Epilogue

7.5K 127 7
                                    


This is it pansit!
The FINALE!!!

📖📖📖📖📖📖📖📖

"Hahaha!!! Akala niyo ba na wala kami dito!" Nakakairitang wika ni Alexa.

Oh no!!!

"Keliah...Chexa...ako na ang bahala kay Hell!" Wika ng reyna at tumango naman kami.

"Not so fast Keliah...hindi mo ata alam na ako..." Hindi natuloy na Alexa ang kanyang pagsasalita nang sinipa ko siya.

"Tama nang satsat babaeng impostor!!!" Wika ko.

"Hey there!!!" Tawag ni Landice.

Shit!!! Paano na tu. Malalakas sila...

"Ako na ang bahala sa kanya ate!" Sabi ni Chexa at tumango nalang ako.

"Why you bitch!!!" Bigla namang lumapit sa akin si Alexa.

Agad naman akong umiwas sa kanyang atake. Hindi ko namalayan na umatake siya ulit sa akin saka sinapak niya ang tiyan ko saka natumba ako.

"Weak..."

Ay kainis!!! Humanda ka sa akin babae ka. Agad naman akong umatake sa kanya at gumawa ng tubig at kinulong siya sa loob.

Mga ilang segundo ay sinabog niya ang tubig na gawa ko. Agad siyang umatake ngunit nakailag ako at nahawakan ang kanyang paa. Saka ko inikot ikot siya at binitawan upang malipad palayo.

"Waaaaah!" Sigaw ni Alexa at nalipad na nga palayo. Weak pala ah...tss...

"Chexa...tutulungan kita..." Wika ko at muntik na akong matamaan sa mga lumilipad na bagay.

"Ate...tulungan mo nalang ang reyna!" Sigaw ni Chexa.

"Pero paano ka?"

"Ok lang ako...Wind Spiral!!!"

Hindi nalang ako sumagot at tumakbo na papunta sa reyna. Halos malipad ako sa lakas ng hangin. Ito na nga...tamang-tama...malakas ang hangin. Gamit ang hangin at tubig...kaya kong gumawa ng tsunami.

Nagfucos muna ako at sinimulan ko na ang pagtaas ng tubig papunta dito. Nagulat naman ngunit sa di inaasahan ay sa isang atake ni Hell ay sumabog ang tsunami at di na tumaas ang tubig. Kainis!!! Chance ko na yun eh!!!

Tumakbo si Hell papunta sa dagat at hinabol namin. Umaatras ba siya upang makatakas siya at para sumabog na agad ang Memoranta. Hindi pwede yan...Agad naman akong tumakbo papunta kay Hell at sinuntok siya ngunit bago ako makasuntok ay sa isang iglap ay nalipad ako papunta sa dagat.

"Keliah..." Rinig kong sigaw ng reyna.

Kaya kong kontrolin ang tubig. Mas malakas ako pag maraming tubig ang nakapaligid sa akin. Agad akong bumangon at ginawa kong malaking ahas ang tubig. Napapaligiran na ako ng asul na aura at agad akong umatake kay Hell. Ngunkt hinawakan niya ang mga kamay ko at nasuntok niya ako sa aking mukha. Sadyang malakas si Hell.

"Keliah..." Sigaw ng reyna at di ko na kinaya at nawalan na nga ako ng malay.

Meliah

"Hindi...papa...hindi!!!"

"Ahaha...what a fool...pinatay ang sarili niyang ama! Kawawa naman!!!"

Bigla namang umatake si Marco at sinipa niya si Alexandria. Agad namang umatake si Xiana at sinuntok si Ezra sa tiyan.

Agad kong sinundan si Xiana at hinarangan ang kanyang daan ng mga halaman.

Fantazia Academy: The Powerful Princess Of Magisia √completedWhere stories live. Discover now