"Just?" his blue eyes narrowed. "Can we just—how can I say this? How about we try to stay focus with our jobs, Pedro?"

"What do you mean?" malamig na tanong nito.

"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin, Peter." Madiing sagot ko.

"No, we reason out. Wala naman tayong ginagawang masama, Behati. Hindi ko gusto ang nasa isip mo." Matabang na sabi nito.

"We're both aware of it, Pedro. But we continued, ngayong mapapahamak ang pareho nating posisyon hindi ba dapat ay gumawa tayo ng aksyon? We tried to hide it, but—"

"But? Behati, wala tayong ginagawang masama. Our relationship made us stronger, made us unbeatable. They should be thankful for that, don't be bother about it baby. We can find a better solution. Hindi na kita pakakawalan."

"But it is part of the rule, Pedro. Remember Commander Mitts and Engr. Wright? Wala ka bang nalalaman sa kanila? Engr. Wright was kicked because of their relationship. Ayokong darating tayo sa puntong isa sa atin ang aalis sa UASA dahil lamang sa kung anong meron tayo."

"No, I am not breaking up with you."

"Pedro, listen please. Ang laki ng pinuhunan natin para marating itong mga posisyon natin. Panahon, lakas at kahit sarili nating buhay. UASA is our world, hindi natin kayang basta na lamang ito talikuran." Paliwanag ko sa kanya.

"I don't care about my damn position! Anong gusto mo Behati? I was so happy when I finally got you. Mas masaya pa ako nang sinabi mong mahal ako kaysa nang sabihin ng buong UASA na isa na akong mataas na opisyal."

"Peter, please hear me out."

"What? Ano pa ang pakikinggan ko Behati? Anong gusto mong mangyari? This relationship is just valid in Philippines? Wala na tayo pagbalik sa US? How is that? Nagkakalokohan ba tayo?" Ibinaba na niya ang kutsara at tinidor niya.

"I don't want to fight with you, Peter. Please understand, we lived by motivating ourselves that maybe someday we'll be part of the UASA biggest project. Nagtagpo tayo dahil sa pareho nating pangarap. Bakit natin gigibain ang bagay na nagtagpo sa atin?" Hindi ko inaasahang mauuwi sa sagutan ang usapan naming ito.

"I can break anything for you, Behati. Ikaw na ang pangarap ko." Napatitig ako dito ng ilang minuto.

I want those words, but I can't just snatch him away from what made him when he haven't found me. I've seen his dedications, hindi lang ako ang nagbuhos ng lahat para makarating dito.

Ayokong agawin 'yon sa kanya.

"Peter please, please hear me." Bigla na lamang itong tumayo.

"What would I expect from you? I almost forgot that the woman in front of me is no other than Lieutenant Monzanto, who vowed aviation more than anything else in this world. Ano nga ba ang laban ko? I don't have any rights to demand, I'm sorry." Tumalikod na ito sa akin at naglakad na papalayo.

I tried to open my mouth to call his name but I ended up keeping my mouth shut. Hindi na muna ako lumabas ng ilang minuto at hinayaan ko ang sarili kong mag-isip nang maayos.

We need to settle this, ayokong aalis kami sa Pilipinas ni Pedro na may hindi pagkakaunawaan.

Sinabi ko sa bagong kapitan namin na kung maghahanap ang lalaking kasama ko ay sabihin na nasa palengke ako para bumili ng bulaklak. Pero nasa kalagitnaan ako ng pagbibilin sa matanda nang marinig ko ang boses ni Pedro.

"I'll join you, Behati. Atleast here in the Philippines, don't leave me."

"Peter.." he didn't look back.

Bumuntong hininga na lamang ako. Sumakay na kami ni dyip at hindi man lang ito sumusulyap sa akin.

Habang nasa biyahe kami ay pansin ko na nakakailang sulyap sa kanya ang mga kasuno naming kababaihan. Sinong hindi hahanga sa kanya? But his usual smile is very far from his face right now.

Mabilis lamang kaming nakabili ng bulaklak at nagdiretso na kami sa sementeryo. Nakatayo lamang ito habang naglalagay ako ng bulaklak sa puntod ng pamilya ko.

Kanina pa itong tahimik at naiintindihan ko ito.

"Tay, Nay, mga kapatid ko pasensiya na po kung ngayon lang ako nakadalaw. Pangako kung mabibigyan ulit ako ng panahong magbakasyon, muli akong dadalaw dito. Miss na miss ko na po kayong lahat." Pinagdaop ko ang aking mga palad habang pinipisil ang sarili kong mga daliri.

"I hope you're all happy with my achievements, lahat 'yon ay hindi para sa akin kundi para sa inyo. Everyday I think about you, you are my toughest inspirations. Mahal na mahal ko po kayo." Tumigil lamang ako ng ilang sandali bago ako nagpatuloy.

"Si Allison, ikakasal na at alam kong tulad ko ay masaya kayo para sa kanya." Umihip ang malamig na hangin.

Sa tuwing dumadalaw ako sa puntod ng pamilya ko, hindi talaga ako masalita. I preferred talking with them silently, inside my mind.

Mas madalas ko pa ngang kinakausap ang mga ito sa tuwing nasa himpapawid ako at nasa mahirap akong sitwasyon. Dahil alam kong lagi silang nasa tabi ko at handang makinig sa akin.

Yayain ko na sana si Pedro nang humakbang na ito papalapit sa akin. Sa mga puntod ito nakatitig.

"Hindi mo man lang ba ako ipakikilala sa kanila, Behati? Nasa Pilipinas pa tayo." He forced his laughter.

"Peter.."

Hindi ito lumingon sa akin, sa halip ay pinagpatuloy niya ang pagtitig sa puntod ng pamilya ko.

"I want to thank you for giving Behati in this world. Thank you for molding her with a character that made me fall hard. Thank you for creating a wonderful masterpiece. Thank you for giving me the woman that I will love eternally."

"Peter.."

"Mahal na mahal ko po ang inyong anak. And I am willing to wait for that day that she will love me the way I do." Seryosong sabi nito.

"Peter, I love you. I really do." Biglang sabi ko.

Tipid lamang itong lumingon sa akin.

"I love you more, Behati."

Isang araw lamang ang inilagi namin sa Tacloban at nagbalik na kami sa hotel. Ilang araw kaming nagpahinga bago lumipad patungong Thailand kasama ang pinsan ko.

Nasa airport na kami at nauuna nang maglakad si Alys at Lance. Tinulungan ako ni Pedro na ayusin ang maleta ko.

"Here," abot nito sa akin.

"Thanks," tipid na sagot ko.

Nagsimula na kami nang sabay ni Pedro hanggang sa marinig ko ang tipid nitong salita.

"Yes, you're now free Behati. I'm breaking up with you."

--

VentreCanard 

Taste of Sky (EL Girls Series #1)Where stories live. Discover now