''Malapit na George, excited kana?'' tumango ako at nakangiting tinignan ang papalubog na araw

''Ma, Anong ibigsabihin kong lulubog na ang araw?'' Nagtatakang tanong ko kay mama. Ang ganda rin ng kulay ng araw, orange ito na maypaka yellow.

''Ang ibig sabihin niyan. may bagong dadating, hindi ang liwanag kundi ang kadiliman. ngunit may gabay parin tayo sa kabila nang lahat na pagsubok'' tumingin ako sa kaniya at nakitang pumatak ang kaniyang luha

''Mahal namin kayo ng kapatid mo Georg, Always remember that'' pinahid ko ang luha ng aking Ina at yinakap siya ng mahigpit

''Opo Mama'' magiliw kong sagot kay mama at yinakap siya. Biglang Naglaho ang lahat. napunta ako sa isang sitwasyong hindi ko matatakasan

BANG!

Isang tunog ng baril ang aking narinig sa labas ng cabinet na kinalalagyan ko, pumatak ang luha ko ng Makita ang papa ko nasa labas ng kinatataguan ko na wala ng buhay at duguan. napatingin ako sa aking kamay at doon ay may karga karga akong sanggol na mahimbing na natutulog.

Isang boses ang narinig ko boses kong saan huli ko nalang maririnig, nakita ko si mama na papalapit sa kinatataguan namin ng sanggol habang luhaan ang mga mata nito. Mama? Anong pong nangyayari? nakatayo siya malapit sa pintuan at nakangiting tumingin sa kinalalagyan namin

''I love you'' rinig kopang sabi niya bago siya barilin sa ulo ng isang lalaking hindi ko Makita ang imahe

***

Habol ko ang hininga ng magising ako mula sa pagkakatulog, biglang tumulo ang luha ko sa ala-alang hindi ko na ata kayang kalimutan na pati sa panaginip ko ay sumisingit pa

''Ate? Gising kana ba?'' Narinig kong tawag ni inday sakin mula sa labas. dali-dali kong pinahid ang luha ko at huminga ng malalim

''ah- Oo! sandali lang, aayusin kolang ang higaan'' napapikit ako ng mariin at sinimulang ayusin ang higaan tsaka lumabas ng kwarto nong matapos akong magligpit.

''Ate wala na tayong bigas, uutang ba tayo kila aling Maring?'' tanong ng kapatid ko habang nag wawalis

''pumunta ako kahapon sa kanila. hindi na ako pinautang dahil hindi raw tayo marunong mag bayad. kaya didiskarte na naman tayo'' napabuntong hininga akong naghilamos at nag sipilyo ''Ate, maglako kaya tayo ng Mani sa terminal? Maki Hati tayo ng paninda kay Mary'' suhesyon ni inday, napaisip ako. Pwedi rin para may makain lang mamaya

''hmm sige mamaya'' Matapos kong mag sipilyo ay pumunta ako sa kwarto upang kumuha ng damit

''Inday samahan mo ako. Maliligo ako sa bombahan'' walang sariling gripo ang lugar namin.dahil nga, walang pake ang mga opisyal dito sa nayon naming puro mga kurap.

''Ate baka nandon na naman si Boknoy'' tinignan ko siya at tinawanan ''huwag mong sabihing takot ka sa monggoloid nayon?'' natatawang sabi ko habang hinihintay siyang matapos sa paglalampaso ng sahig, tumigil naman ito at nakangiwing tumingin sakin

''hindi ah! Balian ko pa ng buto non eh, kaso yong mukha niya parang aswang ate ang pangit'' sabay kaming natawa sa sinabi niya

''oh sige na.dalian mona't dahil magtitinda pa tayo mamaya'' tumango lang ito at agad na tinapos ang Gawain

Mula sa bombahan ay rinig na rinig namin ang sigaw ng isang babae marahil nandon na naman ang apat na monggoloid

''Mga manyak!'' sigaw ni marites sa apat na tinatawan lang siya

''Sinong manyak marites? Inano kaba namin? Walang magbabalak na manyakin ka dahil sa taba mo'' nagtawanan ang apat na monggoloid kitang kita na sayang saya sa pang aapi kay marites kaya napailing akong nilagpasan silang apat

''oh nandito na pala ang apple of the eye ko, ang mala Liza soberano ang katawan at ang kapatid niyang mala Marian rivera witwiwww'' hindi namin sila pinansin at dumiritso sa bombahan upang maligo

''umalis kayo dito maliligo ako'' seryusong sabi ko at nag igip ng ipangliligo

''nako naman bebang pasilayin mo naman kami ng katawan mong kay sexy at yang malalambot mong dibdib ay gusto kong mahawakan o kaya Makita lamang ng live'' napapikit ako sa sinabi niya

''Aalis kayo? O gusto niyong basagin ko ang mga mukha niyong mukhang aswang?'' inis na sabi ko tila napikon naman ang apat sa sinabi ko dahil nawala ang mga ngisi nilang ngising aso

''kala mo kong sino ka ah? Hoy! buti nga natipuhan kita, ako na mayaman at gwapo ay hindi dapat natitipuhan ang katulad mong hampas lupa kaya napakaswerte mo'' mayabang na sabi nito habang suportado naman siya ng tatlo niyang kaibigan na kinulang sa pag iisip

''talaga? Ako maswerte sayo? San banda? Dahil ako ang apple of the eye mo? Pwes malas mo dahil ikaw ang pangit na aswang sa paningin ko'' nagtawanan sila inday at marites sanhi upang mapikon si boknoy the aswang

''inuulit ko, umalis na kayo at maliligo ako'' tatalikod na sana ako ng biglang lumapit sakin si boknoy at hilahin ang damit ko dahilan upang mapunit iyon at makitang ang strap ng bra ko kaya nainis akong sinipa siya sa tiyan na ikina aray naman niya

''Aswang na pangit kana nga bastos kapa!'' pikon na sabi ko tsaka tumalikod at pinulot ang tabong nasa balde upang pang-hampas sa makakapal ang mukha

''aalis kayo o dadanak ang dugo niyo dito mismo sa bombahan?'' seryusong sabi ko sakanila, agad agad namang nag sialisan ang apat kaya tatawa tawang lumapit sakin si inday

''Nice ate! Sana ginulpi mo muna bago mo pinaalis haha''

''Psh! daming alam. Sige, isalok mo ako ng tubig at naiinitin na ako. bwesit na boknoy sinara pa damit ko, tatahiin kona naman tuloy ito'' napailing ako sa nasabi at sinumulan ng maligo, lumapit naman sakin si marites kaya napatingen ako sakaniya habang kinukodkod ang medyo libagin kong leeg

"Hoy, salamat sayo ah! Putcha talaga yong mga pangit nayon parati nalang ako pinagtritripan" nakanguso paniyang sabi na ikina-ngiwi ko

"Walang anuman basta paki-sabi sa kapated mong si Mary makikihati kami ng paninda sa kaniya mamaya ah?" Tumingen ako kay inday na nagbobomba at napapakindat naman ito sakin na animoy astig na astig ako sa paningen niya

"Ohh sige ba! Pupuntahan kona siya ngayon, salamat ulit!" Tumakbo itong lumabas ng bombaham kaya naman bumalik ako sa paghihilod ng katawan

"Ate naramdaman mo ba iyong lindol nong tumakbo si Ate marites? Lakas noh? Hehehe" sininyasan kolang siyang huwag maingay habang palihim kaming nagtatawanan sa sinabe niya.

lokong bata, Medyo nagmana sakin.

MAID BECOME MY BABE [COMPLETED]Where stories live. Discover now