ATING TULA
ni: Antonia Vicente
Masyado pa akong bata habang masyado ka namang matanda,
Kahit anong gawin natin, titignan pa rin tayo ng madla,
Bakit ko nga ba ito pinasok? Kahit alam kong 'di tama?
Dahil do'n tayo masaya? Kahit pinupukulan na tayo ng tinging masama?
Bakit nga ba kita pinukulan ng pansin?
Dahil sa mga malalalim mong tingin?
Dahil ikaw ang pinili ng puso kong landiin?
O dahil sa init ng iyong kamay sa tuwing pinipisil ang akin?
Iyong baritong boses,
Sa tuwing binabasahan mo ako ng iyong tula nang ilang beses,
Iyong ngiting magaan at mukhang maaliwalas,
Hindi mo alam na ang aking pag ibig sa iyo ay wagas
At sa iyong panghuling tula,
Ika'y tumalikod at bigla na lang nawala,
Bigay ko'y malungkot na ngiting damang dama
Sapagka't naglalaman sa ating mga sulat na ika'y aking pinapalaya na.
