Chapter 1

21.5K 268 5
                                    

Before you start reading, I just want to tell you guys na hindi ako maalam sa mga tungkol sa work ni bidang boy dito, nilagay ko lang o sinulat ko lang ang aking ibang nalalaman, I am not a archi student kaya naman pagpasensyahan niyo na if may something na naisulat ako rito na mali, 'yong iba napapanood ko lang din hehe, kaya walang magrereklamo na "Mali mali naman pinagsusulat mo chuchuchu 'wag ka na magsulat!", i-correct niyo nalang po ako in a nice way or pagpasensyahan niyo nalang, gusto ko lang naman magsulat HAHAHA.

I hope you'll like it. Don't forget to vote and follow me. Welcome to the new version of My Boss My Lover. Enjoy reading :)

-

Kelly's POV

"Ms. Salentine, the boss is waiting for you, follow me. This way, please."

My body starts trembling in nervous when I heard the staff called my last name. Kailangan kong kumalma, I need this job so bad, I can't lose this interview this time. Pang-ilan na ito sa pinuntahan kong kompanya and I hope this time ay makuha na ako, kahit na impossible dahil isa ito sa sikat na kompanya dito sa bansa, at mukang mataas ang standard nila sa pagpili ng secretary, but as they said, nothing is impossible. This is it!

"Believe me, hindi papasa ang babae na 'yan."

"I agree, I'm sure gusto ng boss na secretary is kasing sexy natin."

Gusto kong tumigil at harapin ang dalawang babaeng nag-uusap tungkol sa akin, ngunit mas pinili ko na lamang silang ignorahin. Baka pag pinatulan ko sila ay mas lalong hindi ako matanggap. Isa lang din naman sila sa mga nag-aapply, pero kung maka-asta akala mo kung sino, nagka-sundo pa sila eh isa lang din naman ang mapipiling secretary.

When we reached the boss' office, the girl infront of me knocked three times and we heard the voice says 'come in' from inside.

"You can now go inside. Good luck, Ms. Salentine." the girl smiled at me and of course I smiled at her back before entering the room.

As I enter, the cold atmosphere embraced my body. Mas lalo yata akong kinabahan, nagsitaasan pa ang mga balahibo ko dahil sa lamig. I wanted to hug my self but I remained calm to be formal infront of the boss. Hindi pwedeng ma-bad shot agad ako sa magiging amo ko.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang tatlong naga-gwapuhang nilalang na naka-upo at mukang nag-aantay sa susunod na aplikante.

"Sit down." nakangiting sabi sa akin ng lalakeng nasa left side. Tumango tango ako bago umupo sa harapan nila.

Gustong bumigay ng tuhod ko dahil sa sobrang kaba, napaka-intimadiating nilang tignan. Lalong lalo na ang lalakeng nasa gitna na sa tingin ko ay ang boss, if I am not mistaken, he's Eljie Vaughn Livara. Honestly, this is my first time meeting him, I only know his name before but not his face, at wala akong masabi sa ka-gwapuhan niya. Ngunit hindi ko alam kung bakit siya lamang ang naka-kunot noo sa kanilang tatlo, magkasalunong ang kilay nito samantalang ang dalawang lalake sa magkabilang gilid niya ay malawak na nakangiti.

"Tell me about yourself." his voice is deep and intimediating! It's sending me shivers through my body. 'Oh, God. Kelly, talk!'

Inayos ko ang aking isip bago sumagot. I even cleared my throat so I won't stutter. 'Jeez, anong isasagot ko? Bakit parang nakalimutan ko na ang sarili ko?!'

My Boss My LoverOù les histoires vivent. Découvrez maintenant