OKASYON

114 0 0
                                    

Di na kita babatiin ngayong bagong taon
Di na magpaparamdam sa susunod na panahon
Hanggang sa dumating ang araw ng mga puso
Pagiging snob ang ipapakita ko sayong uso

Kung dati Araw-araw, minu-minuto
pangalan koy lumilitaw sa screen mo
Pero simula ngayon mawawala na ito
'Di kana papansinin na parang damo

Sasapit na naman ulit ang pasko
Magiging bato parin ang puso ko
Ayoko ! Ayoko ! Ayoko!
Sarili ko na namay aking niloloko

Pero tuwing kaarawan mo matutunaw ang nagmamatigas kong puso
Babatiin na kita na walang halong galit at biro
Masaya ako na dumating ka sa mundong ito
Para magbigay aral at akoy matuto
Matutong magpatuloy kahit wala kana sa panibago kong yugto

Di na nga talaga kita babatiin sa pasko, araw ng mga puso at bagong taon
Ibig sabihin wala ng pagnanais na makasama ka sa ganitong mga okasyon

Dati kong mahal, tinatanggap ko na talaga
Impossible maging tayo kaya dapat humanap na ng iba
Pinapalaya na kita kaya huwag ng mag-alala,
Paalam sa pag-ibig na di na maisasalba






Tula जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें