Chapter 1

13 1 0
                                        

Alexis POV

"Melody kamusta pakiramdam mo?" Kakadating ko lang sa hospital kung saan nakaconfine ang girlfriend ng kapatid ko. Dalawang buwan na siya dito at habang tumatagal lumalala ang sakit niya.

"Okay lang naman Ate kakatapos ko lang din kasi uminom ng gamot." Umupo ako sa sofa at sinimulan buksan ang laptop ko may kailangan akong tapusin para sa presentation ko bukas. Habang hinihintay kong magbukas ang laptop naisip ko ang kapatid ko na si Eli.

"Melody kailan mo balak sabihin kay Eli ang lahat?" Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Habang lumilipas ang mga araw mas lalong lumalala ang kalagayan niya at natatakot ako na pagnalaman ni Eli ang tungkol sa sakit niya huli na pala ang lahat.

"Nakakahalata na ba si Eli Ate?" Ramdam ko sa boses niya ang lungkot naiintindihan ko naman kung bakit pinili niyang ilihim kay Eli ang lahat pero hanggang kailan? Baka hindi kayanin ng kapatid ko ang mga malalaman niya.

"Ang alam niya nasa new york ka nag-aaral saka naguusap naman kayo sigurado hindi yun nakakahalata pero nagaalala din ako sa kapatid ko Melody." Natatakot ako sa pwedeng mangyari baka maapektuhan ang pag-aaral ni Eli at masira ang kinabukasan niya pero karapatan pa din niyang malaman ang lahat naiipit ako sa sitwasyon.

"Ate hindi ko ata kayang sabihin kay Eli natatakot ako. Ramdam ko Ate Alexis na malapit na akong mawala minsan iniisip ko nalang na mas maganda na hindi niya nalang malaman." Kung hindi lang sinabi sakin ng kaibigan niya ang tungkol sa kondisyon niya baka hanggang ngayon wala parin akong alam. Alam kong malaki ang magbabago kapag nalaman na ni Eli ang lahat pero anong gagawin ko pag isang araw biglang nawala si Melody.

"Huwag kang magsalita ng ganyan Melody kaya ka nga nasa hospital para gumaling diba? Always remember your promise to Eli when you feel tired okay?" kahit ako nalulungkot sa sitwasyon nilang dalawa at gagawin ko ang lahat huwag lang masaktan ang kapatid ko.

Ngumiti siya sakin at pinikit ang kanyang mga mata wala naman akong magawa kaya lumipat ako sa sofa kung nasaan ang aking laptop para tapusin ang presentation ko. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Melody paano nga pag nawala na siya paano ang kapatid ko? Lagi niyang sinasabi sakin na hindi niya kayang mabuhay ng wala si Melody anong mangyayari sa kapatid ko pag nawala ang babaeng mahal niya?

Tapos ko na ang presentation ko para bukas nagaayos na ako ng gamit dahil naisipan ko na ding umuwi. Tinignan ko si Melody at mukhang ang himbing ng tulog niya. Wala na sana akong balak magpaalam para hindi na siya magising ng bigla siyang magsalita.

"Ate can you do me a favor?" Inayos ko ang mga gamit ko bago lumapit sa kanya.

"Of course Melody. Ano ba kailangan mo?" Ngumiti siya sakin yung ngiting malungkot hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

"Alam kong malapit na ate malapit na akong mawala kahit pilit itago sakin nila mommy at daddy ang kondisyon ko ramdam ko ate konting konti nalang bibigay na ako. Pagod na ang katawan ko pagod na ang utak ko pagod na pagod na ako ate pero pag naiisip ko si Eli natatakot akong iwan siya." Hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating sakin. Kinakabahan ako sa sasabihin niya pero hindi ko ito pinapakita.

"What do you want me to do?" Nakatingin siya sa bintana ng kanyang kwarto at rinig ko ang pagbuntong hininga niya bago niya sinabi ang salitang nagpaiyak sakin.

"Teach Eli to live without me. Help him to live without Melody Iris Manuel in his life." Alam kong umiiyak siya ngayon nasasaktan sa desisyong ginawa niya. She's letting my brother live without her, she's letting my brother go.

Skyler POV

Nakatingin ako sa hospital kung saan nakaconfine ang lolo Phil ko. Inayos ko ang mukha ko at ngumiti para itago ang totoo kong nararamdaman. Pumasok na ako sa hospital naglakad papunta sa cashier kailangan kong malaman kung magkano na ang bill namin. Nang makuha ko na ang bill halos manlumo ako kung magkano ang kailangan kong bayaran 120,000 pesos saang lupalop ko naman mahahagilap ang ganyang kalaking pera. Pagkatapos kong kausapin ang nurse na nagaalaga sa lolo ko nagdesisyon akong umupo muna sa bench para makapagaisip isip hindi niya pwedeng makita ang problemado kong mukha. Nagiisip ako ng solusyon ng may tumabi sakin babae siya mukhang matanda sakin ng dalawang taon. Hinayaan ko lang siya dahil hindi ko naman pagmamay-ari ang bench. Nagiisip ako ng solusyon ng maramdaman kong may tumititig sakin tinignan ko ang katabi ko at laking gulat ko na titig na titig siya sa mukha ko. Anong problema ng babaeng ito sa mukha ko?

"You look like her." Ano daw? Dahil hindi ko naman siya kilala at mukhang may naalala siya pagkakita sakin naisipan ko ng tumayo ng hawakan niya ang kamay ko.

"Miss ano bang kailangan mo? Hindi naman tayo magkakilala pero kung makahawak ka parang close tayo." Ngumiti siya sakin na parang wala lang sa kanya yung sinabi ko anong problema nito.

"Miss wala akong panahon sa kalokohan kaya pwede ba bitiwan mo ang kamay ko." Inalis ko ang kamay niya para makatayo ako pero ang kulit talaga ng babaeng ito dahil pagkatayo ko tumayo din siya. Ang mas nakakainis pa sinusundan niya ako hindi na ako nakatiis kaya hinarap ko siya.

"Anong kailangan mo sakin?" Bigla siyang sumeryoso pinag-aaralan ko ang mga kilos niya pero wala akong makitang mali. Mukhang malaki ang kailangan niya sakin para sundan niya ako.

"Pwede ba kitang makausap ng tayong dalawa lang?" Tinaasan ko siya ng kilay sinasayang niya ang oras ko.

"Miss may naghihintay sakin kaya sabihin mo na kung ano man ang gusto mong sabihin." Naiinis na ako dahil wala akong panahon sa paguusap na gusto niyang mangyari.

"Okay kailangan kita. May gusto akong ioffer na trabaho sayo since mukhang kailangan mo ng malaking halaga pang bayad." Tumingin siya sa papel na hawak ko mukhang nakita niya ang bill ng lolo ko sa hospital na ito.

"Ano naman ang iooffer mo sakin Miss?" Ngumiti siya sakin na parang siguradong sigurado siya na papayag ako sa gusto niya.

"Be my brother's girlfriend. Pretend to be Melody Iris Manuel in front of my brother." 


I am Zoe Skyler GarciaStories to obsess over. Discover now