Mga gulong ng sasakyang walang tigil sa pag-arangkada. Ang normal na gulo ng lugar para sa mga taga-syudad ay parte ng bawat araw na lumilipas. Ang itim sa ulap na unti-unting sumasakop sa liwanag ng kalangitan ng syudad, tila nagpapahatid ng panganib sa kapayapaan.
"Kuya, makakapunta kaba sa Sports Event ko mamaya?" tanong ni Samantha.
"Nako Mico, hindi ko na nasabi sayo kagabi sa sobrang busy mo sa report mo, ngayong araw na ang sports event ni Samantha sa Rizal Coliseum, kasama siya sa pambato ng NCR sa palarong pambansa." Sabi ni Loren na nanay ni Mico at Samantha
"Hindi ko sure Samantha, baka kasi bigyan ako ng bagong research report ni Mr. Garcia." Sagot ni Mico
"Ganyan ka naman, Graduation ko ng Elementary, sa mga Recognition Ceremonies, pati nga nung Birthday ko last month wala ka eh! wag ka na lang pumunta!" pasigaw na sagot ni Samantha na nagdabog pabalik ng kanyang kwarto.
"Pagpasensyahan mo na, ikaw naman kasi, minsan bigyang mo din ng oras ang kapatid mo, panganay ka, ikaw ang tinitingala ng nag-iisa mong kapatid na babae" giit ni Loren.
"Ma, pasensya na po talaga, kailangan ko lang po talaga itong trabahong ito, para makatulong sa inyo ng tay" sagot ni Mico.
"Naiintindihan ko naman, pero bigyan mo rin ng panahon ang kapatid mo, Masaya na kaming mga magulang mo na nakikita kang tumutulong at inaabot ang iyong mga pangarap, pero bilang panganay sana bigyan mo din ng atensyon ang nag-iisa mong kapatid. Sasamahan ko siya mamaya, kung pupunta ka, nanduon kami sa locker room bago ang kanyang laro mamayang gabi" sabi ni Loren
"Patawad po ma, promise, pupunta po ako mamaya" sagot ni Mico.
Kanyang inabot ang kamay ng kanyang ina at nagmano bago siya umalis ng bahay.
"Teka muna" sabi ng kanyang ina. May kinuha siya sa kanyang bulsa at ibinigay kay Mico.
Inabot ni Mico ang ibinibigay ng kanyang ina. Isa itong medalyon ni San Benedicto na mas malaki pa sa pabilog na hugis ng kanyang suot na relo. Ito'y gawa sa makapal na bakal at may mga nakaukit na mga simbolong sacramental.
"Nabendisyunan na iyan. Dalhin mo iyan palagi." Sabi ng kanyang ina.
"Opo" sagot ni Mico. Itinago niya ito sa bulsa ng kanyang polong panloob.
"Mauna na po ako" sabi ni Mico. At sya'y tumuloy na palabas ng kanilang bahay.
Paglipas ng ilang minuto sa kalye ay hindi parin umuusad ang trapiko. Naka-sakay sa loob ng isang taxi si Mico.
"Manong, wala naba talagang pag-asa yang trapik na yan?
"Nako boy, wag ka nang umasa, masasaktan kalang"
"Aysus ginoo, sige na po lalakarin ko nalang mula rito ang National Museum, medyo malapit-lapit narin naman."
"Sige boy, ikaw bahala"
"Magkano po ba?" – tumingin sa metro kung saan nakasaad ang mga numerong 115.35
"eto po bayad" inabot ang dalawang perang papel. isang daang piso at limangpum piso. Sabay hablot ng kanyang shoulder bag at dali-daling binuksan ang pintuan ng sasakyan at nagmamadaling umalis.
"Boy sukli mo!" sigaw ng drayber
Hindi na ito pinansin ni Mico na mabilis na naglalakad palayo.
Tumingin sya sa kanyang relo at alas otsyo na nang umaga. Nagmamadaling tumawid ng kalye si Mico kahit na umaandar ang mga sasakyang galing sa kabilang kalsada.
"Patay ako nyan kay Mr. Garcia, late na ako sa Philippine History Conference"
Pagkatapos ng ilang hakbang at pagliko ay natanaw nya rin sa wakas ang makasaysayang gusali ng National Museum ng Pilipinas.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Ciudad
Tarihi KurguIsang normal na araw lamang dapat iyon sa buhay ni Mico Sacdalan, isang Principante ni Mr. Garcia sa Museo, ngunit nagbago ang lahat ng may lumapit sa kanya at humingi ng tulong para sa isang kaso. Mula dito, siya'y mapapagkamalan, at siya na naghah...
