Walang magawa si Kianna kundi panoorin lamang si Succubus na naghihirap. Napaluha ito at napaluhod.


"S-Succubus!" Patuloy ang pagluha ni Kianna dahil wala siyang magawa para matulungan si Succubus. Nasa may pinto lamang siya dahil nagliliyab ang opisina ni Succubus.

Biglang dumating si Azazel Seth.

"Azazel Seth! Tulungan mo siya! Tulungan mo siya! Aza..." Pagmamakaawa ni Kianna kay Seth. "Aza... Please! Tulungan natin siya!"


"Wala tayong magagawa dahil dinedemonyo si Succubus ngayon, mamamatay ka kapag napaso ka ng nagliliyab niyang katawan..." Walang emosyong paliwanag ni Azazel Seth na ikinahagulgol lamang ni Kianna.


Nananatiling nakatingin lamang si Seth kay Succubus.


'Jezebeth Succubus, pigilan mo...' bulong ni Seth sa isip ni Succubus.

Tila ba nakikipaglaban si Succubus sakaniyang sarili. Nagwawala siya sa sarili niyang opisina dahil sa sakit na nararamdaman niya.

'There's no cure...' nasambit lamang ni Succubus na nasasaktan habang nagwawala, hindi niya na malaman ang gagawin...

Dahil ang kaniyang kalaban ay ang kaniyang sarili.

***

HELLZELL'S POV


Maginhawa ang pakiramdam 'ko pero mabigat ang nasa loob 'ko. Bakit ganoon? Ang bigat-bigat pa rin.


Matapos ang pag-iwan 'ko kina Bella at Knight kahapon, hindi 'ko alam kung paanong muhka ang ihaharap 'ko sakanila.


Kumakawag naman ang buntot ni Eli na tumakbo palapit sakin.


"Hi, Eli..."

"Arf! Arf!" Kumahol siya. Napangiti lamang ako at binigyan siya ng pagkain.

Pero nang ibabalik 'ko na ang lalagyanan ng pagkain ni Eli ay msy nasanggi akong libro.


Pesadilla de una Princesa

Ito ang librong binili 'ko kasama si Helldrion. Hindi 'ko pa ito tapos basahin pero nabasa 'ko na ang iilang chapter nito.

Tungkol ito sa paghihirap ng isang Prinsesang nilalabanan ang kaniyang sarili. Hindi 'ko alam pero napupuno ng curiosity ang aking isip magmula nang basahin ito. Lalo pa't habang naghihirap daw ang Prinsesa na labanan ang kaniyang sarili, nakuha siya ng mga kalaban ng kanilang kampo. Walang awang pinatay ito at mas lalong pinahirapan.

Parang.. Halos magkatugma ang kwento nito sa kwento ni Princess Hazell? Pero hindi naman nakalagay sa articles na nilalaban ng Prinsesa ang sarili.

I am so curious. I need Helldrion to fulfill everything I want to know.

Speaking of Helldrion, saan kaya napadpad yun? Tatlong araw ng walang paramdam.


Pumunta ako sa Escuela. As usual, pag-aaral na naman. Ilang subjects na rin ang lumipas, hindi nga ako nag breaktime dahil tinatamad akong bumaba sa cafeteria.



"May announcement sa close field, pumunta kayong lahat doon ng alas tres ng hapon..." Anunsyo ng isang professor. Nakasalamin ito, kulubot ang muhka pero nananatiling pambata ang hitsura.


Binalewala 'ko iyon at tumingin sa orasan 'ko. It's 2:45 pm. Dahil tapos na ang klase 'ko, lumabas ako roon.


Hindi 'ko yata nakita si Knight? Busy kaya siya kay Bella?


Eh bakit 'ko ba siya hinahanap? Tsk!


Napailing ako sa naiisip. Wala kang karapatan makaramdam ng kahit ano, Hellzell.


*bogsh!*


Hindi 'ko napansing may nabangga na pala ako! You're so careless, Hellzell!


"O-Oh, s-sorry!" Agad 'kong paumanhin.


"Okay lang," nakangiting sambit ng babae.


Napatingin naman ako sakaniya. Muhka siyang anghel. Napatitig naman ako sa mga mata niya. Bigla itong naging kulay sky blue, pero bumalik din agad sa kulay brown.


"You have red eyes," nagagalak niyang giit.


"H-Huh?" Nalilito 'kong sagot.


"Nothing, I am Lovette..." Pagpapakilala niya at ngumiti sa akin nang natural.


Bakit parang may kahawig siya?



Sinarado 'ko ang isip 'ko. Natutunan 'ko ng magsara ng isip dahim natatakot akong may makabasa nito.



Hindi ako sumagot nanatiling nakatitig sa muhka niya.


"You must be... Elizabeth Hellzell Blaine," dagdag niya nang hindi ako magpakilala.



"P-Paano? P-Paano mo nalaman ang pangalan 'ko?" Nalilito 'kong tanong.


Kumindat siya bago magsalita. "I am Knight's cousin..."


"A-Ano?"



"I am Knight's cousin..." Ulit niya.



K-Kaya pala may kahawig siya! Si Knight ang kahawig niya!




'Tsk! Pagkakataon nga naman! Bakit pinsan niya pa ang nabangga 'ko?! Tsaka...



Ang ganda ng lahi nila 'no? Walang bakas ng kapangitan!'




d---.--b



To be continued

Votes and comments

VAMPIRO HIGH (COMPLETED)Where stories live. Discover now