VentreCanard's New Story Chapter Teaser

Start from the beginning
                                    

Agad akong bumangon at inabot ko ang aking sketch pad. I tried to sketch his face again, pero nauuwi lamang ito sa isang pigura ng lalaking may hawak na bulaklak.

He's always giving me daisies in my hair. And his voice is so tender, his hands are so soft..

Hinaplos ko ang lalaking aking iginuhit.

"Who are you?"

Lumipas ang mga buwan at kasalukuyan akong nasa ilalim ng lupa. May ilan akong kasamang engineer at abala sila sa kanilang pag-uusap.

Habang naglalakad ako ay itinapat ko ang flashlight na hawak ko sa mga haligi na siyang pumipigil sa posibleng pagbagsak ng lupa.

"What the—" nanlaki ang mata ko nang makita kong may lamat ito.

That's why I didn't approve to continue the operation in this area, masyadong nagpumilit ang mga kasamahan ko.

They are risking their worker's lives!

Hahakbang na sana ako patungo sa mga kasamahan ko nang makaramdam ako ng pagyanig ng lupa.

"Earthquake!" sigaw ko.

Lahat ay nataranta pero may ilan pa rin na agad nakakilos nang tama. Agad sumakay ang mga kasamahan ko sa contruction truck.

"Come on! Faster!" malakas na sigaw ko sa mga minero.

Binibilang ko ang bawat minerong dadaan sa akin. I need them complete, wala akong iiwang buhay sa ilalim ng lupa.

"Engineer Fontanilla! Come up here!" sigaw sa akin ng mga kapwa ko engineer.

"Wait! We have our people behind!"

Napatingala na ako nang mapansin kong babagsak na ang lupa sa posisyon ko, mabilis akong tumakbo dahil sa pagkabigla ko ay bumagsak ako sa lupa. Eksaktong nagpakita sa akin si Marco.

The Filipino miner!

"Marco!" muling sigaw ko.

Pansin ko na hindi na siya makalakad nang maayos, pinilit kong bumangon at nagmamadali akong lumapit sa kanya.

"Umakbay ka sa akin, Marco. Uuwi tayo sa Pilipinas, you'll introduce me to your wife. Your kids."

"Engineer.." pilit akong ngumiti habang namamasa na ang kanyang mga mata.

"Astrid! Faster!" sigaw na ng mga kasamahan ko.

Halos lahat ng minero na nasa likuran ay nakalahad na ang kamay sa amin ni Marco, tumatakbo na ang miner truck dahil matatakpan na ang daraanan nito.

"Iwan mo na ako, iwan mo na ako engineer."

"No!"

Ibinuhos ko ang aking buong lakas para alalayan si Marco at mapait akong ngumiti nang malakas ko siyang itinulak patungo sa tumatakbong sasakyan. Naabot nila si Marco at nagpatuloy ako sa pagtakbo.

"Engineer! Engineer!" sigaw niya sa akin.

Lahat sila ay pilit akong inaabot pero kusa nang bumigay ang aking mga tuhod hanggang sa matumba na ako.

Natabunan na ng lupa ang nakapagitan sa amin.

"Mama..Papa..Kuya. Sorry, hindi na ako makakabalik sa Pilipinas."

Iniharang ko ang aking mga braso nang makitang pabagsak na ang lupa sa aking katawan hanggang sa mawalan ako ng malay.

Nang magmulat ako buong akala ko ay nasa kabilang buhay na ako, ngunit nandito pa rin ako sa ilalim ng lupa. Ngunit hindi ko na nararamdaman ang mga binti ko.

The Wattpad Filipino Block Party 2018Where stories live. Discover now