Tumingin ako sa digital wrist watch ko, nagulat aio nang burado ang AM at PM lang ang meron. Kailangan kong pa-ibigin si Darryll para hindi siya mamatay, madali lang iyon!

"Kung inaakala mong madali, hindi. Si Morgan ang prinsipe sa Hogin, walang kahit sino ang makakahawak sakaniya unless, you're a part of their family. Napapalibutan ng maraming bampira ang mansion nila, kapag tinangka mong lumapit, panigurado, magiging pagkain ka ng mga maids nila." sabi niya at tumawa.

"The rules and mechanics are, number 1,  I'll give you a low magic power, na kung saan maari kang makapag labas ng isang yelo sa kamay mo at maari mo iyon ipang takot sa mga bampira, pero nauubos ito kaya gamitin mo ng maayos, limang beses mo lang ito pwede gamitin. number 2, pwede kang tumira sa bahay ko dahil panigurado uulamin ka ng mga bampirang nakaka kalat riyan kapag lumabas ka. number 3, kapag napatawa mo si Morgan, I'll give you another special powers but this time mas malakas na, mahirap patawanin si Morgan ako lang ang may kaya. number 4, kapag nahalikan mo siya, dadagdagan ko ang oras mo, number 5, no running away from me, dahil kita kita kahit saan ka magpunta." sabi niya at ngumisi bago kumindat.

Mukhang mahihirapan naman ako sa mission na ito, ni-hindi ko pa nga alam ang itsura ng Hogin at anytime maari akong kainin ng mga letseng bampira rito.

"And last, para hindi ka mamatay, just whistle, dadating ako." sabi niya bago hinawakan ang kadena sa paa ko.

Isang kurap lang ay nabali ang lahat ng ito maging ang nasa kamay ko, "Tara na, alam ko namang mabait ka dahil nakita ko kung paano mahulog sa'yo si Wade, si Wade ang leader ng Derfodaroragon at kasangga niya si Jennie ang kinikilala mong Lannie. Mas masungit at masama pa si Wade kaysa kay Morgan at gano'n din si Jennie. Sila ang kalaban ng panig ni Darryll, you can't trust anyone here dahil lahat pwede kang lokohin." sabi niya habang naglalakad kami papalabas.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now