BTBH #CHAPTER 25

5.5K 81 6
                                    

BTBH #CHAPTER 25


 
Celestine's POV



"Ang aga mo ah," mataray kong sinabi kay Jacob na nakaupo sa living room.


...


"Ayoko namang paghintayin ka sa huling araw natin," nakangiti nyang sagot at biglang ngumisi, "Bakit nga pala biglaan yang desisyon mo?"



Napasimangot ako at huminga ng malalalim, "Eh ikaw. Bakit pumayag ka?"


"I have a reason."



I picked my bag up, "Katulad mo, may rason rin ako. Tara na."


***


Tahimik kaming bumyahe papunta sa kanila.


Naka-earpiece rin kasi ako.


Wala akong gana makipag-usap sa kanya.


Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko.


[1 Message from Ethan]


Napangiti ako.


I clicked on it.


"Hon, I miss you."


Jacob Drew's POV


Tss.



Ang gulo talaga ng mga babae.


Kunwari pang may deal deal na pagseselosin pero sa huli, bibigay rin naman din sila.

And to me, that's stupid.

Looking at her from the mirror, na nakangiti habang nagte-text.

Tss. I knew this was coming.


Bago palang ako umalis, alam kong makukuha at makukuha ulit ni Ethan ang puso nya.


"Nandito na tayo," maigsi kong sinabi sa kanya, "Please act like before.."


Bakit para akong nagmamakaawa?

Tumango tango ito and I held her hand.


***


"Hija!" tuwang tuwang bati ni mommy kay Celestine.


"Good Afternoon po." nakangiting sagot ni Celestine na sya namang hinila agad ni mommy sa dining room at pinaupo na.



I followed them.
I sat next to Celestine.



"So, hija. Isang linggo kitang hindi nakita, gumanda ka ata lalo?" nakangising sinabi ni mommy.


Napatawa naman si Celestine, "Hindi naman po."


"Nako alam mo ba sa isang linggo eh yang si Jacob.. Walang tigil katatanong kung dumaan ka raw ba dito."



Napatigil ako sa pagnguya at napatingin kay Celestine na nakatingin naman sakin.


Celestine's POV



So Jacob has been checking kung dumalaw ako sa kanila.


Tss.



Hindi naman ganun kakapal ang mukha ko na.. Pumunta pa sa bahay nila na alam ko naman na nagpapanggap lang ako.


"Busy po sa school eh.." maigsi kong sagot at tuloy tuloy parin sa kwento sila tita.


Natigil nalang ng biglang may babaeng pababa sa hagdan na sobrang igsi ng shorts.


Tinitigan ko ito.


Ito na nga sya.

Ang babaeng lumalandi kay Jacob.

Tss.

May itsura naman sya.

Sexy.

Breaking The Bastard's Heart [PG13]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon