Simula: Please

7 0 0
                                    


"Janine! Eto na ang order ng table four!" Sigaw ni Anne.


Pagod na ako ngunit hindi pa pwedeng magpahinga. Sabado ngayon kaya't maraming tao dito sa bar. Oras pa rin ng duty kaya hindi puwedeng tumunganga nalang.


"Jan, tawag ka ni boss." Sabi sa akin ni Mico na kapwa ko waiter.


Dinala ko na ang order ng nasa table four at nang papunta na ako sa opisina ni Miguel ay may tumapon sa akin na vodka.


Si Miguel ang boss namin. Kababata ko siya. Siya na din ang nag-offer na sa kanya na lang ako magtrabaho nang minsang mabanggit ko na gusto kong makatulong kila Nanay.


"Sorry Miss." Hinging paumanhin ng lalaki at ngumiti ito.


Tumango naman ako dito. Mabuti na lamang at palagi akong may baon na pamalit. Nagpaalam ako kay Anne na magpapalit lang sandali at siya muna ang magbigay ng mga orders.


Kapag talaga nagtatrabaho sa bar ay hindi maiiwasan ang ganitong pangyayari. Minsan pa ay bigla nalang manghahatak ang mga customer na sumobra sa pagkalasing at mangyayakap. Minsan naman ay manghihipo pa ang mga ito.


Noong una kong maranasan iyon ay umiiyak akong lumapit kay Anne at agad itong sinabi sa aming boss. Pinalabas ito ng security guards at humingi naman ng paumanhin sa akin at sa may ari ng bar ang mga kaibigan ng bastos na lalaki.


"Pagpasensyahan mo na ang mga iyon, Janine. Mabuti na lamang at may pakielam sa ating mga empleyado ang boss natin." Napatango ako sa sinabi nito. Oo, mabait talaga si Miguel sa kahit na sino.


Nasanay nalang ako sa mga pangyayaring iyon. Kailangan ko ng pera pang-enroll at pangbigay kay Nanay.


Nang makarating ako sa labas ng opisina ni Miguel ay agad akong kumatok. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.


"Tawag mo raw ako, Miguel?"


"Yes, Janine. Ito na ang sahod mo para sa buwang ito. I will not be around for a month. While I'm in France, Benedict will be the one to manage this bar. You may go and take your rest." Ngumiti ito at nagpasalamat ako. Tatango-tango akong lumabas ng kanyang opisina.


Nakalimutan kong itanong kung sino si Benedict. Napakamot ako sa aking ulo.


Nagulat ako nang may bigla nalang humablot sa aking kamay at hinigit ako palapit sa katawan niya.


Niyakap niya ako nang mahigpit Nanigas ako sa aking kinatatayuan, Sino ba itong taong ito? Bakit bigla nalang itong nangyayakap?




"I'm sorry, Baby. Please don't leave me." 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Into You 1: Benedict ZamoraWhere stories live. Discover now