-mama. Siraulo na ata iyan'

Mas lalo ako napikon sa bulungan kaya dinuro ko ang mga magnanakaw

''Gusto niyong mag-nakaw? Hindi kayo mukha mag-nanakaw mga pogi'' muntik na ako mabuwal sa sinabi ko dahil nakita ang apat na pangit na parang feel feel ang sinabi ko

Mukha kayong killer eh

''Tol! Sabi ko sayo may krass iyan si miss byutipol sayo'' biglang lumapit sakin ang malaking lalaki habang nakangisi at nagpapapogi

Yak! Sana makidlatan siya

''ikaw nemen miss byutipol pepensinin nemen kete eh'' bigla akong napangiwi sa pabebeng boses nito na hindi bumagay sa pangangatawan niya

''ah kuyang banot este pogi. Dapat hindi niyo na kami ninanakawan eh, kaya kong pwedi umalis na kayo?''

''Wow tol! Hanep gusto kaniyang paalisin parang napapangitan sayo'' gatong naman ng bansot na magnanakaw tila napikon naman ang panot na ito at bigla akong hinawakan sa braso kaya malakas ko iyon iwinaksi

''wow tol! Hanep na naman ang arte! Hand to get's yan tol'' napangiwi ako sa English ng bansot na ginagatungan ang panot naito kaya ganon nalang ang inis sakin ng panot

''hand to get's ka ah? Halika dito'' bigla ako nitong sinungaban ng yakap kaya gamit ang paypay ng ali na nasa tabi ko agad ko iyon pinalo sa panot niyang ulo

''wow tol! Hanep, ayaw sayo HAHAHA'' nagtawanan ang tatlong kasamahan niya kaya sasapakin sana ako niya ng bigla kong iharang ang paa ko tsaka sinipa siya dahilan upang mapaatras siya

''Hey maid! For god sake!'' hinawakan ako ni master sa balikat ngunit sininyasan ko siyang kumalma

''IKAW. IKAW.TSAKA KAYONG DALAWANG WALANG NGIPIN. Kong matapang kayo don tayo sa labas kapag nanalo kayo, ahmm'' tinignan ko si master at nakita ang mamahaling relo's kaya napangisi ako

''itong relo! Mga 15k yan kapag ibininta niyo sa Palawan paunshop'' tila napaisip naman ang apat

''what the f*ck maid?'' bulong saki ni master kaya sininyasan ko siya na 'kaya koto master kalma ako lang ito' bigla itong napasintido

''eh kong kami ang matalo?'' seguristang sabi ng bansot na kanina pa hanep tol ng hanep tol

''simple lang. aalis kayo at iiwan kaming mga pasahero'' biglang umingay ang paligid na animoy sang-ayon rin ang mga pasahero

-Kaya ba talaga niya?

-baka isang suntok lang sakaniya tumba siya

''oh sige DEALS!'' napangiwi ako sa English ng bansot.

Isa laban sa apat, makikialam pa sana si master ngunit sininyasan kolang siya na kaya koto kaya ang sama ng tingin niya sakin

''oh isa-isa lang mga pogi. Mahina kalaban''

''DEALS'' napailing akong hinubad ang saya ko tsaka ihinihagis sa kong saan na ikina witwiww ng apat pero dahil may short akong hanggang legs mas komportable kasing gumalaw kong walang sagabal, itinali ko ang mahabang buhok at pumesto na parang susuntok

''oh sino mauuna?'' ngumisi ako habang nakatingin sa apat

''ako muna! Ako krass nito eh'' iyong Malaki pa talaga ang mauuna kaya inayos ko ang posisyon ng aking paa tsaka kamay

yahhhhhhh!

napakamao pa itong sumusugod sakin at napapangitan talaga ako sakaniya, Bigla itong umamba sakin ng suntok kaya agad akong umatras at bumwelo tsaka binigyan siya ng flying kick sa mukha na ikinatumba niya

''Aroy! aroy! arooyy'' daing nito kaya sumunod naman ang bungal na lalaki kaya binigyan ko siya ng isang suntok sa panga mukhang nawalan pa ata siya ng isang ngipin sa ngalangala kaya gaya ng isa ganon rin ang daing ng walang ngipin naito kaya sunod naman sumugod ang walang ngipin na lalaki kundi ngala-ngala lang ang kita kaya binigyan ko siya ng isang sampal sa mukha at suntok sa sikmura

Taenang mukha nila ang titigas!

''ok ikaw hindi ka susugod?'' tanong ko sa bansot

''wow mga tol! Hanep! Ipaghihigante ko kayo'' bigla itong sumugod sakin na nakaamba pa ang kamay sakin kaya ng makalapit siya isang malakas na sampal lang ang ibinigay ko sakaniya na ikinaiyak naman ng bansot

''oh pano? Talo kayo panalo ako?'' aamba pa ako ng sipa ng biglang nag sipagtakbohan silang apat kaya palakpakan sa paligid ang narinig ko

''you're a lady that a trouble maker!'' napakagat labi akong tumingin kay master na kasalukuyang pinupulot ang saya ko tsaka inabot sakin

''I don't know what to say. But you really are cool but not good tsk'' masungit na sabi nito kaya sumunod ako sa kaniya tsaka isinuot ang saya ko at kinuha ang dalawang malita na inihulog ko kanina

Hanep, cool pero not good? Hano daw?

sumakay na ulit kami sa Bus, madami namang nag-pasalamat sakin at ikinikumpara sa mga lalakeng nandoon dahil mga duwag daw ito at hindi manlang daw ako tinulongan.

Panay ngiti nalang ang iginawad ko sakanila, narinig ko naman ang pagsinghal ni master kaya napairap ako, umandar na ang bus at balik tahimik na naman ang byahe nong nilapitan ako ng isang matanda kaya napatingen ako sa kaniya

"Salamat sayo Ija, ito nalang kasi ang naiiwan sakin sa ngayon dahil sa hirap sa probinsiya kilangan kong umuwi sa lugar namin sa Cebu" tinignan ko siyang may kinuha sa sayang bulsa niya tsaka iyon tinangkang ibigay sakin kaya agad akong napatangi sa alok niya

"Nako Lola, ok lang! Tsaka masaya ako at hindi kayo gaanong sinaktan ng mga lokong iyon" napangiti ito sa sinabe ko at nagpasalamat ulit sakin.

"I guess you're the Nighty Hero now" rinig kong bulong ni master kaya napatingen ako sakaniya na naka shed, siguroy matulog.

nighty hero? Baka hambog sa gabe kamo.

LEAVE A VOTE AND COMMENT. FOLLOW ME FOR MORE STORY

MAID BECOME MY BABE [COMPLETED]Where stories live. Discover now