''Oh tara na, punta kana sa yaya mo?'' tanong ko sa bata, agad naman itong umiling kaya nagtaka ako

''Gusto mong maglaru tayo ng baril-barilan?'' tanong ko rito agad naman itong tumango at ibinigay sakin ang isang plastic gun

''Ano muna ang pangalan ng kalaro ko?''

''Dylan'' nakangiting sabi nito habang labas ang dalawang dimple sa pisnge kaya pinisil ko iyon.

''Oh simulan na natin? Takbo kana don'' turo ko sa isang sofa, kaya agad naman itong tumakbo at tumago doon. hinay hinay akong gumapang roon at nakitang naka upo ito habang nakatutok sakin ang baril, kaya nagulat pa ako ng may tubig iyong laman. tumawa naman ito nang malakas kaya natawa rin ako sa reaksiyon niya

Masayahing bata pala ang isang ito

''You're already dead Noona'' nagtaka ako dahil sa tawag niya sakin ''Anong ibig sabihin nang Noona Baby dylan?''hindi ito kumibo kaya napatango nalang ako

''It means ate, engot!'' isang lalaki ang nag-salita sa likod ko kaya napatayo akong tumingin sa kaniya

Maka engot naman ito parang- ano ah!? Hindi kaya ako engot.

''Kuya!'' masayang sabi ni Dylan at nagpakarga sa kapatid niya

''Did that ugly scare you?'' tumingin ako sa itaas dahil alam kong pareho silang englishero baka mag-dugo ang ilong ko

''No po, she help me popo kanina'' cute na cute ang boses na sabi nito kaya hindi ko parin nilubayan ng tingin ang itaas

''What are you doing engot?''hindi ko siya pinansin at nakatingin sa labas habang naglalakad papunta kong saan ako dadalhin ng paa ko baka Makita nilang dumudugo ang ilong ko

''Hey?''sa pagkakataon na iyon ay tumakbo na ako habang hindi nakatingin sa daanan kaya muntik na akong matisod sa hagdan.

My bleeding is Nose

Bebang POV

Nagising ako sa isang katok sa pinto kaya nagmadali akong buksan ito

''Hey'' umayos ako ng tayo ng makitang si Mrs. Montero ang kumatok.

''Dinner is ready, halika naghihintay narin si inday sa baba'' tumango ako at ngumiti kay Mrs. Montero. Nauunang maglakad si Mrs. Montero habang ako ay nasa likod niya, nakita kong naka-upo si inday katapat ng isang maliit na bata kaya pasimple akong napangiti

''Wala ang asawa ko at si Dwight ngayon dahil may inaasikaso silang business kaya tayo lang lima at ang mga maid ang nandito kasama na ang isang anak ko na si Dave na nasa itaas'' ramdam ko ang lungkot ni mrs. Montero kaya umubo muna ako bago magsalita

''Mrs. Montero? Pwedi po ba akong Magtanong?'' tumingin naman ito sakin at nakangiting tumango

''Ma-may anak po ba kayong babae?'' kagat labing tanong ko sakaniya, biglang napaiwas ng tingin si Mrs. Montero kaya babawiin kona sana ag tanong ng tumingin ito sakin ng maluha-luha kaya nag-sisi ako dahil sa itinanong koi yon

''I wish I had'' nakangiting sabi nito at pinag saklop ang kamay na tumingin samin ni inday. ''I wish I had a baby girl, but I guess it's not my destiny to have one.'' Mapait itong ngumiti kaya mas lalo akong naguilty. ''pasinsiya na sa tanong Mrs. Montero'' nakayukong pag papaumanhin ko.

''No, its ok. hindi morin naman alam. Tsaka diba sabi ko? Tita Dein nalang. Masyado kang pormal eh'' medyo natatawang saad nito kaya nailing ako

''Nakaka-ilang naman po kong tatawagin ko kayong ganon'' nahihiyang sabi ko habang nakayuko

MAID BECOME MY BABE [COMPLETED]Where stories live. Discover now