Mr. Stealer (OneShot) 1

53 0 0
                                        

"Ang sarap sarap kayang mainlove! " pambungad na sabi ni Ella, isa sa mga classmate ni Khristine sa Leiar Kerb University. Third year college na sila at education ang kursong kinukuha nila.

Si Khristine Joy Sualez ay isang 19 years old na babaeng single pa mula nuon. Hindi naman sa mapili sya pero sadyang ayaw niya lang sa mga taong mukhang adik at hindi seryoso. Simple lang syang babae, may straight na buhok na lampas sa balikat at medyo maliit, maganda at simple lang kung manamit.

Napalingon na lamang sya rito pagkapasok nya sa kanilang room.

"Umagang umaga. Tsk! " bulong niya sa sarili at napapailing na lamang habang naglalakad papunta sakanyang upuan.

Hindi nya maintindihan kung bakit laging sinsasabi iyon ni Ella na sa pagkakaalam niya ay nag away ito at ng boyfriend niya kahapon lang. Tapos sasabihin niyang masarap mainlove? Nababaliw na ba sya?

"Kung makaiyak kahapon akala mo wala nang bukas. Tapos ngayon masarap mainlove? Nice" sunod pang bulong ni Khristine sa sarili na para bang may kinakausap ito na hindi nakikita ng iba.

Habang naghihintay sa morning class teacher na si Miss Jeyanne, lumapit si Lea sakanya, medyo close silang dalawa kapag nasa klase.

"Oy? Anyare sa mukha mo? " tanong pa nito sakanya ng makita niyang nakabusangot ito habang nakatingin sa phone.

"Oooyy may katxt sya. Boyfriend mo? Nag away kayo? " sunod-sunod na tanong nito sakanya pagkatapos umupo sa tabi nito.

Napangiwi nalamang si Khristine sa narinig. "Oo eh kaso patay na pinatay ko kanina" walang gana niyang sinagot ito.

"Omo! Talaga? Saan mo nilibing? "

"Baliw! " naiinis niyang sabi rito. Maniwala ba daw.

"Alam mo ang boring ng buhay mo magbago kana! " dagdag pa nito na para bang nang aasar sakanya.

"Ano bang kailangan mo? " hindi niya na mapigilang mainis rito.

"Wala nang aasar. Ay teka! May irerecommend ako sayo. I'm sure mag eenjoy ka dito"

Kinuha ni Lea ang kanyang cellphone at may ipinakita sa messenger.

"Ano namang meron dyan?" pagtatanong ni Khristine

"This is a page where you can find your match bes! Tignan mo, ayan NearGroup tawag dyan"

"Tapos?"

Ipinaliwanag ni Lea kay Khristine ang tungkol sa NearGroup na page sa messenger kung saan makakachat ka ng iba't ibang tao depende sa imamatch sayo ng admin. Nakabase ang magiging kachat mo sa iyong status.

Matapos ang mahabang paliwanag ni Lea ay dumating na ang kanilang napakaboring na teacher na walang ibang ginagawa kundi ang kumain sa loob nga klase tapos mag papaquiz nang wala sa oras.

Dumating ang hapon at natapos na rin ang kanilang klase. Agad na umuwi si Khristine sakanilang bahay.

"Hi bes!" bati sakanya ng nakababatang kapatid na si Mark.

"Tumahimik ka bading" walang gana niyang sagot dito.

"Che!" inirapan nalamang sya nito.

Pagkapasok niya sa kwarto niya ay bigla na lamang siya nakaramdam ng pagod. Napagod kakaupo at pakikinig sa walang kwentang mga tinatalak ng teacher niya. Walang kwenta nga ba?

"Huhayyy kapagod. Tsk!"

Ipinikit niya ang kanyang mata at nahiga sa kama nang biglang pumasok sa isipan niya ang sinasabi ni Lea patungkol sa NG o NearGroup.

Mr. Stealer(Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon