Chapter 2: Mission

11 1 0
                                    

Leonne's POV

Nagising ako sa isang karwahe,bahagya akong bumangon nang mapansin ang taong nakaupo sa dulo nang karwahe sa may labasan, nakatanaw ito sa labas.

Gawa sa kahoy ang karwahe, tanging makakapal na tela lang ang nagsisilbing bubong nito.

"Nasaan ako? Sino ka?" tanong ko sa babae.

Hindi man lang ako nilingon o sinagot nang babae kaya nilapitan ko ito at nang makita nang maayos ang mukha. Nakasuot lang siya nang itim na jogging pants at pulang damit.

"Nasaan ako? Sino ka?" Paguulit ko.

Pumasok sa isip ko si lola? Siya ang huli kong naalala. Ano ngaba ang nangyari kagabi?

"Si lola?" nilingon na ako nang babae.

"Yung matanda ba?" binalik niya ang tingin sa labas. Parang nagdadalawang isip siyang sumagot. "Patay na siya"

Muntik ko na siyang mabatukan. Inalala ko ang mga nanyari kagabi. Mula sa kaunting salo-salo hanggang sa pagbigay niya sa akin nang kwintas. Napahawak ako sa kwintas nang maalala ang imahe ni lola bago ako mawalan nang malay.

"Nahuli kami, hindi na namin naligtas ang matanda" dag-dag pa niya.

Nagigting ang bagang ko sa kasinungalingan niya. Pero totoo, naalala kona.

Susuntukin ko na sana siya pero nahawakan na niya ang mga kamay ko. Tumulo ang mga luha ko, hindi na siya kumibo at binitiwan ako. Umatras ako at niyakap ang mga binti ko.

This isn't funny, none of this does. Gusto kong maniwala na hindi yun totoo pero ako mismo ang nakakita. Mas inakap ko pa ang mga binti ko at binalikan ang lahat.

Kung sana hindi ko ginawa ang mga ginawa ko. Sahalip na tumakbo ay sumuko nalang sana ako! At saka yung panaginip! Isa yung waring pero bakit hindi ko pinaniwalaan!?

Lumipas ang ilang mga minuto ay nanatili lang ako sa ganoong posisyon. Gayundin ang babaeng kasama ko.

Natapos ang pag iyak ko nang huminto ang karwahe at isang mataas at matipunong lalake ang sumulpot sa labas.

"Nandito na tayo" nakangiti niyang anunsyo. Ngunit nawala ang ngiting yun nang mapansin  ang mukha naming dalawa. "Anong nangyari?"

Tinignan siya nang babae at parang naguusap nang walang sinasabi saka bumaba ang babae.

Bumalik sa akin ang tingin niya.

Bahagya siyang yumuko "pasensya kana, ako ang nagsabing umalis na tayo" tinignan niya ako at naglahad nang kamay.

"Simon nga pala" inabot ko ito at bumaba.

Unlike other girls hindi ako madrama. Wala namang magbabago kung magmumukmok ako. Yun ang tinuro sakin ni mama nang namatay si papa. Yes masakit pa ito para sakin ngayon pero alam kong sa susunod na mga araw o baka nga mamaya lang ay wala na ito.

"Leonne" hindi ko magawang magalit sa kanya. Kung tutuusin hindi naman talaga dapat ako magalit sa kanila, wala naman talaga silang kasalanan and so do I.

"Esther  ang pangalan nang babaeng kasama mo kanina. Medyo maldita pero mabait yun kapag nakilala muna"

Isang maliit na parang baryo sa gitna nang kakahuyan ang hinintuan namin. Gawa sa mga kahoy ang mga maliliit na mga bahay.

May mga batang naglalaro at ang iba naman ay busy sa mga pinaggagawa nila. Ngunit napahinto sila sa mga pinaggagawa nila nang mapansin nila ako.

Dinala ako ni Simon sa isa sa mga malalaking bahay. Gawa sa kahoy ang lahat rito pati ang mga simpleng dekorasyon sa paligid.

Phoenix Academy: School Of CreaturesOnde as histórias ganham vida. Descobre agora