Chapter 1: He's the Prince

7K 110 4
                                    


Keliah

"Keliah anak...bilisan mo. Naghihintay ang mga kaibigan mo sa iyo!" Wika ni mama.

Teka...sino kaya? Baka si Alexandria? Bakit kaya nakalimutan ni mama na nawala ako? Baka naapektuhan rin sa pagsabog ang mundo na ito. Nalimutan rin ni mama na inampon niya si Meliah. Kaya sigurado ako na naapektuhan ang mundo na ito.

"Anak...bilis na!"

"Opo nay!!!"

Nang makababa ako ay agad akong pumunta sa labas. Nakita ko ang isang lalaki na tumitingin sa kanyang relo habang nakapamulsa at ang gwapo niyang tignan. Pero loyal ako kay baby Nathan ko.

"Oh Hi Kel!" Kilala niya ako...pero sino naman siya?

"Hello...ummmh..."

"Nandito ako para tulungan ka. Ako nga pala si Kent..."

Teka...Kent?

"Ako ang prinseso ng Fantasia at sinabi sa akin ni Feli na tulungan daw kita!"

Siya ang prinseso ng Fantasia! Teka...teka...teka! Nalilito na ako...bakit hindi siya bumalik sa mundo ng immortal.

"Why are you staring like that!" Sabi niya na di ko naman naintindihan.

"Why lang ang naintindihan ko sa sinabi mo dude!" Maangas na wika ko.

Totoo naman eh! Bigla naman siyang tumuwa.

"Hoy...wag ka ngang ganyan. Tara na nga at may klase pa tayo!" Wika ko at agad siyang kinaladkad.

Agad kaming sumakay sa jeep.

"Teka...bakit dito tayo sasakay? May kotse naman ako ah!"

Ay ang bobo!!!

"Bakit di mo sinabi agad...tss...Manong bababa nalang po kami!" Sabi ko at siya naman ang kumaladkad sa akin. Nang makarating kami ay nakita ko ang kulay asul na kotse at hula ko bagong bili. Ang yaman teh!

"Teka Kent...ikaw magdradrive?" Tanong ko.

"Hindi ba obvious. May nakikita ka bang driver? Wala kaya pasok na!" Sabi niya.

"Sungi mo teh. Hmmmp!" Sabi ko at pumasok na.

"Seatbelt mo, wag kalimutan!" Sabi niya.

Agad naman akong nagseatbelt. At nagsimula na ngang umandar ang kotse.

Waaaaah!!! Mama mia!!! Ang bilis!

"Hoy! Ano ka ba Kent...slow mow lang...yung slow lang!"

"Kagaya mo...ang slow!" Sabi niya at tumawa. Anong nakakatawa Author? Sabihin mo...kung hindi papatayin kita!

"Oh sige...ayan...slow mow na ah!" Humina naman ang pag-andar. Nakakabwesit na tung Kent na tu ah!

"Gusto makatikim ng kamao ko! Libre lang tu!" Sabi ko.

"Wag maam..." Sabi niya at nagdrive na.

Nang makarating kami sa paaralan ay wala pang mga estudyante.

Fantazia Academy: Remember /Completed√/Where stories live. Discover now