ALAALA

1.4K 24 1
                                    

Bata pa lamang ako nakakakita na ako ng mga multo. Sabi nga ng ilan, may third eye raw ako.

Marami na rin akong nakitang ibat-ibang uri ng mga multo tulad ng mga paring pugot ulo, madre, at mga babaeng umiiyak at hindi matahimik na mga kaluluwa.

Hindi naman ako natatakot sa kanila, dahil sabi ng Ate ko hindi sila nananakit ng mga buhay na mga tao.

Pero isang araw, gabing hindi ko malilimutan sa buong buhay ko. Noong may nagparamdam sa isang kwarto sa aming bahay, wala noon ang Ate dahil gabi ang duty niya sa kaniyang pinagta-trabauhan. Kumakabog ng malakas ang mga pinto waring parang may gustong lumabas sa loob, mga tunog ng nababasag na gamit, at tunog ng isang babaeng umiiyak.

Sa gabing iyon doon lang ako nakaramdam ng takot sa mga nararamdaman kong mga hindi matahimik na kaluluwa. Nararamdaman ko ang bigat, sakit, at hindi matahimik na kaluluwa galing sa nararamdaman kong esperitu.

Sa kwartong iyon ay ang dating kwarto ng pumanaw kong ina. Bata palang ako hindi ko na nakapiling ang nanay ko. Sabi ni Ate isang gabi raw noon ay may dumating na mga pulis sa kanilang bahay, hinahanap daw nila si Papa. Tumakas yata si Papa dahil siya ang suspek sa pumatay sa Mama ko.

Kami nalang ni Ate ang nagsasama sa aming bahay, may trabaho si Ate kaya naiiwan ako pag gabi.

Sa gabing iyon mayroon akong naririnig na mga iyak, takot na takot na boses at tunog ng mga nanabasag na bote at salamin.

Sinubukan kong buksan ang pinto ng kwartong iyo pero hindi ito mabuksan dahil naka lock.

Nasa harap parin ako ng pintuan ng agad itong bumukas at agad na tumambad sa akinng mga mata ang babaeng nasaksak ng kutsilyo sabay na nahagisan ng bote ng alak sa kanyang ulo. Pagkatapos ng aking nakita narinig at nakita kung may pumutok na barilat tumama sa babae.

Doon natapos ang maingay na mga tunog at mga pangyayari.

Agad na sumara ang pintuan ng kwarto.

Sinubukan kong buksan ulit ang pinto upang tingnan ang loob. Sa pagbukas ko nakita ko ang babaeng nakahiga sa sahig na dugoan.

Tinatawag niya ang pangalan ko.

Sinubukan ko siyang puntahan ngunit agad na naglaho ang babae at nakita ko ang isang sulat sa isang table kung saan kosiya nakita kanina.

Binasa ko ang sulat na aking nakita.

October 28,1997

Mga anak, kung ako man ay mawawala ngayon, sana'y pagbutihin ninyo ang inyong pag-aaral. May kasalana ako sa inyong Papa na dapat kong pagbayaran. Baka paparusahan na naman niya ako. Sana'y pag ako man ay mawawala, sana'y sa datingna panahon ay bisitahin niyo ako sa araw ng aking kamatayan sa aking punto pag kayo'y nasa tamang edad na.

Bigyan niyo ako ng kandilang puti at mga bulaklak na rosas. Para matahimik na ako at malaman ko na kilala niyo parin ang nanay niyo.

Hindi ko namalayan na madaling oras na pala, saktong Oktobre 28 naman noong nawala sa aking mga mata ang nagparamdam na babae.

At doon ko lang napagtanto na siya pala ang matagal ng patay na aking ina.

Kaya kinabukasan inanyayahan ko ang ate upang bisitahin ang aming ina.

Magmula noon ay wala na akong nakikita at mga nararamdamang hindi matahimik na mga kaluluwa.

Masaya parin ang buhay naming magkapatid.

Yun ang istorya ng aking buhay. Maraming salamat sa pakikinig.

Pumapalakpak ang aking mga kaklase pagkatapos kong nagkwento tungkol sa aking buhay sa harapan ng aming klase.

Ang ilan naman ay hindi naniniwala sa aking kwento, pero pinalalanan ko na sila noong una na nasa kanila na kung maniniwala sila sa kwento ko o hindi.

W A K A S

_____________________________________

Maraming Salamat sa Pagbabasa!

____________________________________

See you in the next story!

SAKDAL: Short Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon