Random Chat

295 19 16
                                    

Ruby's POV

"Jusmeng bata 'to! pagdating galing eskwela facebook agad ang kaharap mo!" bungad sa'kin ng nanay ko nang pumasok siya sa kwarto ko. "Magpalit ka man lang ng damit mo!" aniya sabay batok sa'kin.

"Aray ko naman, Mader! Naalog naman daw ang brain cells ko!" reklamo ko sabay himas ng ulo.

"Kokonyatan kitang bata ka, e! Baka may assignment ka puro facebook ang inaatupag mo!" singhal niya.

"Wititit kaming assignment today, Mader. Kaya keri lang mag-fb!" paliwanag ko naman with hand gestures at taas-baba ng kilay pa.

"Kababae mong tao para kang bakla kung magsalita! O siya, magbihis ka na't bumaba. Kakain na tayo." Ani Mama saka lumabas.

Ganito lagi ang buhay ko. Pagkagaling sa school, manonood ng tv at kikiligin kay Matteo Do, Fb, kakain tapos fb ulit—ganun lagi ang routine. Grade 10 na ako pero oy! Di ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko. Ano lang 'to... uhm... pampalipas oras? Haha!

Gaya nga ng sabi ng Mudrabels ko, nagbihis na ako at hinayaan lang bukas ang laptop ko. Nag-scroll muna ako ng konti sa newsfeeds ko saka ako bumaba para kumain.

Nagkwentuhan kami habang kumakain, nagkakamustahan, ganun. Matapos kumain, bilang toka ko dito sa bahay e ako ang naghugas ng pinagkainan. Tapos umakyat na ako sa kwarto ko.

Ginalaw ko 'yung mouse ng laptop ko at muling umilaw ang screen nito. Facebook ang nakabukas na tab pero ang bago, may message ako.

Someone:

Hi Miss! Pwede po bang makipag-chat sayo? :)

'Yon ang nakalagay at ikinakunot ng noo ko.

"Tss. Random chat! Ano na namang trip ng mga tao sa buhay?!" inis kong sabi at umupo saka nag isip ng isasagot sa nagtitrip na 'Someone Named Sam' na 'to. "Pa-mysterious pa ang peg ah! Someone Named Sam ang drama? Haha! Bakla siguro 'to," tawa ko habang tinititigan lang ang screen.

Someone Named Sam:

Aww... seenzoned </3

Natawa ako sa muling chat niya, lalo na sa emoticon niya.

Ruby Bartolome:

Sarrey. Kumain kasi ako. And, sige na nga, pwede mo na akong i-chat.

Nakangiti ako habang nagta-type at sa di malamang dahilan ay hindi ako nakaramdam ng inis—well, siguro kanina.

Someone Named Sam:

'Yun o! akala ko naman po iisnob mo na ako :)

Ruby Bartolome:

Haha! Actually may balak nga ako e, pero mukhang you're dying to talk to me so, kakausapin na kita lols

#famewhore XD

Someone Named Sam:

Awts. Buti nalang po pala nagbago isip mo haha

Ruby Bartolome:

Maka-po ka naman! Baka nga mas matanda ka pa sa'kin 'no!

Nagtuloy tuloy ang usapan namin hanggang inabot kami ng alas onse ng gabi. Masaya siyang kausap in fairness kaya hindi ko narin napansin ang takbo ng oras.

Someone Named Sam:

Ruby, late na. May pasok ka pa bukas diba? Tulog ka na

Ruby Bartolome:

Oo nga e. Ikaw din, Sam. Tulog ka na din.

Someone Named Sam:

Haha, ok po. Good night. Salamat ulit sa hindi pag snob. :)

Random ChatWhere stories live. Discover now