9♤

341 4 0
                                    


"I love you Caine" sabi ni Zild sayo at hahalikan kana sana sa pisngi...

     Nang bigla kang magising dahil nalaglag ka sa kama mo. Panaginip lang pala ang lahat.  Matagal ka ng may gusto kay Zild pero iba ang gusto nya

"Haysst!  Nakakainis, panaginip na nga lang pwede ang lahat mabibitin paaaa" sabi mo sa sarili mo at napasabunot ka pa sa buhok mo.

     Nandito ka ngayon sa tapat ng bahay nyo habang tumutugtog ng gitara.

"Hi Caine!" bati sayo ni Unique na nasa labas ng gate nyo.

     Pinagbuksan mo ito ng gate at panigirado na mangungulit nanaman ito sayo.

"Sama ka bukas sa gig namin ako na bahala sayo" pag-aaya nito.

     Napangiti ka dahil makakasama mo nanaman si Zild at pumayag ka na sa alok nito.

     Sabay-sabay na daw kayong aalis at sama-sama na din kayo sa isang kotse. Si Badj daw ang mag da drive si Blaster naman ang nasa passenger seat at kayong tatlo nila Zild at Unique sa may backseat. Sa gitna ka nila nakaupo kaya medyo boring.

"Gusto mo makipagpalit ng upuan?" tanong ni Zild.

      Napailing ka nalang dahil komportable ka na sa pwesto mo dahil katabi mo sya.

      Malayo-layo pa ang lugar kung saan ang gig nila gaganapin kaya nakaramdam ka ng antok sa biyahe.

"Caine!  Gising na nandito na tayo" sabi ni Unique at tinapik-tapik ang pisngi mo.

     Nagulat ka ng makatulog ka sa may balikat ni Unique kaya agad kang tumayo at lumabas sa kotse.

"Ziiiiilddd!" sigaw nung babae kaya napatingin ka.

"Sino sya?" tanong mo kay Unique.

"Nililigawan ni Zild yung babae" sagot naman nito.

     Labis na lungkot ang naramdaman mo sa nalaman mo kay Unique pero pinahalata at pinilit mong ngumiti kahit pa nasasaktan ka.

"Ok ka lang?" tanong ni Zild. Umuqi na din pala agad yung babae.

"Oo" sabi mo at nginitian mo sya.

"Eto o tubig baka nauuhaw ka" sabi nya at inaabutan ka ng tubig.

"Eto na yung pinapakuha mong tubig" sabi ni Unique at inaabutan ka din ng tubig.

"Hmm.  Salamat" sabi mo at parehas mong kinuha yung tubig.

    

     Ilang linggo na rin ang nakalipas at nawala na ang pagkagusto mo kay Zild pero naguguluhan ka kung bakit parang nahuhulog na din ang loob mo kay Unique.

"Tinigil na pala ni Zild ang panliligaw doon sa babae" sabi ni Unique habang nanonood kayo ng palabas.

"Bakit daw?" tanong mo.

     Nagkibit-balikat lang si Unique dahil abala din ito sa panonood ng action movie.

"Caine kung manliligaw ba ako sayo may pag-asa ba?" tanong ni Unique.

"Bakit di mo subukan?" tanong mo.

     Nang matapos ang pinapanood nyo hinatid ka na ni Unique sa bahay nyo at agad na itong umuwi.

"Zild?  Bakit ka nandito?" tanong mo.

"May sasabihin lang sana ako tsaka saglit lang din naman ito."

"Hmm ano yon?"

"Pwede ba akong manligaw sayo?"

"S-sorry Zild pero... May mahal na akong iba"

"Ahh, its okay. Sabi na nga ba e dapat mas inagahan ko pa ayan tuloy naagaw ka na ng iba."

"Makakahanap ka din ng para sayo"

"Yeah, but palagi naman akong nandito kung kailangan mo ng tulong."sabi ni Zild at umuwi na.

     Dumeretso ka na sa kwarto mo para matulog pero biglang nag text si Unique

"Matulog ka na a? Wag na magpuyat liligawan pa kita bukas, goodnight sweetdreams labyuu yiiee haha"

"Matutulog na po, ang corny mo e hahaha, sweetdreams.  Wala munang labyuutoo di pa naman kita sinasagot haha"

     Kinilig ka sa mga binitiwang salita ni Unique di mo man masabi sa mensahe pero ramdam mo sa sarili mo na mahal mo din sya.

♤♤♤♤

IV of Spades (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon