Kabanata 1: Story Begin
Catherine's Point Of View
MAAGA pa lang ay nagising na ako para magluto ng almusal at gisingin ang aking mag ama, may pasok si rey ngayon sa opisina at bawal syang ma late dahil may meeting sya with board members, kay Ryan naman ang anak ko ay may promise naman ako sa kanya na mamasyal kami sa park gusto nya nga sana na kasama ang daddy nya pinaliwanag na lang namin na hindi pwede at susunod na lang ito buti at pumayag si ryan. Aaminin ko sinasaktan ako at pangit ang pakikitungo sa akin ng asawa ko pero masaya pa rin Ako dahil maganda ang pakikitungo nya kay Ryan kahit hindi nya tanggang nung una.
Natapos akong magluto kaya naman pumunta agad ako sa kwarto para gising si rey pagpasok ko sa kwarto ay wala na sya sa kama kaya naman kumatok ako sa C.r
“Rey anjan ka ba sa loob?” tanong ko habang kumakatok pero walang sumasagot kaya naman binuksan ko ito at wala akong nakita sa cr kundi ang mga gamit lang pangcomfort room kaya naman nilibot ko ang buong kwarto ngunit wala din sya
Kaya naman pumunta ako sa room ni ryan at laking gulat ko ng makita ko si rey na karga si ryan habang si ryan naman ay napatingin sa akin
“Moyning mommy” sabi nya kaya napatingin sa akin si rey
“Kanina ka pa jan?” tanong nya sa akin
“Hindi, hinanap kita sa kwarto kaso wala ka kaya pumunta na ako dito” sabi ko sa kanya kinarga nya si ryan at lumapit sa akin
“Tara na” aya nya sa akin
“Mauna na kayo maliligo lang ako” sabi ko tumango lang sya at bumaba na
Pumunta na ako sa kwarto at pumunta ng cr para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis at nagsuklay na ako saka bumaba
Naabutan ko si rey na may kausap kaya nagtago muna ako at nakinig
“Hello babe .....yah .....Sige sige .....I love you ..... bye!” bigla namang tumulo ang mga luha ko ng mag 'i love you' sya simula kasi nung kinasal kami hindi sya ganyan sa akin
“Kanina ka pa jan” halos mapatalon ako ng marinig ko si rey na nag salita mula sa likod ko, pinunasan ko muna yung luha ko bago humarap sa kanya
“Kakababa ko pa lang” sabi ko sa kanya tumango lang sya
“Aalis na ako, si ryan nasa Sala nanonood ng tv” tumango lang Ako sa kanya at sabay na kaming pumunta sa Sala
“Anak” sabay naming sabi ni rey kaya napalingon sya sa amin
“Anak aalis na si daddy” nakangiti kong sabi sa kanya lumapit naman ito sa amin
“Daddy di po ba kami pwede ni mommy sa work po nyo” malungkot na sabi ni ryan habang nakayuko nagkatinginan naman kami ni rey
“Anak next time na lang tayo sumama kay daddy mo” sabi ko sa kanya tumango sya pero naka Yuko pa rin
“Pag tinulungan mo si mommy mo sa mga gawaing bahay ngayon weekend Isasama ko kayo ni mommy mo sa work ni daddy” sabi ni rey na ikinangiti ng mukha ni ryan
“Talaga po daddy” tanong ni ryan nakangiting tumango si rey sa kanya
“Thank you po” sabi ni ryan kay rey tyaka yinakap ang ama
“Promise po tutulungan ko si mommy sa darating na weekend sa lahat ng gawaing bahay” sabi ni ryan sa daddy nya pagkakalas nila sa yakap
“Promise?”
“Promise po”
“Oh sige na tama na ang lambingan” pagpuputol ko sa Lambingan nila dahil mala late na si rey
“Daddy naiingit si mommy” nagulat naman ako sa sinabi ni ryan
“Joke” biglang sabi ni ryan kaya napangiti ako
“Sige na aalis na ako, bye ryan” sabi nya at niyakap, nagulat Ako ng ilagay nya ang bibig nya sa tenga ko habang hinahaplos ang buhok ko
“Walang lalabas ng bahay” mahina pero may diin nyang sabi habang palihim akong sinabunutan
“Ayieeee” nabigla kami ng biglang magsalita si ryan
“Sige na aalis na ako” sabi niya hinatid namin sya hanggang sa gate pinag buksan ko rin ng gate yung kotse para makalabas
Tinanaw namin ang sasakyan ni rey hanggang sa nawala ito sa aming paningin kaya pumasok na kami
“Mommy yung promise po” naka pout na sabi ni ryan bigla ko naman naalala na pupunta kaming park pero pa'no yan sabi ni rey wag daw akong lalabas ng bahay siguro naman hindi nya malalaman
“Tara bihisan muna kita” nakangiti kong sabi tyaka kami umakyat sa kwarto
Sana hindi malaman ni rey
YOU ARE READING
MY DEVIL HUSBAND
RomanceAsawa ko sya asawa nya ako pero bakit hindi asawa ang Turing nya sa akin parang hayop ako kung ituring nya Sya may karapatan sa buhay ko Pero ako wala ako dapat pakialaman sa buhay nya Lagi nyang pinapamukha sa akin lahat ng nagawa kong Mali Kunt...
