Sasabihin ko na sana na tumayo siya pero nakita kong papasok si Nikka at isang guy. Nag eye to eye kami pero agad ko namang inalis ang mata ko. Sino kaya tong lalaking to? At ang saya pa nila. Hay naku. To be honest, nag seselos ako.
Nikka’s POV
Magkatabi nga kami nitong si Neil, loko-loko tlaga, eh sinabihan ba itong si Eric na maghanap ng ibang mauupuan.
Buong klase, nagtatawanan kami ng palihim nitong si Neil, gago eh! Kung ano-anong pinagsasabi, puro nonsense. Matatawa ka na lang sa sobrang katangahan. Hahaha!
Kaso napalingon ako kay jonathan, at toooooooooot!
Nagka eye-to-eye kami, so ano ibig sabihin non? Kanina pa siya nakatingin.
Psssh! Assuming LANG?!
After ng klase, uwian na!!! hahah one subject lang kami ngayong araw eh. Kaya itong si Neil niyaya na naman akong manuod ng sine!
“Niks!!! Nuod tayo sine!”
“Eh?! May gagawin pa ako eh.” I lied
“Mamaya nay an, namiss kita eh, kaya pagbigyan mo na ako” tapos nag BLEH!
“Okay! Pano si Maggie?”
“E di isasama natin. Kaw tlaga!”
Nagalakad na kami palabas ng room, biglang nanikip dibdib ko, nakita ko kasing hinalikan ni Melissa si Jonathan sa lips. Smack lang pero bakit ako nasaktan?
“Mags, sama ka, nood tayo sine!” sigaw nitong si Neil, eh si Mags nasa may locker area pa.
“Sure!!!” sigaw naman nitong si Maggie.
Nakatayo pa rin ako sa may hallway, kasama nitong si Neil na parang tanga! Hay naku!
“Niks!” putek! Boses yun ni Melissa! Tpos magkahawak kamay pa silang dalawa ni BWISIT.
“oh mel!” tapos nagsmile ako
“Kami na ni Jonathan! Dbuh dad?” tapos tiningnan niya si Jonathan na sobrang seryoso ang mukha.
“That’s good Mel! I’m happy for you!!”
“Thanks, Niks. By the way, kayo na din ba ni Neil?” tapos tumingin agad sa kin si Jonathan, para bang inaantay yung sagot ko.
Pero bago pa man ako makasagot, inakbayan na ako ni Neil, “yep, she’s my fiancé!” agad na sabi ni Neil.
“Ano?! Fiance?” biglang sabi ni Jonathan.
Gago talaga! “Neil!” sabi ko in a serious tone, tapos tiningnan siya ng masama.
“hahahahah! Biro lang. Pero malapit na naman eh. Hindi naman ako matitiis nitong si Nikka eh. Hahaha!”
“ahhh! Ahahah! Bagay na bagay kayo nikka!” sabi ni Mel.
“hahah! Syempre naman, iisa na ang bituka naming nitong magiging asawa ko.”
Bwisit, tumahimik na lang ako. Hay naku! Kakabadtrip!
Napatingin ako kay Jonathan, tumitingin dn siya, pero seryosong seryoso.
“Sige, Niks, mauna na kami ni Jonathan, manunuod kami ng sine.”
“Sine? Edi double date tayo!! Hahah! Manunuod din kami n sine ni Nikka eh.”
Chapter 10
Comenzar desde el principio
