Prologue

69 1 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Awooo! Hoooh! Welcome back to me! Heto na po ang pangalawang aklat ng TULA NG PAG-IBIG (LOVE POEMS BOOK 2).

Happy Reading!

@LiLaC_BuLiLaK

" You have break my heart

Torn into pieces, thrown apart

How can you hurt me so bad

Then tell me you're still inlove"

PROLOGUE:

"Vivz, honey, can you pls make me some tea," paglalambing ni Anton.

"Honey, I'm in the shower," sigaw ni Vivz mula sa loob.

Tumayo si Anton at kinatok ang banyo, "I said I need tea right now," sigaw nito sa may pintuan.

Pabalibag na binuksan ni Vivz ang pintuan at hinarap nya ang kasintahan. "Get lost! I'm done with your tantrums!" sabi ng dalaga sa mukha ng kausap.

Nagulat man sa inasal ng dalaga ay nagawa pa rin nitong lambingin ito. "Honey, pls," pinapungay pa nito ang mga mata habang pinagsalikop ang mga kamay nito. "I love you," hinawakan ang kamay nya at hinalikan ito habang malamlam na nakatitig sa kanya.

Tunaw na naman ang galit nya dito basta dinaan sya sa papungay at pagsusumamo nitong may pahalik-halik pa sa kamay. Tumango na lamang si Vivz.

Ganito ang takbo ng buhay nya sa piling ni Anton. Gusto na nya itong hiwalayan ngunit iniisip pa lang nya, binabalak pa lang, parang may esp ito na lagi sya nitong nilalambing. Kung kaya naman talgang hindi nya ito maiwan-iwan.

Nagpasalamat nga sya noon time na pumunta sya sa Hacienda Pendragon para ayusin ang buhay ng kambal nya, hindi ito sumama sa kanya. Nagpaiwan ito sa suite nila sa hotel. 

Wala syang kaalam-alam na meron pala itong ibang babae na nakatira rin sa isa sa mga kwarto ng Hotel Paraiso. Dito ito nagpupunta pag wala sya o dili kaya ay abala sya sa mga negosyong ipinundar nilang magkapatid. Sya ang namamahala sa hotel habang si Daniel ay sa mga negosyo nila outside the country.

Takot naman ang mga tauhan sa hotel na magsumbong sa kanya sa dahilang baka masisante ang mga ito. O dili kaya ay di na sila makahanap pa ng work. MAbagsik kasi sya pagdating sa mga tauhan, di sya basta-basta nagpapaniwala sa mga sinasabi nito. Hate nya ang word na "SIPSIP", at alam iyon ng mga tauhan sa hotel.

Ang baguhang si Yumi, ang dalagang half-japanese-half-filipino, ang nagkalakas ng loob na sabihin sa kanya na nakita nya si Anton na may kahalikan sa labas ng pinto ng suite #13. Matangkad, maputi, at mala-porselana ang kutis nito, ayon sa pagkakasabi ni Yumi.

Sa oras ding iyon ay nkita nya ang kasintahan na papalabas ng suite 13, hatid pa ng babae sa may pintuan. Parang wala lang para kay Anton ang ginawi nito. Tumalikod na sya at pumasok sa suite nila, inumpisahang mag-empake, sya namang pagpasok ni Anton. Niyakap sya nito sa likod ngunit ipiniksi nya lang ang mga kamay nito. Natapos sya sa pag-eempake, hinarap nya ang binata, sabay sabing...

"Here's your things, I packed them for you," iniabot nya ang inempakeng damit nito. Wala syang iniwan kahit isa. Ayaw nya na may naiiwang alaala ng katangahan nya. "Please leave."

"Honey," nagsusumamo ito, pero hindi na nya ito tinapunan ng tingin. Nauna na syang lumabas ng suite. Deretso sya sa suite ng kakambal, doon muna sya magpapalipas dahil di nya pwedeng iwan ang hotel sa ganitong panahon. Marami kasing mga turista at ayaw naman nyang ipaubaya sa nanay nya. 

Nag-inat-inat sya, "Panibagong umaga, panibagong pag-asa, panibagong pakikibaka," at ngumiti sya ng mapait sa kawalan.

BROKENHEARTED MHE (AWESOMELY FINISHED)Where stories live. Discover now