''Sumunod ka nalang sa kaniya''tinignan ko ang isang naka uniformi ring katulong ngunit nakangiti ito sakin at halatang mabait

''Siya mag tuturo sayo kong nasan ang room mo''inagaw niya sakin ang malita niya at umakyat sa taas kaya ngumiwi ako

''hello! Ako si Terresa isang kasambahay dito, ikaw?'' napatingin ako sa Teressa daw, maikli ang buhok nito blond brown at maputi siya. Maganda kong aaminin kolang

''Ahm ako si Bebang, Personal maid ni Mr. Dwight'' lingon ko pa sa itaas kahit wala naman doon si Master

''Talaga? Kawawa ka naman'' nagtaka ako sa sinabi niya parang sinasabi niyang hindi magandang maging personal maid nitong si master

''bakit naman?''takang tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami sa magiging kwarto ko

''kasi mga ika, hmm''mukhang nagbibilang pang sabi nito

''ika-sampung personal maid kana niyan! Nako mukhang mabait pero hindi,sinasabi ko sayo. mahirap maging personal maid niyan''binuksan niya ang kulay puting pinto kaya pumasok muna kami, umupo ako sa ibabaw ng kama tsaka muling tinanong siya

''Eh? Talaga? Teka lang, mabait naman Ang mag asawang Montero tapos siya hindi?''takang tanong ko habang inaayos ang mga damit

''Mmmm. Baliktad nga naman ang anak nila noh? Tsk. By the way! Tayong dalawa ang matutulog rito!''nakangiting sabi niya kaya ngumiti rin ako, kwenintohan rin ako nito at ramdam na ramdam ko ang pag welcome niya sakin

Mabilis lumipas ang oras at naka suot na ako ng isang uniforming pang maid

Ang kati!

Hindi ako mapakali sa uniforming pina suot sakin ni Tess dahil maikli ang tila nito tsaka mainit sa bandang leeg, Above the knee ito, white and black ang tema at ang nakakapikon pa ay ang high-heels na suot ko

Kilangan talaga ganito? Hanep rin ah.

''Ang init naman nito Tess!''reklamo ko habang nakatayo at nakaharap sa malaking salamin

''eh! Ganiyan talaga yan pero kong masanay kana ok naman''sinundot ako nito sa tagiliran kaya natawa ako ng kaunti at tumingin sa kaniya

''impyernes bagay sayo gurl''nakangiting sabi nito kaya natawa ako sa kaniya

''HOY MGA CHARARAT! LABAS NA AT TUMULONG SA PAGHAHANDA!'' biglang sumulpot ang babaeng minion sa pintuan habang nakadungaw na animoy bagay na bagay sa kaniya

''bakit siya naka sigaw?''bulong na tanong ko kay Tess

''hayaan mona, ganiyan yan FEELINGERANG FROG'' pinanlakihan ko siya ng mata dahil baka marinig siya ng minion nayon

''sino pala ang mayor doma dito?''tanong ko kay Tess habang naglalakad kami papuntang Dining room

''labag man sa loob pero si FEELINGERANG FROG ang mayor doma dito'' napatango nalang ako sasinabi niya

Akalain mong minion ang mayor doma dito

Tumulong si Tess sa kusina habang ako ay nasa tabi ni Master at pinagsisilbihan siya

''I want that''turo niya sa fried chicken, napakunot noo ako dahil bilang personal maid trabaho kolang naman ay siguradohin siyang malinis, ligtas at taga buhat ng mga bagay na hindi niya kaya. Wala namang may nag-sabing ako pa ang mag papakain sa lalakeng ito

''May kamay ka, kaya ikaw na kumuha''ngiwing sabi ko at lumingon naman ito sakin habang masama ang tingin

''You're my maid or what?'' reklamo nito sakin habang nakabusangot kaya labas sa loob kong sinunod siya

''Tsk. Ito ba? Manok na prinito? Oh ayan!''kinamay ko ang prinitong manok at kitang kita ko ang pandidiri ni Master

''kinamay mo talaga?''hindi makapaniwalang tanong niya kaya napaangat lang ako ng balikat

''Whatever. I want that, that, tapos iyon.''Marami ang pinantuturo ni Master kaya lahat iyon ay kinamay ko tsaka inilagay sa pinggan niya, Syempre kamayin natin wala naman siyang sinabeng sandokin yong gusto niya diba?

''Ano pa gusto mo?''sarkastikong tanong ko sakaniya habang may pekeng mga ngiti

''ts-tsk' tanging sabi nito at kumuha ng bagong pinggan at tsaka siya na mismong kumuha ng kakainin niya

Alam naman palang sumandok nang-uutos pa

Ngumisi ako ng binigyan ng thumbs up si Tess na nakasilip samin habang natatawa

Wag siyang mag inarte kay bebang dahil hindi siya oobra

Alas nwebe ng gabe nong maisipan ng masungit kong master na ipa laba sakin yong mga bag na ginamet niya

Hindi namang halatang gusto niya akong pagurin ngayong araw psh

nilabhan ko nalang ang mga bag, nakita kong papalapit sakin si Tess kaya nakaginhawa ako pakiramdam ko kasi ay mumultohin na ako sa sobrang tahimik dito sa pinaglalabhan ko

"bakit ka nag-lalaba ngayon? At bakit pfttt HAHAHA" napabusangot ako sa sinabe niya.

"Pinalabhan sakin eh" saad ko habang kinukos-kos yong mga labahang bag, humalakhak naman ng malakas si Tess kaya napapailing nalang ako

"Lakas talaga ng Trip non pftt" may pahawak hawak pa ito sa Tiyan habang tumatawa

"Pag ikaw mabulonan Huwag mo akong sisi-sihin" napapailing na sabi ko sakaniya, maya-maya pa'y huminto ito sa kakatawa

"Eh kasi naman, May washing machine naman tayo dito eh, anim pa. kaya natawa ako nong makita kitang nagku-koskos Pfttt" napairap ako sa sinabe niya, Alam koyon pero hindi ako marunong gumamit ng washing machine nayan

"Hindi ako marunong gumamit non, baka mapa-sabog kopa itong Mansion" nagkatinginan at nag-tawanan kami sa sinabe ko.

"Ayon lang, Dapat hindi ikaw ang gumagawa niyan eh" napatigil ako sa paglalaba dahil sa sinabe niya

"Bakit, sino ba dapat?"

"hmm. Yong labandera syempre, Marami tayo non pero dahil sa trip ka ng Master mo HAHAHA" napa-pikit ako sa pikon.

sinasabe ko na-nga bang abnormal yon eh!

MAID BECOME MY BABE [COMPLETED]Where stories live. Discover now