cousin?'' tumingin ako sa lalake at pansin ko agad ang aking kagwapohan nito

Jusmiyo! Panty wag kang malaglag

Tumikhim muna ako at taas noong tumango sa lalakeng kaharap ko at tumingin sa guardiya ng may seryusong mukha

''Manang Guard. Hindi porket nakasuot ako ng ganitong damit polubi na, hindi ako nagsisinungaling kasama ako ni Mr. Montero kasi nga katulong ako. Hindi ikaw ang mabubulyawan ng isang pikon at walang control sa sarili kong magalit, kong hindi ako. A.K.O'' napapahiya naman itong tumingin sa lalake at pasimpleng sinamaan ako ng tingen

''ok. I call him for some confirmation'' pumasok ito sa loob kaya tinanaw ko siyang inakbayan si master

''kong ako sayo umuwi kanalang. Wag kang mag-assume na kasama ang isang Montero dahil hindi sila pumapatol sa mababang uri'' tinignan kolang siya na para bang walang kwenta ang kaniyang pinagsasabi. Nakita ko namang naglakad ang lalakeng sumulpot kanina papunta sa pwesto namin.

''yeah. She's with my cousin'' inaya ako nitong pumasok habang ang guardiya naman ay nakanganga na parang napahiya sa kaniyang ginawa

''kong ako sayo mag retired kana. wag mang husga ng tao sa susunod tsk tsk.'' Bulong ko sa harapan niya at tinignan siya habang may ngisi sa labi

''Ang tagal mo!'' ngiwi lang ang sinagot ko sa kaniya dahil nagsusungit na naman ito

''HAHA tempered Man! Cool down your ass cousin'' inakbayan siya ng kaniyang pinsan at inaya sa taas.

May malaking hagdanan na gumagalaw at kita ko naman ang pag apak nila master dito at agad silang napunta sa taas.

Hindi kaya maipit ako?

Pikit mata akong tumapak sa hagdan na gumagalaw at nagmulat ng matang nasa kalagitnaan agad ako

Cool!

''Tsk. Wag mong ipahalatang first time mong makasakay ng escalator'' masungit na sabi ni master habang yong pinsan naman niya ay tatawa tawa kaya pasimple kosiyang sinamaan ng tingen at sumunod nalang ng tahimik habang palingon lingon sa paligid.

''by the way. Back to school na naman sa lunes, can't wait to hear your name shouting by your Admirers HAHA''

''shut up!'' napapailing nalang ako sa kanila at walang imik na sumunod sa kanila. Tumigil sila sa mga school materials kaya taka naman akong tumingin kay master.

''Hey ugly, kumuha ka ng push cart don. Dali!'' Nataranta akong tumango kay master at sinunod ang sinabi niya tsaka bumalik sa pwesto nila habang namimili ng kagamitan habang ako ang taga tulak

''I heared what happened Bro, are you ok?'' hindi ko nalang sila pinansin at isa isang pinagmamasdan ang mga price ng school materials

Ang mamahal!

Dwight POV

Hindi ako kumibo sa tanong sakin ni Cairos at inabala nalang ang sarili sa pag-pili ng materials for school

''hmm yeah.'' Pilit ang ngiting sagot ko, hindi na naman ito nangulit at nagpaalam na muna dahil may aasikasuhin padaw itong business proposal.pero bago umalis ay nakita kopa itong nakipag kamay kay ugly maid kaya ngumiwi nalang ako

"Hey ugly, pumili kanarin ng gamit mo for school. Ibabawas ko nalang sa sweldo mo'' tumingin ako sa kaniya at nagtaka ng parang nag aalin langan pa itong kumuha ng materials kaya napailing ako

"Faster! Sayang ang oras tsk.'' Gaya ng palaging ginagawa niya, pabalang itong nang aamba ng suntok kaya sinamaan ko siya ng tingin

''Hihihi'' rinig kong sabi nito at nagsimulang mamili kaya napasinghal ako, tinignan ko ang suot nitong pang-probinsiya talaga at hindi manlang inaalintana ang mga taong tumitingin sakaniya.

Stupid ugly maid.

MAID BECOME MY BABE [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя