Chapter 8: Bakasyon II

Start from the beginning
                                    

“Bakit naman?” may narinig akong mga plato. Siguro naghuhugas ito ng plato.

Umikot ako sa kama.

“Feeling ko tinotorture ako kapag kasama ko sila.”

“Torture? Ano ka ba,baka hindi lang sila sanay na may kasama silang girl sa bahay nila. Kasi hindi ba lumaki sila na hindi nila kasama yung mga parents and mga sisters nila.”

“Siguro nga.” I sighed.

“Magbabago din siguro ang pakikitungo nila kapag nalaman na nilang pinsan ka nila.”

“Sana.”

“So ano. Kailan ba kayo babalik?”

“Hindi ko din alam e.”

“Ay oo nga pala,nakita ko si  William.” Kinikilig kong sabi.

“William? Yung crush mo?”

“uhmm-mm.” umikot-ikot ako sa kama.

“Bakit siya andyan?” naiimagine kong kinikilig din si Iya sa kabilang phone.

“I have no idea. Pero parang kakilala siya ng mga pinsan ko.”

“Omg.” Sa boses niya kinikilig din ito para sa akin.

Maghapon lang akong nakipagkwentuhan kay Iya. Kesa naman lumabas ako sa room ko,at Makita pa ang mga sea creatures!

**

Dinner.

Kahit ayoko man sumabay sa kanilang kumain wala akong choice. Kaya kahit labag ang kalooban ko ay lumabas ako sa kwarto ko at bumaba para sumabay sa mga pinsan ko.

“Hi Shane!” bati sa akin nila Alex at Martin.

Sila at ang kambal pa lang ang nasa dining. Tinignan ko lang ng masama yung kambal na mukhang pinagtatawanan ako.

Sarap niyong patulan!!! Arrrgh.

Sunod na umupo si Jeff sa tabi ko.  Tinignan ko ito. As usual,seryoso lang ito. Sunod na dumating ay si Jared,pero mukhang badtrip ito dahil nakakunot ang noo niya. Sa kabila ko siya umupo.

Sunod na dumating sila Kuya Nikko at yung girlfriend niya. -__- umupo sila sa harapan.

Pagkaupo nila,biglang sumigaw yung babae at tinuro ako.

“You!”

“Oh me?” turo ko sa sarili ko kahit alam ko naman na ako yung tinutukoy niya dahil nga nakaturo sa akin yung kamay niya.

I'm Living with 7 JerksWhere stories live. Discover now