Sa Bahay Nila: Part 2 - Continuation?

6.6K 116 2
                                    

a/n: Siguro, dala ng depression ay naisipan ko mag update. forgive my crap. love you all :")

Milly's POV:

"I want to make love with you"

Teka?

Make..

Love???

You mean...

"What do you mean?" tanong ko na obviously ay nasisiraan na ng bait

Amp naman e.

"Milly," hinawakan niya ang balikat ko "I'm serious.. I really want.. you"

Kinikilabutan ako na medyo kinikilig. Ewan eh. Ang bilis parang 3 weeks ago ko palang siya nakilala tapos ganito? Wahaha. Ang henerasyon nga naman.

Ano ba yan! Di ko alam kung anong irereact ko. Kasi may nag wa-war sa loob ko. Yung isa sabi daw:

"Sige na! Mahal mo naman yan e! Parehas lang naman ang hahantungan. Siya naman ang magiging asawa mo diba?"

Tapos yung isa:

"Ano ka ba naman! Ang landi landi mo! Isipin mo na lang ang iisipin ng mga tao. 16 ka and you're planning to lose your ultimate card!"

Ewan ko!! Naguguluhan ako T____T

Siguro sa sobrang pag-iisip ko, di 'ko narealize na tinulak na pala ako ni Kii sa kama ta nasa ibabaw ko siya. May space pa naman so don't worry ;) 

Palapit na siya sa mukha ko.. I was ready, I didn't know what lead me to that decision but, I couldn't move at all. So I guess, I too.. want it.

NOSEBLEEEEEEEEEED xD

Ang lapit niya na. Konti na lang...

"Hoy anak! Bakit basa yu--"

O.O

FiretrUCK (sana na gets niyo. at para sa mga hindi naka-absorb, please look at the CAPITAL LETTERS ^^ You'll understand it by then)

"Dad what the hell?!" inis na sigaw ni Kii

Holy bull poo. Dad niya yan??

Facepalm. We were caught... almost in action >.<

Sinarado na nung dad niya yung pinto pero imbiis na mag stay siya sa labas ay pumasok siya at umupo dun sa may upuan malapit sa pinto at sinabi niya..

"Sige, ipagpatuloy niyo ang ginagawa niyo. Titignan ko lang kung tama tapos kung may mali, I'll correct it."

Namula kaming dalawa ni Kii sa sinabi ng dad niya.

"DAAAAD!!!"

--

Nasa dining table na kami ngayon, nag hahapunan. Tinawagan ko sina mama na dito na ako kakain ng dinner kasi umuulan pa rin hanggang ngayon pero this time, malakas. As in.

Tapos na akong kumain, umiinom na lang ako ngayon ng juice. Alam niyo yung Tang na color green? HAHAHA. Yun ang iniinom ko. 

"Iha, bakit hindi niyo tinuloy yung ginagawa niyo ng anak ko?"

And automatic, I became a spurting machine. 

Naibuga ko lang naman yung iniinom ko ki Kii xD Kung nakita niyo lang yung mukha niya. Yung dad niya naman, tinawanan lang siya. Hahaha.

"Tumigil ka na nga dad! Di na nakakatuwa" inis na sabi ni Kii habang nag pupunas ng mukha

"Why son? I'm proud na finally, gagawin mo na YUN. Akala kasi ng mommy mo eh, mababakla ka na."

Natawa naman ako ng konti nun, so.. first time din ni Kii? Hahaha.

"Sh.t dad. Shut up." namula si Kii. Ang cute :")

"So iha, anong pangalan mo?" tanong niya

"Emily Castro po. Pero Milly po ang tawag sakin"

"Ahh.. Milly, what a cute name. Naaalala ko tuloy yung nickname ng mommy ni Kiiro nung bata pa kami"

"Yuck dad! Ang baduy ng nickname ni mom! Isipin mo? Bulaklak?"

"Hoy cute kaya!" sabi ko

Ang cute kaya ng bulaklak kasi ang unique niya. 

"See? Majority wins anak. Ako nga pala si Kii, dad ni Kiiro. Lockrose ang pangalan ng mommy ni Kiiro, wala siya ngayon dito, nasa trabaho pa siya"

"Ahh.. Parehas po pala kayo Kii. Ano po ang trabaho ng mom niya?"

"She's a nurse, sa mental hospital"

Srsly? Mental hospital? O.O

"Diyan nga kami nagka-developan eh. As you can see, sa sobrang tama ko sa mommy niya eh, napilitan pa akong pumanggap bilang baliw para lang makapasok sa mental hospital tapos--"

"Dad, enough. Ito na ang ika 69th beses na marinig ko yang kwentong yan"

At yun, nag talunan ang mag ama hanggang sa matalo si Kii at pinatuloy na ni Tito Kii ang story niya. Haha, oo. Tito Kii ang pinapatawag niya sakin. Haha. Ambongga diba?

Nang tumila na ang ulan, nag paalam na ako kasi gabi nang masyado 10:30 na eh.

"Aalis na ho ako tito. Baka po hinahanap na ako nina Nana"

"O sige Milly. Oi anak kong balasubas! Ihatid mo nga yang si Milly."

"Hoy! Di ako balasubas! Saka kahit di mo sabihin syempre ihahatid ko ang asawa ko!"

"Aba't sumasagot ka--"

Hindi na napatuloy ni Tito Kii ang sasabihin niya kasi hinila na ako ni Kii palabas tapos hinatid niya ako gamit ang kotse.

Nang makarating na kami sa bahay, medyo nalungkot ako.. kasi syempre, I really do love his company. Di ka mabobore, every minute tatawa ka sa sobrang kamanyakan niya o kaya sa sobrang corny niya o sa sobrang fail niyang bumanat. Hahaha.

"Andito na tayo.." sabi niya

"Nakikita ko naman. Salamat. Haha"

Nasa may gate na kami. 

"Bye.."

Papasok na sana ako kaso bigla niya akong hinila at hinalikan.. passionately.. I guess?

"Salamat Milly." sabi niya

"Para saan?"

"Sa lahat"

---

Sorrrrryy sa mga typo ha? Sa susunod na lang hehe. Tapos, gusto ko munang mag pasalamat sa mga bumabasa nito at sa mga nag vovote. Nag 1k na ang reads nito :D Super duper thank you. Syempre kelangan rin mag pasalamat sa gumawa ng My Crazy Lover :") Ayiie. Hahaha. Kikiligin nanaman yan hahaha.

Baka, matapos na to, mga 2-3 chapters na lang.. maybe? Haha, I am not sure yet.

Basta. Salamat guys!! Keep on supporting. Love ya'll!

My Manyak Boyfriend (My Crazy Love Fanfic) - CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon