Day 4.6

5K 167 17
                                    

11:19 pm


Nang makapasok si Maria sa sariling kwarto niya ay agad itong nahiga at napapikit. Katabi nito ang bag niya na naglalaman ng photo album nila ni Cassey at ang Diary nito.

Balak pa sana niyang basahin ang Diary ni Cassey pero inaantok na talaga siya.

Pagod na pagod ito dahil sa magdamagan silang naglaro ng tong-its kasama ang mga kaibigan niya. Dahil sa wala silang pera ay nagawa nilang gamitin ang uling bilang parusa sa matatalo.

Napuno sila ng asaran at halakhakan sa loob ilang oras na paglalaro, kaya gano'n na lang ang naramdaman na pagod ni Maria.

Bukas na lang niya babasahin ang Diary ni Cassey at upang alamin kung naroon ba nakasulat ang dahilan sa kung bakit tumalon ito bintana o kaya ay naroon ba ang mga hinanakit nito patungkol sa kamatayan ni Thomas.

Batid niyang naroon ang mga sagot sa iilang tanong niya.

Cassey, [Book Two]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ