Chapter 1

0 0 0
                                    

Angel's POV

*Kring Kring*

Kinuha ko ang phone ko na nasa gilid ng kama ko.

It's Luke.

8 pm na ah bakit kaya napatawag yun?

"Luke? Napatawag ka?"

[Si Chester 'to. Baka naman pwede mong puntahan 'tong best friend mo dito. Ang tigas ng ulo eh.]

"Nasaan kayo?"

[Nandito kami sa amin. pakisundo naman oh.]

"Okay sige.wait lang."

Agad agad akong nagsuot ng pants,at jacket medyo malamig kasi sa labas,at gabi na.

"Oh gabi na saan ka pupunta?" Puna ng tatay ko.

"Pa,may biglaang deadline ng project ko eh. Kailangan na ipasa bukas,magco-computer muna ako sa labas." Pagsi-sinungaling ko. Hindi kasi payag sila namagkaroon ako ng kaibigang lalaki...ganun sila ka-conservative.

"Oh mag-ingat ka ah."

"Opo." Lumabas na ako,at sumakay ng jeep. Malapit lang naman bahay nila Chester,pero para lang mas mapabilis ang pagpunta ko sumakay na ako.

Pumara na ako sa jeep,at bumaba sa tapat ng bahay nila Chester.

Nag-doorbell ako,at pinagbuksan kaagad ako ng mommy ni Chester.

"Good evening po. Nasaan po si Luke?"

"Nasa sala siya..Come inside,hija."

Nakita ko siyang nakaupo sa may sofa at puro bote ng alak.

"Heaven....I love you." Umiiyak siya.

"Hey Luke...what happened? Ba't ka ba nag-lalasing ah?" Tanong ko sa kanya.

Bigla niya akong niyakap at umiyak siya lalo.

"Heaven...thank you for coming...please don't leave me..." Parang nawawasak ang puso ko. Ako ang nandito, pero---.

"Hey Luke...I'm not--"

"I don't give a fuck if meron kang iba. Kahit gaguhin mo pa ako, ayos lang...mahal kita eh." Ramdam ko ang bawat sakit, sa bawat salitang binibitiwan niya.

"Luke,stop it. Don't do this to yourself please." Pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Just stay with me...I'm begging you."Mas niyakap niya ako nang mahigpit.

"Never naman kitang iniwan...at iiwan eh."

"I love you..." Sabi niya at hinalikan niya yung pisngi ko.

"I love you too..."

Biglang tumulo ang mga luha ko dahil alam kong hindi naman para sa akin ang mga saalitang yun kahit ang halik na yun pati na rin ang yakap niya.

"Umuwi na tayo." Yaya ko sa kaniya.

"Ayoko.."sabi niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.

"Heaven...please stay.." Umiiyak niyang sabi.

Nasasaktan akong ako ang nasa tabi niya pero ibang tao ang nasa isip niya,pero mas masakit na nasasaktan siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PansamantalaWhere stories live. Discover now