Chapter 12: Kai - Sexy Dancing Machine

127 14 0
                                    

REIKA POV

Katatapos lang ng nakakapagod na pamamasyal kasama si Sehun kahapon. Mukhang may parating nanamang mas nakakapagod na problema.

"Reika, we need to talk!" -Anthony

Pumasok siya sa room namin. Agad namang nagsilayuan yung mga classmate ko.

Yeah! Pag wala kami sa kondisyong magbangasan ng mukha, nag uusap kami ng maayos.

"What do you want?" -ako habang umiinom ng chocolate drinks.

"Bumalik na siya..." -Anthony

"What? Kelan pa?" -ako nanginginig yung kamay

"Kahapon. Kalalabas niya lang ng ospital!" -Siya

"Bat bumalik pa siya?" Balewalang sabi ko

"Bakit? Natatakot ka ba sa kanya?" Natatawang sabi niya

"No! Never!" -ako saka nagmamadaling umalis

Dumiretso ako kay Mam Mae at sinabi sa kanya ang nalaman ko kay Anthony.

"So, anong gagawin mo ngayon? Tatakbo ka sa takot?" -Mam Mae habang tumatawa

"Hindi Mam! Kung napatumba ko siya dati, gagawin ko ulit kung kinakailangan. Masyado malaki ang kasalanan niya sa akin!" Inis na sabi ko

"Mahihirapan ka ngayon Reika!" Seryosong sabi ni Mam

"Why?"

"Find it out yourself!" Sabi niya saka bumalik sa harapan ng laptop niya

Lumabas ng ako ng faculty nakasalubong ko si Kai

"Hey Reika!"

"What is it?"

Namumula siya! And oh! He's biting his lips. How sexy! Kuzu! Gumagana nanaman yang kamanyakan mo Reika!

"Pagtitripan mo ko? Gusto mong bugbugin kita?" Sabi ko

"No, after mo umuwi ng bahay, may gagawin ka?"

"Oo! Magpapahinga tapos gagawa na ng assignment tapos maglalaro ng computer games! Bakit ba?" Maangas na sabi ko.

Sorry ah. Gumagana nanaman kasi pagiging pilosopo ko eh.

"Ahm! Kasi ano eh!..."- Kai

Napa Facepalm ako eh. Alam ko na to eh! Kahapon si Sehun, ngayon si Kai. Pakana to ni Mam Mae! -_-

"Ano ba yun? Kung gusto mo, samahan mo ko maglibang mamayang uwian! Tutal wala naman masyadong assignment eh! Naiistressed ako! Kailangan kong mag alis ng stress!" Inis na sabi ko nung mainis ako dahil di niya masabi yung gusto niya sabihin.

Totoo naman na gusto kong mag alis ng stress dahil sa pagbabalik nung taong yun!

"Sure ka?" Di makapaniwalang sabi niya

"Oo! Ikaw lang ah! Wag ka magsama ng mga kaibigan mo! Di ako sanay sa maraming tao!" -ako

"Yeah!" -siya

Nakita kong napatalon pa siya sa saya nung medyo malayo na ko sa kanya.

Si Mam Mae naman kasi eh! Alam ko na to eh! Sigurado akong siya yung nag utos sa mga to na yayain ako mamasyal. Tapos pag hindi ako napapayag, tinakot niya sigurong bubugbugin niya.

-_-

KAI POV

Its me again. Hindi naman ako masyado mahiyaing tao. Pero since nakita ko yung smile ni Reika, I feel awkward towards her. -_-

Hindi ko talaga inaasahan na siya pa ang magyayaya sa akin.

Flashback

"Its your turn Jong In ah!"-Kyungsoo hyung

Tiger Versus WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon