"Pe..ter.." tuluyan na itong yumakap sa akin.

Nangangatal ang buong katawan ko sa lahat ng naririnig ko mula sa kanya. How could he easily throw this kind of words. Nakakapanghina, nahihirapan na akong huminga Pedro..

"Bumubulusok na rin ako.. A-Anong ginawa mong ito sa akin, C-Commander?"

"Minu-minuto, lumalala..Lieutenant."

Humigpit ang mga kamay ko sa likuran niya. Halos hindi ko na mapansin ang napakaraming taong posibleng nakakakita sa amin.

"I love you so much, Behati..beyond my never-ending imagination."

Ipinikit ko ang aking mga mata at mas dinama ko ang dibdib niya. I can hear his fast heartbeats.

"My passion to fly with my own wings isn't your competitor, Pedro." Hindi ito nagsalita at hinayaan niya lamang ako.

"Why would you compete against them? From the beginning you already had your own wings, higit pang mataas sa mga pakpak na dala ko ngayon and by the time that we had crossed our path, my wings will be yours and yours will be mine. Together we fly together with our one passion and that is to survive together."

"Who wouldn't crash with you words, baby? Kahit ang pinakamagaling na piloto ay matutuliro sa mga salita mo." I heard him chuckle.

"I want to ask you the same thing, Commander."

We laughed together.

"Thank you for coming into my life, Pedro..my own happiness isn't an imagination anymore."

"My own imagination broadened the moment I met you."

Ilang oras kaming tumagal sa labas, nakipag-kwentuhan kay Alys at Lance bago namin napagpasyahang bumalik na sa aming kwarto.

But this time, Pedro refused to share the room with me. Kumuha ito ng ibang kwarto na hindi malayo sa akin.

"Goodnight, Lieutenant."

"Goodnight, Commander."

Natulog akong masaya at magaan ang pakiramdam. Hindi ko akalaing napakasarap ng pakiramdam ng pagmamahal, hirap pa sa mataas na lipad ng eroplano.

Inayos ko na ang sarili ko nang magising ako. Inihanda ko na rin ang mga gamit na dadalhin ko patungo sa mga magulang ni Pedro.

Bitbit ko na ang mga gamit ko nang buksan ko ang pintuan.

And there, I saw the Commander..his blue eyes..na eksaktong nagmulat nang matapos nitong amuyin ang pumpon ng mga pulang rosas na hawak niya.

"Good morning, Lieutenant Monzanto." Inabot nito sa akin ang hawak niyang bulaklak.

"Thank you.."

"Give me your things," humakbang ako paatras.

"No, I can manage." Ngumisi lamang ito at nagkibit ng balikat.

Nagcheck-out na kami sa hotel at nakapagpaalam na kami sa pinsan ko. Nagulat ako nang may tumunog na sasakyan sa harapan namin. Isang itim na SUV.

"You own this?"

"Yes? Ayaw kitang i-commute."

Pinagbuksan niya ako ng sasakyan, buong akala ko ay sasakay na rin siya nang yumuko ito sa akin.

I thought he'd do something silly again, but he just whispered something.

"Safety first, Lieutenant." He put on my seatbelt.

Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko sa ginawa niya. Damn Commander.

Umikot ito at inayos muna ang mga gamit namin bago naupo sa driver's seat.

"Taga saan ka dito sa Pilipinas, Pedro?"

"Sariaya Quezon, pero nagbabakasyon ngayon sa Isla Verde ang mga magulang ko. We have our small villa in that island."

"Napakayaman mo siguro, Pedro."

"Nah, just my adoptive parents." Ngising sagot nito.

"Are you playing humble, Pedro?"

"I was humble from the very start."

"Sexiest astronaut alive? Nasaan ang humble?"

"You are bullying me, Behati."

I want to ask him kung papaano siya napapunta sa mga Pilipinong nag-ampon sa kanya. Where are his real parents? May ideya kaya ito?

"Do you have Filipino blood, Pedro?"

"Yes! My grandmother is a pure Filipina. My father is half-American-Filipino, and my mom is pure Spanish. But I inherited my blue eyes from my grandfather."

"Oh, you're a mixed breed."

"Breed, silly..my mom will be happy to see you."

"Are you sure?"

"Yes! She loves intelligent girls like you."

Wala akong naisagot sa kanya at tumingin na lamang ako sa labas. I'm quite nervous, this is my first time na haharap sa ibang pamilya.

"How about your Dad?"

"Of course, he will like you. You are very pretty, he'll be proud of me. Like father, like son." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Wow" kumindat lamang ito sa akin.

Minsan naisip ko, sana nabigyan rin ako ng pagkakataong ipakilala siya sa mga magulang ko. What will be their reaction? How will Pedro react with my noisy siblings? How will he win my parent's heart?

"Gusto nila malambing na mamanugangin para sa akin..but my baby is..well.." nangunot ang noo ko sa kanya.

Here we go again, me and not my sweet acts.

"I am sweet, Pedro."

"Sometimes, tapos sasabihan mo na naman ako ng imagination."

"Being sweet isn't being clingy. Kapag sobrang landi na, hindi ko na kayang sabayan. And—and it depends upon the mood." Nag-init ang pisngi ko sa sarili kong sinabi.

"Hey there baby, sinasabi mo ba na malandi ako?"

"No, I am just imagining things, Pedro."

"You are impossible, Behati."

"You have your own definition of sweet, Pedro."

"Uhuh?"

Mahaba pa ang naging biyahe namin, nakatulog ako hanggang sa makarating kami sa may piyer.

May sumalubong sa amin na lalaki at inihagis ni Pedro ang susi dito.

"Okay na ba, Paeng?"

"Yes, sir..nakahanda na po ang yate."

"Yacht?"

"Yes, ayaw kitang i-commute."

Ipinagdala na kami ng lalaking sumalubong sa amin at habang patuloy kami sa pagyakbang ay natunton na namin ang hindi kalakihang yate na nag-aabang sa amin.

"You own this?"

"Nah, I borrowed this from my parents. Ilang eroplano lang ang meron ako." Inalalayan ako nitong makasakay sa yate hanggang sa kapwa na kami nakasakay dito.

Nanatili lamang akong nakatayo habang inaayos na ni Pedro ang lahat. Katulong niya ang lalaki, ilang minuto pa ay ramdam ko na ang nagsisimulang pag-andar ng yate.

Nawala na ang katulong ni Pedro at tanging kami na lamang dalawa.

"Come here, baby. I'll teach you here."

Wala akong salitang sumunod sa kanya. He locked me against his arms while we're both holding the steering.

Umihip ang malakas na hangin kasabay ng watawat ng UASA sa harap ng yate. My grip tightened against the steering wheel when I felt his warm breath on my ear.

"If we can fly together.. sail with me baby..against the toughest waves.."

--
VentreCanard

Taste of Sky (EL Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon