"Really, Aly?" He leered.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi sa sobrang galit at sa luhang namumuo sa aking mga mata. He changed. Hindi na ito ang Uno na nakilala ko. Well maybe, he changed because he's married now. Binili niya ang lupain para sa kanyang sarili at para mapakasalan ang pinsan ko. You really deserved my clap right now Uno. Ang sarap mong palakpakan sa mukha.

"Magkano?" Mas matigas kong deklara.

"Sampong milyon."

Napaawang ang aking bibig. Ang luhang namumuo sa aking mga mata ay mas lalong rumarami. Lumalabo iyon. Anong nangyari sa dating Uno? Dahil ba sa pananakit ko sa kanya? Dahil sa pagpapamukha ko na wala akong nararamdaman para sa kanya?

"How can you be so cruel? Kalahating milyon lang iyong ipinangako ko kay Tita!" I cried with so much anger. Hindi na nagiging halata ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata dahil sa ulang bumubuhos sa akin.

"Mahigit limang taon ang lumipas Aly. Inalagaan ko ang lupain, pinalago. Hindi naman pwedeng ibigay ko nalang iyon basta basta. Bakit, kaano ano ba kita?" He said with so much cruelty.

Naiwang nakaawang ang aking bibig sa ere. Gusto ko siyang sampalin sa sobrang galit. Gusto ko siyang saktan. Oo nga naman, kaano ano ka ba niya Aly? Katulad ng nangyari noon, naging parte ka lang ng mga babaeng nagawa niyang paglaruan. Nagawa niyang paikutin sa kanyang mga palad at nagawang paniwalain na totoo lahat ng pinapakita niya. Pero ngayon, lahat ng iyon ay nagiging malabo na sa akin. Lahat ng iyon ay parang isang kathang isip lamang sa isang libro. Na wala naman talagang ganoong lalake.

"Wala akong sampong milyon, Uno!" diin kong sabi nang mapunto ko siya.

"Umalis ka para may mapatunayan. Ngayon, bumalik na pero para ano? Ipamukha na hanggang ngayon ay wala ka rin namang napala?"

His words were like bullets. Tumama iyon ng malalim sa akin. Pinapamukha niyang mas mataas parin ang kanyang narating. Na walang wala ako sa kanya at kaya niyang manipulahin ang isang bagay dahil mas marami siyang pera kumpara sa akin. Mas makapangyarihan kumpara sa akin.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Gusto kong magsalita pero wala rin naman akong masabi. Naiyak nalang ako. Tinititigan ko ang mukha niyang walang kaemo-emosyon. Ang lalaking nakilala ko noon, nakukuhang ngumiti ng maliwanag, nakukuha akong halikan. Ang lalaking pinangakuan ako ng marami, pero ba't parang lahat ng iyon ay parte lamang ng isang maganda kong panaginip? Na ngayon ay gising na gising na ako at sinasampal na ako ng katotohanan na reyalidad ito at hindi siya iyong Uno na nakilala ko.

"Wala kang pera?" tanong niyang muli pagkatapos ng ilang sigundong katahimikan.

"Kulang ang p-pera ko." Sinubukan kong hindi mabasag ang aking boses at mahalata niyang umiiyak ako.

"Then work for it. Work for me."

Nagkasalubong ang aking kilay sa naging desisyon ni Uno. Nilingon niya iyong driver na nasa veranda parin at mukhang nanonood lamang sa amin. Sa malakas na buhos ng ulan, malabong narinig niya ang pinag-uusapan namin.

Nagpaalam itong umalis na. Ngumiti ako ng pilit lalo na't bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala. Kung ba't ako nagpapakabasa sa gitna ng ulan. Pinakiusapan ko nalang ito na sana ay hindi na makarating kay Addi ang mga nakita niya.

Pinanood ko ang van na umaalis. Hindi na gaanong bumubuhos ang ulan pero wala paring tigil sa pagbuhos ang aking mga luha. Ngayon, paano ko babawiin ang lupain kung nakay Uno na ito? Siguro ay pinlano na nila itong dalawa ng pinsan ko.

"Let's get inside," sabi niya. Pasimple kong pinunasan ang aking pisngi lalo na nang naramdaman ko ang kanyang imahe sa aking likuran. Nakatutok na ulit sa akin ang payong.

Signs Of Love (Buenaventura Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz