Chapter 7

6.2K 31 0
                                    

Tulalang umupo sa kama nya si Sarah. Hindi na sya umiiyak. Nirecall nya ang pangyayari kanina lng. Bakit nagawa ni Gerald yon? Hindi dapat malaman ni Rayver to. Naligo sya para mahimasmasan. Pagkatapos nya maligo, humiga na sya sa kama. Hindi sya makatulog. Hindi mawala sa isip nya ang ngyari sa knila ni Gerald. Ang halik nya, ang yakap nya sa knya. Naramdaman nya ang emosyon ni Gerald, ang pagmamahal sa knya, kung gaano sya kagusto nito. "bakit ganon? Bakit hindi ako makaramdam ng galit kay Gerald?"

Nasa loob pa rin ng kotse nya si Gerald. Hindi sya makaalis sa pagkakapark nya sa labas ng bahay nina Sarah. "Im sorry Sarah. Sobrang mahal lng talaga kita." sabi nya sa sarili. Ramdam na ramdam pa rin nya ang malambot na labi ni Sarah. Kay sarap halikan ng mga yon! Tumingin sya muli sa bahay ni Sarah. Naisip nya hindi muna sya magpapakita sa dalaga, alam nyang nasaktan nya ng husto ito.

"Hi Gerald!" Lumingon si Gerald. "Kim. Ikaw pala yan." Muling ibinaling ni Gerald ang atensyon sa binabasang papel. Nasa loob sya ng office nya sa Medical City. "Come in. Is there anything i can do for you?" tanong ni Gerald kay Kim. "Nothing for me really. Its for mom. Gusto nya mgpaset ng appointment sayo. For a general check-up." sambit ni Kim. "Sure kelan ba nya gusto?" tanong ni Gerald.

Si Kim ay anak ng isang family friend nina Gerald. Naging girlfriend ni Gerald si Kim nung pagbalik nya sa Pilipinas galing States. Hindi tumagal ang realasyon nila sa dahilang hindi sila compatible ni Kim. Sosyalera at may pagkaliberated si Kim.

"So how are you na Doc? Why are you not returning my calls or my text messages?" tanong ni Kim. "Busy lng ako. Ang dami kong mga pasyente lately." sagot ni Gerald. Hindi pa rin nya inaalis ang tingin sa binabasang papel.

"Bat ka ba ganyan Gerald?" "Alin?" sagot ni Gerald sabay tayo. Tumingin sya kay Kim. Maganda ang mukha nito, chinese beauty. Balingkinitan ang katawan, matangkad at makinis ang balat. Mahilig ito magsuot ng mga seksing damit at laging nakamake-up.

"Pati ba nman in person di mo pa rin ako papansinin?" tanong ni Kim. Ngumiti lng si Gerald. "So ano kelan ba tyo lalabas ulit. I miss u na!" Dagdag ni Kim. "Sure. One of this days punta ko sainyo. Dalawin ko si tita." sabi ni Gerald. "Hay nako. Si mommy talaga ang dadalawin mo?" batid ni Kim habang papalapit kay Gerald. "Promise yan dadalaw ako sainyo.Mejo busy lng talaga." sagot ni Gerald.

Hinawakan ni Kim ang tagilirang buhok ni Gerald. Nilaro laro nya ito. Lumingon si Gerald sa kanya. Biglang humalik si Kim sa labi ni Gerald. Gumanti rin ng halik si Gerald, ngunit inalis din nya agad ang labi nya.

"Suplado ka pa rin hanggang ngayon!" nasambit ni Kim. "Matagal na tayong wala Kim. We already moved on right? But we still remained friends." sagot ni Gerald. "Yeah, yeah! I didn't even know why we broke up Gerald!" Napailing si Gerald. "Oh yeah i know why. Beacause of that Sarah girl right? Hanggang ngayon hindi mo pa rin sya makalimutan. So nagkita na ba kayo?Ni Sarah?" Pagalit na sabi ni Kim.

"Come on Kim. Wag ka na magalit sakin okay? I have a patient arriving any minute now. Pagaaralan ko pa ang history nya. So pls. I hope you understand." Kim sighed. She grabbed her bag and walked towards the door. Lumingon sya kay Gerald "Hope you have a nice day, Doc!" sabay sumimangot kay Gerald. Lumabas na ng pinto si Kim.

Napailing si Gerald. "Same to you." nasabi nya sa sarili.

IKAW LANG ANG MAMAHALIN (ASHRALD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon