Chapter 4

2.5K 129 7
                                    

Nilayo ni Chanyeol si D.O kay Kai at pumunta silang dalawa sa court para doon makapag usap ng maayos.

"Sige iiyak mo lang". seryosong sagot ni Chanyeol at yumakap naman si D.O sa kanya. Pinakalma niya ito dahil masyado itong nasaktan sa ginawa ni Kai sa kanya

"Yeol? may pagkukulang ba ako sa kanya? Ano kayang nagawa ko bakit pinagpalit niya ako-

"Sshh alam ko yung nararamdaman mo sa ngayon D.O, Kung ako lang din nasa posisyon mo ngayon iiyak din ako ng iiyak. Wag kana magsalita dahil sa iyak mo pa lang alam kong nasaktan ka ng sobra." payo ni Chanyeol habang hinihimas nito ang likod ni D.O upang pakalmahin ito. Patuloy lang ito sa pag iyak

"Alam mo yung feeling na lahat ng mga ginawa niya saken tiniis ko yun, tapos ganito lang gagawin niya sakin, Yeol? Ang sakit!" patuloy pa ding umiiyak si D.O

"Hayaan mo nalang siya D.O, Wala siyang kuwentang boyfriend para sayo. Yung mga katulad mo hindi dapat sinasaktan. Atsaka ang cute mo kaya tapos sasaktan ka lang" Nakangiting tugon ni Chanyeol habang kinurot niya ang pisngi ng kanyang kwagong bestfriend, dahilan para itulak siya ni D.O

"Baliw ka talagang yoda ka! Dami mong sinasabi ! " sambit ni D.O habang nakangiti ito at pinupunasan ang mga luha nito

"Pinapangiti lang kita gusto ko lang ipamukha sa kanya na hindi mo siya deserve D.O ! Di mo deserve ang mga katulad niyang basura!" singhal ni Chanyeol at niyakap nang mahigpit si D.O

Hindi alam ni Chanyeol at D.O na kanina pa silang pinapanood ni Kai sa malayo.

Kai ano ba tong nararamdaman mo? Nakipag break ka diba kaya wag kang manghinayang. Madali lang naman yan palitan tssss. Dapat nga maging masaya ka dahil wala ng mangungulit sayo.

Naglakad siya papuntang canteen kasama ang mga tropa niyang sila Taemin at Jimin. Hindi siya tumitingin sa dalawa

"Pre? diba yung gf mo yun si D.O bakit may kasamang-

"EX girlfriend! At i don't care! Who cares ba?," matipid na sabi ni Kai habang nakakunot noo ito kay Jimin










[Sa bahay ni Luhan]

"Girl? balita ko break na daw kayong dalawa ni Kai? Totoo ba yun?" malungkot na tanong ni Luhan habang umiinom ng bubble tea. Nandoon din si Sehun katabi ni Luhan naka poker face lang sa kanilang dalawa

"Oo, paano mo nalaman?-

"Sinabi ko sa kanya, D.O!" nagulat siya na may nagsalita at nakita niya si Chanyeol. Hindi niya alam na nandito din pala itong yoda na to.

"Hayaan mo na lang siya beks! Kung saan ka masaya, Marami pa namang lalaki sa tabi tabi. Minsan nga katabi mo lang hindi mo pa nakikita" mariin na sagot ni Luhan

Napatingin naman ako sa tabi ko at si Chanyeol napatingin din sakin

"Thabi ko naman tha inyo pwede kayong mag thyota dalawa ni Chanyeol, D.O" nakangising tugon ni Sehun bulol talaga tong bakat na to hays!

"La? pinagsasabi mo Sehun? bulol ka talaga este ano kaba? Bff lang naman kaming dalawa ni Chanyeol"

"Oo nga naman, Sehun bff lang naman kami D.O!" nakangiting tugon ni Chanyeol







[Sa bahay ni Kai]

Nakahiga si Kai sa kanyang kama at iniisip ang nangyari kanina. Hindi siya makapaniwala na wala na silang dalawa ni D.O , Hindi naman niya namimiss si D.O pero parang ganun na nga. Marami siyang namimiss kay D.O. yung boses nito. yung luto. at kung gaano siya nito inaalagaan nito. Bumangon na lang siya upang kumuha ng alak sa ref nila. Pagkakuha ng alak ay dumiretso na siya sa kanyang kwarto

Habang lumalalim ang gabi ay patuloy pa din sa pag inom si Kai hanggang sa sinuway na siya ng kanyang katulong ngunit hindi pa din ito tumitigil sa pag inom. Ginawang tubig ang alak! Paakyat pa siya paakyat ng mga alak sa kwarto niya kaya puro bote na sa loob ng kanyang kwarto. Pumasok ang isang katulong sa loob ng kwarto niya upang maglinis at ihiga nga ng maayos ang kanyang among lasing na lasing na kanina pa.

"D.O i miss you bumalik kana please!" Ito ang kanina pang sinasabi ni Kai habang tinutungga niya ang alak na animo'y parang tubig lang, hanggang sa makatulog na ito ng mahimbing.

𝑯𝒊𝒔 𝑬𝒙-𝒃𝒐𝒚𝒇𝒊𝒆 𝑹𝒆𝒕𝒖𝒓𝒏𝒔 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Where stories live. Discover now