Chapter Twenty Five

Start from the beginning
                                    

Habang nagda-drive ako biglang nagcall si Tita Lea saakin, ang mother ni Lac.

"Hello po Tita?" Sagot ko sa kabilang linya habang nagdaDrive ako.

"A-Ang Mama mo I-Inatake sa P-Puso!" Maririnig mo ang iyakan sa kabilang linya.


Biglang nag slowmo ang lahat ng nasa paligid ko. Naparalyze yung buong katawan ko at parang tumigil din panandalian ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam anong gagawin ko.

"H-Ho?" Hindi pa rin ako makaPaniwala sa sinabi ni Tita.

Parang naguho ang mundo ko sa narinig. Parang biglang may sumaksak sa puso ko ng sabihin ni Tita Lea na inataki si Mama sa puso.

Hanggang ngayon naririnig ko pa ang sinabi ni Tita Ang Mama mo inatake sa puso! Paulit ulit kong naririnig iyon sa isip ko.

"Nasa Hospital kami ngayon, tetext ko sayo ang address ng Hospital." Sabay pinatay niya yung linya.

Pinaharutrot ko ng mabilis ang sasakyan ng mareceived ko ang address. Nanginginig ang mga kamay ko sa takot at kaba.

....

Sabi ng Doctor saamin. Kung gusto pa daw namin humaba ang buhay ni Mama. Kailangan namin siyang dalhin sa ibang bansa dahil doon lang may makakatulong sakanya. Kompleto ang gamit doon at madami din ang magagaling na Doctor. Kaya kinabukasan pumunta agad kami ng US para ipagamot si Mommy.

Pagpasok ko ng kotse nakita ko ang phone ko nasa ilalim ng upuan ng sasakyan. Nakita ko yung mga missed call ni Alex. Tinatawagan ko siya pero hindi ko siya ma-contact.

Hanggang sa makapunta kami ng ibang bansa. Nagpapadala ako ng mga sulat sakanya pero walang bumabalik saakin. Baka nakalimutan na nya'ko o marahil ay nagagalit siya sapagkat hindi ako tumupad sa aming usapan.

Ilang taon ko pinagsilbihan ang Mommy habang nabubuhay pero binawian pa rin siya ng buhay. Umuwi ako sa pilipinas para balikan ang mga taong naiwan ko pero sa pagbalik ko wala na siya. Hinanap ko si Alex pero hindi ko siya makita sa laki ng Manila. Kaya nag decide ako na bumalik na lang sa ibang bansa at doon magTrabaho kasama si Daddy.

(End of Flashback)

"Kaya nung ymuwi kami dito. Hinanap pa rin kita. Never kitang kinalimutan Alex pero dito lang pala kita makikita... Kaso may iba ka na, Gusto ko lang humingi ng patawad kung nasaktan kita." Ikinwento nito ang buong nangyari noon.

Speechless ako. Hindi ako makapaniwala sa dinanas nito. Yung araw na magdeDate kami. Yun din sana ang araw na sasagutin ko na siya pero hindi siya sumipot. Naghintay ako ng ilang oras na nagba-bakasakaling pupunta pa siya pero hindi na siya dumating hanggang magSara ang restaurant na meeting place namin.

"Sorry, and condolence also." NakaYuko ako. Hindi ko siya matignan sa mata. Hindi ko alam na ganon pala ang nangyari sakanya. Pero bakit hindi niya agad sinabi. Isa pa, wala akong natatanggap na sulat kahit isa. Siguro hinaharang ng siraulong stepfather ko ang mga sulat ni Matt.

"So, Pinapatawad mo nako?" Ngumiti ng matamis sa akin si Matt at nagHihintay ng isasagot ko.

"Yup, Sorry din ah?" Atsaka ko siya yinakap ng mahigpit.

"Okay, Let's go. Baka malate tayo, sasakay pa tayo ng Airplane papuntang Palawan." Kinuha niya yung dala kong bagahe at dinala sa kotseng dala nito.

......

Hanggang makaRating kami ng Mansion ng Lolo nila. Dito ata magkikita-kita. Nang makaBaba ako. Agad ako sinalubong ng yakap ni Lac. Nandito na pala siya.

Sold By Mr.ManiacWhere stories live. Discover now