Chapter 5: Set-up

Start from the beginning
                                    

"Ha? Hindi pwede! Walang bantay sa bahay, magagalit si Ate Cha."

"Si Ate talaga ang kj. Ako na bahala kay Ate Cha. Atsaka, naka-lock naman yung bahay diba?"

"Hay, sige na nga. Pero pwede dumaan muna tayo sa school? Magpapalit lang ako ng damit."

"Hay, sige Ate. Magpapalit narin ako."

Binilisan ko ng konti yung pagd-drive. Dumating kami sa school. Nagbihis na kami. Simple lang yung suot ni Ate pero pwede na 'to sa date nila ni LA. Whahaha! Matalino talaga si Ivan!

Drive ulet! Gagala nalang kami nila Ivan at Chan-Chan mamaya. Dito na kami.

"Yo!" bati ko sa kanila.

"Oh, Jam ba't antagal mo, kanina ka pa namin hinihintay. Oh! Ateng Iyakin, ba't nandito ka" nakatalikod kasi si LA nun tapos pagharap niya, boom! Suprise! XD

Umakbay naman si Ivan kay LA.

"Ay Ate JC wag ka makinig dyan. Sabi ni LA, hi daw ang ganda mo daw ngayon." sabi ni Ivan. Hahaha, namula si LA. Si Ate natatawa lang, hay manhid!

"Adik kayo, hahaha." si Ate, tumawa lang adik?

JC's POV

Hahaha, mga loko talaga 'tong mga kaibigan ni Jam, mabait naman kaso malakas lang mang-asar.

Andito kami ngayon sa park, may pupuntahan ata dapat sila.

"Oy punta lang muna kami ni Ivan at Kenneth sa convenient store, babalik din kami agad." Jam.

"Sige, bilisan niyo tol." Chan-Chan.

Ilang minuto din ang lumipas. Bakit ang tagal nila.

*Ring ring*

May tumatawag kay Chan-Chan.

"Oy! Ha? Bakit? Oo na! Sandali lang. Aish! Naku!" Ivan.

"Oh, bakit Ivan may problema ba?" tanong ni LA.

"H-ha? Ano kasi eh, ano eh, uhmm may. May, may emergency! Tama, may emergency. Kailangan ko nang umalis sorry talaga haa." nag-bow siya, ewan ko kabado ata siya.

Naiwan nalang kami ni LA dun.

*Ring ring*

Sabay nag-ring ang phone namin.

"Hello, Ate. Goodluck sa date mo, enjoy!" Jam.

"Jam!!" sigaw ko. "Ivan!!" sigaw niya.

Oh no! Na set-up kaming dalawa!

Napabuntong hininga nalang kami.

"I guess we have no choice, sayang naman kung aalis tayo. Andito narin tayo eh." sabi niya.

"Date ba 'to?" tanong ko sa kanya. Ang kyot! Nag-blush sya!

"Hahahaha, make sure that this will be memorable. This is my first date, tara na!"

"Talaga first time mo?" sabi niya.

"Opo, kaya bilisan natin. Sige ka uuwi na ako." akma akong aalis na pero hinawakan niya ang kamay ko.

*Doki doki*

(Ang doki doki po ay parang dugdug sa japanese language)

Okay, inaamin ko. Medyo crush ko si LA. Ang gwapo kaya! Tas medyo tahimik pa siya. Tatanggi pa ba ako? Sayang opportunity noh!

"Oh? Ba't natulala ka dyan? Tara na!" hinila niya ako, 4:00 palang naman pwede pa kami gumala. 3:00 kasi uwian namin ngayon, Friday kasi kaya iba yung schedule.

"San tayo pupunta?" tanong ko.

"Well go somewhere fun." sabi niya.

"Hhhmm.. Amusement park?" tanong ko.

"Nope, a little bit smaller than an amusement park." saan kaya yun?

Sumakay kami sa sasakyan niya. 20 minutes lang ang byahe, medyo malapit lang. Isa siyang lugar na may malaking paint canvas sa floor. Tapos, may paint di dun. Bale yung babayaran mo lang ay yung paint. Tapos Every 200 square meters may 75-100 people. Pano ko nalaman? Binasa ko yung info board. :P

Nagbayad na si LA. Hahaha, masaya 'to! Maliligo kami ng paint. XD

Nung makalapit na kami, naisip ko nakakahiya pala 'tong gagawin namin! Konti lang kasi yung mga matanda dun, siguro 20 lang? Karamihan kasi bata.

"Ready ka na?" tanong niya, tumango nalang ako.

Hinala niya ako papasok sa place nung canvas, yung mga bata may hawak na balde na may lamang paint tapos binuhusan nila ang isa't-isa. Hahaha, nakakatawa sila!

*Boogggssh!!*

Binuhusan ako ni LA ng paint! Ayyy!!!!!

Kinuha ko yung balde ko tapos sumalok ako ng paint. Malas niya white suot niya. Whahaha!!

*Booggshhh!!*

"Ay! Humanda ka sakin Iyakin!" hinabol niya ako. Hahaha, feeling ko tuloy para kaming 5 years old na ang hahabulan dito.

"Yung mga bata nakatingin sa atin, hahaha!" sabi ko sa kanya.

"Hayaan mo lang sila!" sabay buhos sakin ng paint. Ah loko!

"Loko ka talaga! Humanda ka sakin! Mga bata tulungan niyo ako, buhusan natin ng paint si Kuya LA!!" sumunod naman yung mga bata at hinabol siya, syempre nakihabol narin ako.

Na-corner siya ng mga bata, sabay-sabay nilang binuhusan si LA. Kung nagtataka kayo kung paano ko nalaman pangalan niya, yun ay dahil buong araw akong inasar ni Jam pag-uwi niya sa bahay. Loko yun pati nga si Ate inasar na rin ako eh.

"Mga kids, si Ate JC naman basain natin dali!" sumalok naman sila ng paint at hinabol ako.

"Huli ka!" LA.

"Yah!!!" sigaw ko. Binuhusan niya ako ng paint. Di ako makatakas sa kanya kasi hawak niya yung balikat ko, yung parang nakayakap pero balikat lang. Aish! Hirap i-explain! Yung mmga bata naman ay tumatakbo parin palapit sa amin.

"Ahhhh!!" sigaw ko. Nabunggo kasi ng mga bata si LA kaya ayun natumba kaming dalawa. Ang awkward nang posisyon namin! Nasa taas ko siya! Yuks!

*Doki doki*

Nakakahiya yung posisyon namin!

"Ayieee!" pang-aasar nung mga bata.

"Argh!" sumakit bigla yung ulo ko!

"Okay ka lang JC?" tanong niya habang inaalalayan akong tumayo.

"Okay lang ako." sabi ko sa kanya tapos nginitian ko siya.

Bumili kami ng bagong damit doon sa souvenir store nung lugar na yun. Naligo kami dun sa shower room tapos nagpalit ng damit. Ang saya-saya ngayon grabe, nagkwentuhan kami pauwi. Hinatid niya kasi ako papuntang bahay.

***

Nakauwi na ako sa bahay, nakakain narin ako. Andito ako ngayon sa kwarto ko at binabagabag parin ng isang bagay...

Ako lang ba o talagang nakapunta na ako dun dati, pero hindi eh first time kong makapunta dun. Pero may naalala akong isang beses na nakapunta na ako dun. May kasama pa nga ako eh. Ang tanong totoo ba yung naalala ko o imagination ko lang. Kung totoo man yun... Sino yung kasama ko?

~~~

After one week naka-update narin ako!

Sana po nagustuhan niyo ang update ko!

Maraming salamat sa pagbabasa! Sorry po sa typo errors.

Vote.

Fan.

Comment.

Add to your reading list!

Sana po i-spread niyo rin po ito. Sorry po kung mabagal ang update.

Salamat po ulit! <3

Ang Syota kong Manhid! *HIATUS*Where stories live. Discover now