Simula pa nung una hindi maintindihan nararamdaman
"Guuuys meet my causin, Jose Marie but you can call him Vice." Pagpapakilala ni Anne sa kasama niya
"Mukhang habulin 'to ng chicks Anne ah? I'm Billy nga pala brad, Anne's bestfriend." Narinig kong sabi Billy pero hindi pa din ako nag aangat ng tingin
"Mukhang chickboy ka brad ah? de biro lang. I'm Vhong, welcome sa tropa." pagpapakilala nila sa kasama ni Anne pero ako nakayuko pa din gumagawa ng kanta para sa stage play namin
"Nice to meet you Billy, Vhong and uhh--?."
"Hoy Karylle baka naman gusto mong magpakilala dito sa pinsan ni Anne? Nakasambakol nanaman 'yang panget mong mukha bruh!" tumayo ako at tiningnan muna ng masama si Vhong bago humarap sa lalaking kasama ni Anne at----
3?
4?
5?
Nag slow mo lahat. Bumilis ang tibok ng puso ko.Hindi ko na alam kung ilang segundo na ba akong nakatulala sa kaniya. Nakakatunaw yung ngiti---
"Bruh para kang tanga! Hahaha" Bumalik lang ako sa ulirat nung nilamutak ni vhong yung mukha ko.Nakakahiya.
"Ahh pasensiya na if hindi kita pinansin and worst, I acted weird in front of you kanina.I'm Karylle nga pala and you are?" pagtatanong ko kasi hindi ko naman talaga narinig kanina pangalan niya. I was busy and absent minded few minutes ago.
"I'm Vice, pinsan ko si Anne. Transferee lang kasi ako dito sa school niyo kaya Anne insisted na sumama nalang ako sa grupo niyo para di daw ako mahirapan mag adjust. Ok lang ba?" pagpapaliwanag niya habang nakatingin sa sa mga mata ko na parang nahihiya
"Oo naman vice, welcome ka dito sa'min." I smiled at him, ngumiti siya pabalik dahilan para bumilis nanaman ang tibok ng puso ko
Naging magkaibigan ngunit di umabot ng magka-ibigan
"Dali na kasi K, ako nalang panuorin mo. Championship na namin ngayon tapos hindi ka pa din pupunta? wala ka bang support sa bestfriend mo?" He said while pouting his lips. Ugh! napaka cute nakakainis
"Vice, may dance contest si bruh ngayon. I need to be there. Sinabi ko dati na number one fan niya 'ko at walang contest niya ang hindi ko pupuntahan." I tried to explain everything to him. Promise ko kasi kay vhong yun, he is my closest friend kasi sa grupo namin before pa dumating si vice
"Okay I get it. Mas pipiliin mo siya kasi diba? siya naman talaga yung original bestfriend mo at hindi ako.Mas importante siya.I understand sige." ramdam ko yung lungkot at tampo sa boses niya. He didn't even tried to look at me. Tumalikod agad siya
"Look,I'm sorry kung ganun yung naramdaman mo vice pero maniwala ka, importante ka na din sa'kin." nakatalikod lang siya sa'kin habang nagsasalita ako
"I don't want you to feel that way.Manunuod na'ko ng basketball game niyo mamaya." hinawakan ko yung kamay niya para humarap siya sa'kin. Gusto ko naman talagang manuod kaso iniisip ko yung promise ko kay vhong
"Hindi,okay lang,okay na baka magtampo pa si vhong sayo. Sorry sa nasabi ko kanina ang immature ko masiyado." niyakap niya 'ko
"I'm sure maiintindihan naman ni bruh. Ngayon lang naman ako mawawala sa contest niya. Tsaka championship game niyo diba?" kumalas agad ako sa yakap kasi baka maramdaman niya pa yung kabog ng dibdib ko
"Thank you best. I love you." nakatingin siya sa mga mata ko habang sinasabi niya 'yung mga salitang mas lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.
