CHAPTER 60-The Plan

6.6K 115 2
                                    

LEILA POV

NAPATULALA ako sa sampal ni Jes. Hindi ako makapaniwala. Ito ang unang beses na sinampal nya ako at iyon ang dahilan kung bakit gulat na gulat ako. Kaya nya akong saktan pisikal hindi lang emosyonal kundi pati pisikal,natatakot kong tiningnan si Jes mukhang nagulat din sya sa ginawa nya.

Nanginginig akong yumuko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, kung kaya nya yung gawin ibig sabihin kaya nya ring saktan si Lefier. Natatakot ako, ang kailangan kong gawin ay wag syang suwayin. Kailangan ko syang sundin at kapag nakakuha ako ng tyiempo. Tatakas ako sa mapangahas mong kamay Jes.

"I-im sorry...di ko sinasadyang--" pinutol ko ang pag sasalita nya. At tumingin ako sa kanya ng nakatingala sabay ngiti ko ng matamis...sisimulan ko ang pag papanggap Jester. Humanda ka sakin

"I-it's ok. Mukhang nabigla ka ata sa sinigaw ko, nag bibiro lang naman ako. Nakakatampo ka tuloy" may tampong tonong sabi ko. Nakita ko sa ekspresyon nya ang pag kagulat sa inasta ko, sana di mahalata

"Ohh. Im sorry baby, hindi ko na uulitin" napatango ako. Habang nakatingin sa kanya. Sorry Levesque kailangan kitang paniwalain sa mga sasabihin at ikikilos ko. Or sa madaling salita ang lokohin ka. alam kong masamang mangloko ng tao. Pero yun lang ang paraan para makaalis ako sa kanya. Ayokong matali sa lalaking ito. Lalo na't alam kong may tinatago syang kademonyohan. Sorry Levesque...

Tumango ako sa kanya "ayy. Tatanggalin ko muna ung tali mo. Tapos sasama ka sakin" tumango na lang ako ulit

Pumunta sya sa likod  ko at may narinig akong pag tunog ng nylon. Napahinga ako ng maluwag ng tanggalin nya ang tali nun sa paa ko. Ginalaw galaw ko un saka ko tiningnan bakat doon ang manipis na tali, mukhang matagal pa iyon bago mawala. Pumunta sya sa kamay ko saka naman biglang kumawala iyon. Napalunok ako, nakawala na ako. Malalim ang bawat hininga ko saka ko tiningnan ang dalawa kong kamay, bakat din ang manipis na tali nun sa kamay ko. Mapula at mukhang mag papasa pa iyon. Nakaupo parin ako nakita ko naman syang pumunta sa harap saka kinuha ang kamay ko at hinalikan

"I Love You My Queen" napailing ako ng bahagya para hindi mapansin ni Jes.


Tang*na mo. I lab youhin mo yang sinasabi mo. G*g*

THIRD PERSON POV

ILANG beses napabuntong hininga si Lefier. Naiinip na sya kakahintay sa babaeng nasa loob ng OB sa totoo lang hindi naman talaga nya dapat hinihintay. He is the one of the most powerful businessman in the World at hinding hindi sya mapapasunod ng kung sino man... Except Leila. Pero sa babaing ito, mukhang napasunod sya. At syempre dahil lang sa sanggol na nasa tyan ng babaeng un. At dipa sya sigurado kung sa kanya ba talaga iyon.

*kring kring kring*

Agad na kinuha ni Lefier ang Cp nya sa Bulsa saka tumayo at lumayo ng bahagya sa pinto


"Hello?" Tanong nito saka naman bumuntong hininga.

(Sir. Wala pa pong nakakahanap kay Leila.) Napailing si Lefier sh*t leila nasaan ka ba??


"Okay salamat sa impormasyon. May schedule pa ba ako ? Any meetings?" Tanong ni Lefier sa sekretarya nyang lalaki

(Ahh. Yes po meeting with our Team na lang po. Mamayang 7:00pm po) napatango na lang si Lefier saka ibinaba.


Madiin syang pumikit. Saan ba nya hahagilapin si Leila?? At minsan napaisip din nya na kaya hindi mahanap si Leila ay dahil alam nitong Magkakaanak sya sa ibang babae?? Kaya ba ayaw mag pakita ni Leila? Pero bakit kailangan ipasara ng pansamantala ang Shop nya? Pwedeng namang ituloy ng hindi sya nag papakita ah? Nakakapag taka lang. At kinikabahan din si Lefier

LEILA POV

NAPALUNOK ako sa ganda ng mansyon na pinasukan namin si Jes. kasalukuyan akong nasa sala ngayon nakaupo ako habang may insikaso si Jes sa taas kasama ang lima nyang maid? Seriously? Lima? Pero may nakikita pa nga akong maid na nag kalat sa garden,gate,kusina,pool at dito sa sala. Ilan kaya maid nya? Pero agaw pansin talaga saakin ang mga lalaking malalaki ang katawan naka loose na jeans at black shirt na halos pumutok na sa laki ng katawan nila. Naka shades din sila at yung iba ay may nakatagong Baril sa tagiliran nito. Anong meron?? Nakakakaba naman pala kung dito ka titira.


Nakita ko naman ang dalawang body gurad na palinga linga sa gawi ko. Naka pwesto sila sa Main door na malaking nakabukas. Mukhang ipinabilin ako dun ni Jes, baka akala tatakas ako? Hindi

Hindi pa ngayon.


Napangisi ako aa inisip ko. Pero may pag aalala din, paano kung malaman ni Jes na tatakas ako. O makatakas ako? Baka idamay nya sila mama kasama si Zxyn. Pati si Lefier, pati ung Shop at yung publishing corp ni Lefier baka pabagsakin nya iyon sa isang iglap lang

"Hey" napatingin ako kay Jes saka tumayo.

"Ahmm. Jes,pwedeng maki cr?" Tanong ko kahit hindi naman ako na c cr.

"Ahh yes. Doon sa kwarto mo" gulat man ako sa sinabi nya pero di ko parin pinahalata. Tumango na lang ako saka nya ako ginayd papunta sa Taas.



Mukhang dito ako titira ah?


MUNA.


Kase hindi naman habang buhay akong makikisama sa lalaking to. Anong akala nya saakin?? Sasama ako ng basta sa kanya?
Napangiti ako ng lumingon sya saakin. Wag sana syang mag taka na nagiging mabuti ako sa kanya at baka mag hinala sya saakin. Lagot na kung ganun,


"Baby? Nakikinig ka ba? Kanina ka pa tulala." Nagbalik ako sa realidad ng mag salita sya.


"Ahh? Ano nga yun?" Tanong ko at nilingon sya

"Sabi ko. Ito ung kwarto mo, may mga damit na rin dyan." Napangiti saka tumango,


Mukhang pinag handaan mo talaga ito Levesque? Sa isip ko.


"sige salamat." Tatalikod na sana ako ng yakapin nya ako sa likod.

"Salamat din" napakunot ako kasabay ang mabigat na pag hinga? What is that mean? Bakit naman sya mag papasalamat??

Hindi pa rin ako kumikibo. Nakayakap parin sya saakin, I Hate This Feeling Jes. Yung tipong kahit gaano ka kasama naaawa parin ako sayo. Sa kalagayan mo, dahil umaasa kaparin sakin kahit alam mong hindi na talaga pwede...ano ba kaseng plano mo Jes??

And please lang, wag mong sasaktan sila mama at Lefier.

"Papasok muna ako jes..." Sabi ko at kumawala sa yakap nya. Dalawang hakbang palang ang nagagawa ko ng Hilain nya ako papunta sa kanya kaya ako naaubsob sa matipuno nyang katawan Totoo naman,pero alam kong si Lefier lang ang may magandang katawan. Mukhang nag gym lang itong si Levesque.

Nakatitig lang sya saakin. How can imagine , parang noon mahal na mahal ko pa itong lalaki na ito. Pero hindi na ngayon. Iba na ang  nilalaman iba na at wala na syang puwang dito sa puso ko ni kahit kaibigan. Why? Kase mali ang ginagawa nya saakin. Ang ginawa nya at gagawin pa lang. Kaya sana Jes, mag bago ka na. Wag mo na akong mahalin ulit, kase sa huli alam mong hinding hindi ako sayo babalik. Kahit itaboy ako ni Lefier....na wag naman sana pero-- hindi kita babalikan.


Pasensya na Jes kung lolokohin lang kita para makawala ako dito. Para makalayo sayo, at para maging safe ang mga taong minamahal at nag mamahal saakin


AN: antok na antok habang nag ta type. Lol,😂😂

THE C.E.O'S EX-WIFE (a Broken marriage Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon