Chapter 27: Game on

266 8 4
                                    

Yesha's POV

Ngayon na ang araw ng pakikipag laban namin..pero parang wala lang sakin? Eh paano ba naman kasi? Sila nandun sa labas nag tratraining pero ako hello naka higa sa kama natutulog hahaha Parang tulog pero hindi tulog? Gets? Haha

So ngayon inimulat ko ang dalawang mata ko saka niready na talaga ang susuotin ko mamaya. Tapos yung tools saka pinag aralan ulit ang mga gagawin ko.

Nang biglang pumasok si Flare

"Hey Hon ayaw mo bang mag training sa labas?" Tanong ni Flare saka tinignan ko ng blanko si Flare

Sineryoso nya talaga ang sinabi kong tawagin nya akong Hon?

Flashback

Habang naglalakad kami papuntang Garden dahil feel namin ni Flare ngayon na mag garden muna bago matulog kinausap nya ako

"Yesha ano kaya ang tatawagin natin sa isat isa?" Tanong ni Flare

"Well depende sa'yo" sagot ko naman

"Hmmm honey bo?" Natatawa nyang tanong

"Corny mo" sabi ko

"Edi Hon nalang para siguradong mag-asawa"sabi nya at saka tinaas baba nya pa ang mga kilay nya

"Sige HON!" diniin ko talaga yung Hon

End Of Flashback

"HUY! Gumising ka nga nag dadaydream ka naman!" Sabi nya kaya napa tingin ako sakanya

"H-ha? Sorry ano ba yung sinabi mo? May inisip lang kasi ako" sabi ko

"Well ayaw mo bang mag training?" Tanong nito

"Hwag nalang muna pagod pa kasi ako eh" sabi ko habang naka ngiti sakanya

"Pagod saan? Hindi naman tayo gumawa ng kapatid ni Fesha" sabi nya na ikinagulat ko. Hinampas ko agad sya kaliwang braso nya

"Sira ka talaga! Hindi yun! Pagod sa kakaisip kung mananalo ba tayo?" Sabi ko kaya umupo sya sa tabi ko

"Be confident Hon or just think positive. Siguradong mananalo tayo sa bwisit na Nike na yun" sabi nya kaya napa ngiti nalang ako

"Salamat Hon..sige training ka na dun!" Sabi ko kaya tumango nalang sya.

Akmang aalis na sya ng tumakbo sya papunta saakin saka hinalikan ako sa Labi

"Baliw! Hahaha" sabi ko

"Baliw na baliw sa'yo" sabi nya saka taas kilay siyang umalis

9:30 pm

Ngayon na talaga ang last na pakikipag laban namin kina Nike. Nakaka pag taka lang dahil ang mga kasama ko HINDI PA NAG BIBIHIS!

"HOY! MAG BIHIS NGA KAYO! NAG MUMUKHA TULOY KAYONG MGA TANGA NA WALANG GANA DYAN! BILISAN NYO NA PARA MAKAPAG PWESTO NA TAYO!" Sigaw ko sakanila kaya nag sitayo sila at pumasok sa mga room nila

Nagulat ako ng may biglang umakbay saakin

"Easy lang sis. Excited much?" Tanong ni Kuya

"Ay hindi hindi! Tse mag bihis ka na din!" Sabi ko kaya ngumiti sya saka umalis.

"FINE!" sigaw nito bago isara ang pintuan sa room nila. Yan na nga ba ang sinasabi ko..kaya ayaw kong mag training eh kasi mapapagod lang ako

Pagkatapos nilang mag bihis at ready na talaga chineck ko ang time and it's Already 9:50 pero tinatamad pa rin sila! Ayun naka upo at natutulog yung iba.

Nag walk out nalang ako tsaka dumiretso sa Secret room na nasa loob nito ang anak ko at ng nga ka gang ko

Hinayaan ako ng guard na maka pasok at mag finger print naman para safe. At nung na confirm na ako yun pumasok na ako at kitang kita ko talaga na tumaktabo ang lahat na kids habang hinahabol ng mga yaya nila kaya napa iling nalang ako.

Lumapit ako kay Fesha at nag frog style na naka upo

"hi Mommy!!" Sabi nya saka niyakap ako sabay halik sa pisngi

"Hi din baby..." Sabi ko saka pina upo sya sa harapan ko

"Mommy will tell you something ha" sabi ko habang hinimasmas ang buhok nya

"If si Mommy hindi maka uwi forever just be happy Baby ok?" Tanong ko at mukhang naiiyak na sya

"Mommy don't say that. You're just going on a Vacation right?" Tanong nito na naiiyak kaya niyakap ko nalang sya. Actually hindi talaga ako confident na mananalo kami... Sinabi ko din kay Fesha na mag Vavacation lang kami at dito lang silang mga baby

"Don't cry baby..Mommy will try to Comeback ok?" Tanong ko

"Ok Mommy! I love you" sabi nito at hinalikan ako sa pisngi

"And I love you too baby..I love you so much. Always remember that ok?" Sabi ko na naiiyak

"Ok Mommy!" Sabi nito saka ngumiti..

Tumayo na ako at hinalikan sya sa Pisngi saka nag patuloy na sya sa pakikipag laro lumabas na ako at nilock ulit ang pintuan.

"Mark if something na mangyare saakin. Hayaan mong maka pasok sina Flare dyan kahit hindi sila naka access sa room na yan. I'll just give him the key at hayaan mo lang sila ok?" Tanong ko sa Lead Guard dito sa Labas

"Yes Ma'am" sabi nito kaya tumango nalang ako.

Pumunta ako ng sala kung saan sila naka pwesto. Nag iwan ako ng letter sakanila encase na may mangyaring masama saakin..hindi natin alam baka nga..

"Guys may I have your attention?" Tanong ko kaya nag si tingin silang lahat saakin

"Ano yun Queen?" Tanong ni Jhaze

"Guys Always remember that kayo ang pinaka the best na mga kaibigan at kapamilya ko..always remember na mahal na mahal ko kayo at yan talaga ang itatak nyo sa mga kokote nyo ok? Tsaka Flare alagaan mo ng mabuti ang anak natin!" Sabi ko

"Bakit mo naman sinasabi yan ha? Babaita hwag ka ngang mag salita ng ganyan! Just think Positive makaka ligtas at mananalo tayo dito!" Sabi ni Kuya

"Oo nga Queen! Hwag ka namang mag salita na parang mamamatay ka!" Sabi naman ni Alex

"Nag salita lang eh! Tara na nga!" Sabi ko at ayun nag si takbo na kami dito sa Beach at pumunta sa mga pwesto namin..

"Ready na guys?" Tanong ko gamit amg bluetooth na earphones

"Ready!" Sabi nilang lahat

"Ok then Game on"


































Guys I'm really really sorry kung natagalan ang update ko. I'll try my best para maka update ulit! Naka focus kasi ako sa Isang story ko na THE MYSTERY BEHIND THE KIM FAMILY recommend ko lang hehehe Thank you!

VOTE AND COMMENT!

ashhleyy05❣

The Gangsters LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon