DNIC 2 & 3

406 12 9
                                    

DNIC2: Ella-the great pretender

"pink keys for my pink car!"

May sariling kotse pala ako, kaya lang di ko magamit kasi under 18 pa, pero may driver naman kami ibang car yung ginagamit na panghatid-sundo ko. Dati naglalakad lang ako, pero simula nung lumipat ako, nagkanda hirap si Ada para magkakotse ako, kaya ngayon ang kapalit ay hindi ko na sya nakakasama ng madalas.

Sa wakas nasa school na rin, umaga palang gumanda agad ang araw ko nang makita ko "ang buhay ko". Prince Cross ang galing galing mo at ang gwapo mo talaga, sana nasa student council din ako para di na tayo mapaghiwalay!"

"Elle! ang gwapo talaga ni Prince Cross!" Tili ni Jansan sabay yakap sa akin na patalon-talon rin. Isa sya sa mga naging kaibigan kong tagahanga din Cross.

"OO nga! Cross pakasalan mo na ko!" sigaw ko naman.

Natapos ang araw ko ng puro tilihan at puno ng inspirasyon! Kaklase ko parin si Cross at yung ibang kaibagan koy nasa ibang section, lonely dahil wala akong kaclose sa klase, pero insipred kasi sa harap ko lang naman nakaupo ang buhay ko!

Mga bandang hapon nagkikita kami ng mga girl-friends ko, nagkwentuhan at pinag-fiestahan si Prince Cross!

"alam mo girl may ka-klase kaming ubood nannnggg.... you know" kwento ni Jansan

"pangit?" sagot ko na parang sure na sure

"tumpak ka gurl! hindi ko alam kung bakit sya nakapasok sa paaralng ito!"

"oo nga, Eya yata ang pangalan... so kaderder ayoko ko ngang tumabi sa kanya!"

"Eya? it's like Aya my yaya... bagay siyang maging katulong ko!" sagot ko tapos nagsitawanan kami.

"Sya nga pala Elle, punta naman kami sa bahay nyo!"

"huwaaat?" nabilaukan yata ako sa mga sinabi nila. Natatakot akong makita ang bahay namin.

"bakit may problema ba? hindi naman siguro bahay ng aso yung bahay nyo!" ahahaha tumawa pa sya ng malakas.

" ano ka ba! ka-level kaya natin yan si Elle"

"o sige..." lagot napa-oo ako.

Bago kami pumunta ng bahay,tumawag muna ako kay Ada na itago lahat ng family pictures sa bahay at maghanda na rin. Lima lang kaming pumunta sa bahay kasi ang iba may kanya-kanyang lakad.

"Tuloy kayo, pasensya na kayo ha, kasi ang totoong bahay namin ay nasa tagaytay. Binili lang to ni Ada, para malapit ako sa school" Inunahan ko agad sila bago ako makaranig ng anung komento, at ang totoo pa nun ay nagsinungaling lang ako sa kanila.

"oh! talaga? Sana makapunta din kami dun sa mansyon nyo!"

"oo nga, san nga pala ang parents mo?"

"si Ada busy yun, you know... business."

"how about your mom?"

"ah e.. si Namie?.... ah nasa states! Doctor sya dun!"

crackk.. sdjkrhyhf.... nakarinig kami ng ingay sa may kitchen na parang mga nahuhulog na pinggan. Narinig yata ako ni Aya at nagulat siya sa mga pagsisinungaling ko.

"Aya!!! mag-ingat ka nga dyan! Tinatakot mo naman ang mga kaibigan ko dito!" pasigaw kong sinabi na wari'y galit tapos change mood akong humarap sa mga kaibigan "San na nga tayo gals?" pangiti-ngiti pa ko.

"Oo nga pala, ang talino siguro ng mom mo Elle! Manang-mana ka!"

"Aba syempre! Yun nga ang naging daan para makasama ko araw-araw ang Prince Cross ng buhay ko!"

Diary ng isang CHIcKENPoX (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon